July, 2008Nagtatakang bumaba ng hagdan si Gelli, dahil hindi siya ginising ng ina. Kumatok din siya sa kwarto nito sa pag-aakalang baka tulog pa ito, pero nang buksan niya ito, wala ito doon.
"Mama!" Sigaw na tawag niya, pero walang sumasagot. Sa kusina siya dumiretso dahil alam niyang yun ang 'hangout' place ng mama, dahil doon ito kumakalap ng tsismis mula kay Aling Gina, ang kasambahay nila.
She was right. Her mom was there, but she's alone. It's weird, and what is weirder is she's sleeping in the counter, at sa tabi nito ay mga bote ng beer na wala ng mga laman.
Lumapit siya dito, at ginising.
"Why are you sleeping here, ma?" Tanong niya habang nagsimulang ligpitin ang mga kalat. "And did you drink all of this?"
"Yeah, I couldn't sleep last night. So uminom ako para makatulog."
"This much? May problema ba?" She handed her a glass of water. "You know you can tell me."
Hindi agad sumagot ang ina. Parang nag-aalangan ito.
"Ma, it's okay. If you're not ready yet, okay lang. I'll just be here. But next time, don't drink too much. Kausapin mo na lang ako."
"Angel... its about your dad."
Natigil sa pagkilos si Gelli. It's been a long time, since naging topic nila si papa. Mula kasi nang ipagpalit nito ang mama niya sa ibang babae sa America, parang naging silent rule nila na wag na itong pag-usapan. But that doesn't mean she hates her father. At first, yes, but as time goes by, nawala na yung galit. At the end of the day, he's still her father. May communication naman sila, and her mom knows, pero hindi siya nagkwe-kwento dito kung ano pinag-uusapan nila. Feeling kasi niya, she's betraying her mom, at kahit ilang beses na siyang ni-reassure ng mama, hindi natatanggal ang guilt feeling na iyon. So talking to her about dad makes her uncomfortable.
But that uneasiness vanished nang marinig niya ang balita tungkol sa ama.
"Na-stroke ang papa mo, and he's in critical condition."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Gago! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo, Rain." Angil ni Gelli, sabay batok sa kaibigan.
"Wow! Diring-diri tayo ha! Gaano ba kasama na maging boyfriend mo ko?"
"Hindi naman sa ganun. Pero kasi kahit biro yan, ayaw tanggapin ng sistema ko. Para na kaya kitang utol."
"Sino may sabing nagbibiro ako? Seryoso ako uy!"
"Sagutin mo na kasi Gelli! Matagal ng may crush sayo yan."-Nell
"First year pa lang ang lakas na ng tama niyan sayo."-James
"Eh gwapo naman, mayaman, at mabait naman, kahit minsanan Lang."
"Anong minsanan lang? Naka-ingrain na sa gene ko ang pagiging mabait."
"Okay, sige! Papayag akong magpaligaw, pero sa isang condition." Sabi ni Gelli, at ngumiti nang may laman.
"Kahit ano yan, gagawin ko."
"Ipagsigawan mo sa buong campus na mahal mo ako." Dare niya dito
BINABASA MO ANG
My First Love
RomansaThe first time you fall in love, it changes you forever and no matter how hard you, that feeling just never goes away. -Nicholas Sparks