Chapter 8: Thousand Miles

13 1 0
                                    




April, 2020



"So how's your dad now? Nasa Korea pa din ba?" tanong naman ni Gelli.




"He's great. Right now, nasa Greece ata siya? Or was it Rome? Hindi ko na alam. Pa-travel-travel na lang kasi sila ni mama after maka-recover ni papa."




"That's good. I think nasabi mo sa akin once na yun yung pangarap ni Tito. Atleast ngayon nagagawa na niya yung dream niya. So kayo na ng kuya mo ang nagpapatakbo ng company niyo?"




"Yeah, when I got there, nag-training agad ako. And it was hell. Kinailangan ko kasing pagsabayin ang school at training."



"Wow! But you did it! Andito ka na. You got your dream right?"




"It's all because of you."







_____________________________________________



December, 2009




"Good news! Kami na ulit! Yay!" Pagbabalita ni Gelli sa mga kaibigan nang makita ang mga ito sa favorite shed nila. Maaga pa kaya hindi pa nagsisimula klase nila.




"Talaga?" sabay-sabay pa na tanong ng mga ito. 



"Yep!" Then pinakita niya ang magkahugpong kamay nila ni Dylan. "We talked and he realized na hindi pala niya ako kayang mawalay sa tabi niya."




"Love, gumagawa ka na naman ng sarili mong kwento."




"But I'm right, right love?" Nilipat niya ang mga kamay, at pinulupot sa braso nito. Tinignan niya ito at tsaka nagpa-cute.



"Ewan ko sayo." He gently pushed her at tsaka umupo na.



"Love naman eh!" Reklamo niya, at tsaka sinundan ang nobyo. She was gonna sit beside him, pero inilagay ni Dylan ang kamay sa hips niya at iginaya paupo sa lap nito.




"See? I told you? He's soooo inlove with me."




"Sige na! Ikaw na pinagpala! Pero buti naman nagkabalikan kayo."-Sunny




"Oo nga! Akala ko kahapon, yun na talaga ang katapusan niyo. Nasayangan ako."-James




"Oh diba sabi mo mas bagay sila ni Aine?"



"Noon yun. When I didn't see how you make him happy."




"Talaga?" Lumipat ang tingin niya sa nobyo. "Do I make you happy, Mr. Montez?"




"Very."




"Then don't ever forget it."







~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~





"Manang, please tulungan mo ko! Hahahaha hahahaha!" Pagmamakaawa ni Gelli, dahil kinikiliti siya ni Dylan. Nasa bakuran sila ng bahay nina Dylan. Nagluto daw kasi ng biko si Manang Fely, kaya inimbitahan siya ng mga ito para tikman. But after they ate, they became playful, kaya andito sila ngayon sa sitwasyon na ito.


My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon