Chapter 28: Pholyfate

4K 73 8
                                    

Chapter 28

Rose POV

I'm here sa library ng academy. I want to have some little background sa lugar na kinabibilangan ko. Mahirap kasi na wala man lang akong alam sa lugar na ito maging sa mga kingdom na naririto. para ankong mang mang dito. walang kaalam alam.

Nag-uuli ako aa boung library hanggang aa makarating ako sa dulo sa may pinakasulok para lang makahanap ng magandang librong makakapagsabi sa akin ng mga bagay na gusto kong malaman. at isang libro ang nakakuha sa atensyon ko.

This book is different. makapal ito at kulay ginto ang cover. napakaganda ng libro para itong kumikinang. may nakaukit sa gitna ang salitang Peravie at pinapalibutan ito ng mga dyamante.

Napagdesisyunan kong umupo sa isang sulok para basahin ang nilalaman nito. Binuklat ko ang pahina at binasa ang nakalagay dito.

Ang Peravie ay isang lugar na namumutawi at pinapalibutan ng mahika. Isang lugar na umiiral ang kapangyarihan. Noong unang panahon iisa lang ang umiiral na Kingdom aa boung Peravie at iyon ay ang Phenylane Kingdom. Sama sama ang iba't ibang Peravians na iba iba ang kakayahan. Nagkakaisa silang lahat at kapatid ang turing nila sa isa't isa. masaya silang namumuhay ng magkakasama ngunit dumating ng panahon na nagkalagulo ang iba't ibang partido kaya mapagdesisyunan noon na magkaroon ng iba't ibang Kingdom at hatiin ang bawat kapangyarihan upang hindi na magkagulo at magkaroon ng kaayusan.

May pitong kingdom ang mayroon sa Peravie.
una, ang Tatra kingdom kung saan nabibilang ang mga nilalanag na may kakayahang makipaglaban. hindi ordinaryo ang kanilang pamamaraan. Wala man silang kapangyarihan tulad ng iba ngunit sa pisikal na pakikipaglaban sila maaasahan. sila din mg tinatawag na white soldiers. Bukod doon ito din ang lugar ng kalakalan sa buong Peravie. Lahat ng kailangan ng mga Peravians at matatagpuan dito. Pinamumunuan ito nila King Anhydrous Scott at Queen Crystalline Scott.

Ang Tapoica Kingdom kung saan nabibilang ang mga nilalang na may kakayahan sa kidlat. Nagagawa nilang magpalabas ng kidlat gamit ang kanilang mga palad. Maaari din silang magpalabas ng kidlat sa kalangitan kahit Hindi umuulan o bumabagyo. Huwag mo din silang gagalitin dahil kaoag nahawakan ka nila sigiradong mamamatay ka dahil sa kuryente. Pinamununuan ito nila King Zandrie Maguire at Queen Aprhodaite Maguire

Sumunod ang Glycerides Kingdom kung saan nabibilang ang Peravians na may kakayahang controlin ang lupa. Nagagawa nilang gumawa ng kung ano anong nilalang gamit ang kanilang kakayahan. isa sa espesyal na kakayahan ng mga naririto ay ang makagawa ng artipisyal na bagay o lugar na pwede nilang gamitin sa pakikipaglaban. kung wala ang lugar na ito mapupuno ng tubig ang buong Peravie. Pinamumunuan ito nila King Gabriel Villatora at Queen Clarisse Villatora.

Ang Olean Kingdom kung saan nabibilang ang mga nilalanang na may kakayahang controlin ang hangin. Maaari silang gumawa ng ipo ipo o buhawi gamit ang taglay na kapangyarihan. Isa ang Kingdom na ito sa pinakamahalagang lugar sa Peravie dahil sila ang pinagmumulan ng hangin sa buong lugar ng Peravie. Kung wala sila wala ni isang Peravians ang mabubuhay. Pinamumunuan ito nila King Xhieen Miller at Queen Shantarah Miller.

Ang Saffarie Kingdom kung saan nabibilang ang mga nilalang na may kakayahan sa tubig. Nagagawa nilang gumawa ng ulan, ilog at dagat. Sila ang dahilan kung bakit nabubuhay ang mga halaman at puno sa buong Peravie. kung wala ang lugar na ito mapupuno ng lupa ang buong Peravie. kaya din nilang gumawa ng yelo gamit ang tubig. Pinamumunuan ito nila King Darwin Malley at Queen Saffira Malley.

Ang Dieceta Kingdom o mas kilala sa pangalang underworld. dito sa lugar na ito pinatatapon ang mga taong lumalabag sa kautusan ng Peravie. Dito din pinatapon ang mga taong kumakalaban sa lahat ng Kingdom. Gusto nilang mamuno at maging makapangyarihan sa lahat. Pinamumunuan ito nila King Lawrence Flores at Queen Jashmine Flores.

At huli, ang centro ng Peravie . Ang pinakamayaman, pinaka makapangyarihan at pinaka importanteng lugar sa Peravie. Ang Phenylane Kingdom kung saan nabibilang ang mga Peravians na may kakayahan sa apoy. May bawat lebel ang mga nilalang na naririto base sa kulay ng apoy nila. Ang panglima ay Dilaw. Pang apat ay ang kulay Kahel. sumunod ang Pangatlo ay ang Pula. Pangalawa ay ang kulay Itim na isa sa delikadong kapangyarihan at ang Una at pinakadelikado sa lahat ay ang Asul na apoy. Bukod doon may espesyal silang kakayahan at yuon ay ang enhance senses. Pinamumunuan ito ni King Saisen Flores at Queen Allianne Flores.

"Queen Allianne" banggit ko ng mabasa ang pangalang iyon sa aklat. Tila tumatak na sa akin ang apelyidong Flores. pakiramdam ko may koneksyon ito sa akin, sa buhay ko at sa pagkatao ko.

Parang gusto ko silang makilala. Gusto Kong makilala ang pamilya Flores. Hindi ko alam kung bakit pero yun ang gusto ng isio at puso ko. Hindi ko maintindihan. Ang gulo.

Bigla na namang pumasok sa isip ko ang nakita ko dati. Isang lugar kung saan may away at sunog. away sa pagitan ng dalawang panig. Ano ang ibig sanihin ng mga ito. Hindi ko maintindihan.

Inalis ko na lang iyon sa isipan ko at ibinalik ko na muna ang libro at umalis na sa library.

That Girl Is A QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon