Chapter 1: Reunion

41 2 0
                                    

April, 2020

"Oh ready ka na ba para bukas? Andaming nag-eexpect sayo." Tanong ni Rica kay Gelli, na nasa kabilang linya ng phone. Abala sa pag-eempake kanina si Gelli nang bigla siyang tinawagan ng kaibigan mula pa nung high school.

"Oo naman no! Once lang magkaroon ng 10th year reunion. Ayoko namang mapalagpas yun, and besides, andami niyong namiss ko." Pina-sweet pa nito ang boses

"Sabi mo pa! Kung kasi bumisita ka naman dito paminsan-minsan dba? Eh di sana nakakapag-get-together tayo. Mas daig mo pa ung mga nasa ibang bansa, eh diyan ka lang naman sa Manila."

"Eh alam mo naman...ang hirap magpayaman. Buti sana kung katulad mo akong from rich family."


"Baliw! Sina mama at papa lang yun. Ako? Kontento na ako kay Franz." Sagot ng kaibigan. Dinig niya ang contentment sa boses nito. Simula kasi nang mapangasawa ni Rica si Franz, binigay na nito ang lahat ng control sa negosyo ng pamilya nila sa kapatid nito, at nakontento na lang sa sarili nitong business, na isang café. "Pero infairness madami talaga ang excited na makita ka, lalo nang sinabi kong sure na makakarating ka."

"Talaga? Sabihin mo wag silang masyadong mag-expect, dahil konti lang ginanda ko. Since high school naman kasi, maganda na ako." Pabirong pagmamayabang niya.

"Wow! Ang akala ko next week pa yung bagyo, bigla kasing humangin."


"Totoo naman! Ako kaya ultimate campus crush."

"Sa ibang school ka ata nag-aral, dahil hindi ko maalalang naging campus crush ka."


"Uy totoo kaya! Sa mga daydreams ko nga lang."

"Hahahaha of course! Sino kasi maniniwala na naging campus crush ka." She paused, na para bang may naalala. "Maiba ako, bes. May nakalap akong chismis."

"Oh ano yun?" Hindi naman siya interesadong malaman. Natanong lang niya just to entertain her friend.


"Guess who came back from the States and decided to attend." Pa-misteryosong tanong nito.

Base na rin sa tono ng kaibigan, she pretty much guessed kung sino ang tinutukoy nito. But her friend doesn't know that, kaya pinatulan na lang niya ito.

"Sino?" Kunwaring hindi niya alam ang sinasabi nito

"Dylan Montez, your ex."





________________________________________

June, 2009

"MISS ANGEL MARIE TORRES! MAHAL NA MAHAL KITA!"

Sigaw ni Dylan sa may quadrangle ng eskwelahan nila. Kasalukuyang nagbe-break ang mga estudyante ng Laoag National High School, nang mabulabog sila ng pagsigaw ni Dylan gamit ang isang megaphone. Napatigil lahat sa kanilang mga ginagawa ang mga estudyante at nagsimulang magkumpulan sa kinaroroonan ni Dylan.

Pero malas lang ni Dylan, hindi kabilang sa mga iyon ang gusto niyang makarinig sa sasabihin niya, imbes ay nasa library ang dalaga at abala sa pagbabasa ng isang romance pocketbook.


Napatingin si Gelli sa labas ng library, at kitang-kita niya ang mga nagkukumpulang estudyante dun. Curious siya kung anong nangyayari, pero dahil patapos na siya sa binabasa, hindi siya nag-aksyang alamin kung anong meron. Mas importante na matapos na niya ito, kasi kilig na kilig na siya. She continued reading, pero bigla na lang may humatak sa kanya patayo, na kinagulat niya. She saw her friend, Rica, na hingal na hingal.

"What's up?" Nalilitong tanong niya. Sinara niya ang libro at umapo ng matuwid.

"Angel Torres, wala ka ba talagang pakialam sa nangyayari sa paligid mo? Hindi mo ba nakikita ang nandun?" May halong pagod at inis ang tono nito. Sabay turo sa quad. Tumango lang si Gelli. "Hindi ka ba nacu-curious?"

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon