Chapter 12: Yuanfen

9 1 0
                                        

June, 2014


Dylan's POV


Nilapitan ko ang babae, at tinawag ito.



"Miss..."



Pero nadisappoint ako nang ibang babae ang nakita ko. It was just really my hallucination.


"I'm sorry, I got the wrong person." Paghuhumanhin ko, sabay alis. Napangiti na lang ako sa sarili. Napakaimpossible naman kasing nandito siya. Maybe it's time to accept the fact na hindi kami talaga para sa isa't isa. May maliit kasi na bahagi ng puso ko na umaasang may pag-asa pa kami, na isang araw magkikita kami ulit.


But I guess I'm wrong.



_______________________________________________________________________________



April, 2020


Saktong natapos ang kanta nang nilapitan siya ng isa sa mga batchmates nila.



"Gelli, may naghahanap sayo sa labas."


"Okay, thank you." sabay ngiti. Nang umalis ito, binalingan niya agad si Dylan. ''May gusto akong ipakilala sayo." excited na sabi niya, sabay hila sa kamay nito. Iginaya niya ito palabas ng bar.



"Babae?" biro nito



"Baliw! Hurry up!"


Lumabas sila ng club, at nakita nila ang isang lalaking naka-Americana na nakasandal sa isang sasakyan. Mabilis itong lumapit sa kanila nang makita sila nitong lumalabas ng bar.


Hinalikan nito si Gelli sa pisngi ng makalapit ito, at inakbayan.



"I want you to meet somebody. Dylan, this is Xedric, my fiance."



________________________________________________________________



June, 2014


Gelli's POV



"Miss..."


Napalingon ako dahil may tumapik sa balikat ko. It's a guy. Ngumiti ito nang lumingon ako.



"You drop this." Sabi nito, at inabot sa akin ang keychain na regalo sa akin ni Dylan. 



Ngumiti ako ng mapait. I didn't drop it. Sinadya kong iwan iyon. It was his last gift to me. I knew the meaning of the gift. It is his way of saying that until I have that, I will hold a special place in his heart. But I don't think I can still keep thinking that. I have to wake up from this dream na darating ang araw na we'll be together again.



"You can have it." Malungkot na tugon niya. Aalis na sana siya ulit, pero nagsalita ulit ito.



"I can't, if the owner looks like she doesn't really want to give it up." Lumapit ito sa akin, kinuha ang kamay ko, at ipinatong ang keychain. "If this is important to you, don't lose it." Sabi nito.



Walang akong nagawa kundi kunin ulit ang keychain, at hindi ko alam, pero bigla akong napaiyak. Inilagay ko ang mga nakasaradong kamao ko, where the keychain was, sa bibig ko, at doon umiyak ng umiyak. I really want to give up, pero bakit hindi ko kaya?



"Hala! Umiyak na!" Parang nagpa-panic na yung lalaking kumausap sa akin. Hindi na nito alam ang gagawin. "Miss, stop crying. They might think I'm at fault."



Pilipino pala ang loko! HIndi ko na kasi pinansin, kasi wala naman akong pakialam.



"Kasalanan mo talaga! Bakit mo kailangang ibalik to sa akin?"



"It's yours! But wait! Pinay ka?" mukhang nagulat na tanong nito



"Malamang! Nagtatagalog ako dba?"



"Pwede bang itigil mo na yang pag-iyak mo? Pinagtitinginan na tayo. Akalain nila ako ang rason."



Mas humagulgol ako. Hindi ko alam pero ngayon ko gustong ibuhos lahat ng frustration, galit, at sakit. Nagsimulang magbulungan ang mga taong nandun. But I didn't mind.Ngayon na nga lang ulit ako umiyak.



Napatigil lang ako nang biglang ilagay ng estranghero ang kamay nito sa likod ng ulo ko, at hinapit palapit sa dibdib nito. Napasubsob tuloy ako sa chest nito, na infairness ang tigas. Nagulat ako sa ginawa nito, kaya hindi agad ako nakapag-react.



"Now, you can cry harder." He's a stranger, Pero hindi ko tinanggihan ang alok nito. Mas sinubsob ko pa ang mukha ko sa dibdib nito, and I clung into him. Doon ako humagulgol.


"And for the record, I'm Xedric Dy."

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon