Chapter 67: Queen Allianne

2.3K 55 4
                                    

Chapter 67

Allanna POV

Kapatid ko si Walter! Yan ang tanging nakatatak sa utak ko habang nag-uusap sila. Magkapatid kami? Ano ko siya? Kakambal ko ba o kuya ko? Naguguluhan ako. Dahil ang tanging alam ko lang ay ako ang nag-iisang anak nila Mama. Wala siyang binanggit na kakambal ko, na kuya ko, na kapatid ko. Paano nangyari ang lahat ng ito? Narinig ko ang lahat ng kwento tungkol sa pagkato ni Diezekiel pero bakit parang may mali sa lahat ng iyon? May impormasyon akong hinahanap.
Kasama ni Diezekiel si Papa nung nagkaroon ng labanan samantalang si Mama naman nasa mundo ng mga tao. Ibig bang sabihin nun nasa mundo ako ng mga tao nung mga panahon ding iyon? Isang taon si Diezekiel nun so ibig sabihin 18 years old na sya pero 17 lang ako. So ano yun? Kuya ko sya? Bakit sila lang dalawa ni Papa ang magkasama? Ibig bang sabihin nun isang taon din silang nanirahan ditto bago ang digmaan? Kung ganun paano ako? Paano ako nabuhay sa mundong ito? Ang gulo. Hindi ko maintindihan. Parang may kulang sa lahat. Parang may mali.

"Andami nyong sinasabi. Tapusin na natin ang lahat ng ito." Sabi ni King Lawrence at muling sumugod palapit sa akin. Wala na akong lakas para labanan sya. Hindi ko na magawang tumayo. Hindi ko na sya malalabanan pa. ito na ang katapusan ko. Patawad Peravie. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at hinintay ang pagtama ng armas niya sa akin.

"Allanna!!!" rinig ko ang sigaw nilang lahat. Ngunit alam ko na naman ang kahahantungan ko.

Ilang segendo na ang lumipas ngunit wala akong naramdaman na tumama sa akin. At pakiramdam ko tila tumahimik ang lahat. Ang tahimik ng kapaligiran. Anong nangyari?

Imunulat ko ang aking mata at gayon na lang ang gulat ko ng makita ko si Ms. Atarah sa aking harapan.

"Ms. Atarah!" hirap man akong magsalita ngunit nagawa ko pa rin syang tawagin. Hawak nya ang armas ko at ginamit nya iyon para sanggahin ang armas ni King Lawrence. Sya ang sumagip at promotekta sa akin sa atakeng ginawa ni King Lawrence.

"Atarah!" rinig kong tinawag din siya ng Kings and Queens.

"Paanong---?" hindi matapos ni King Lawrence ang sasabihin nya

"Hindi ko hahayaan na may masaktan ka pa sa pamilya ko. Saktan mo na ang kahit na sino pero huwag lang ang anak ko!!!!!" sigaw ni Ms. Atarah. Anong ibig nyang sabihin? Anak? Sinong anak? Ako?

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni King Lawrence.

Hindi nagsalita si Ms. Atarah ngunit laking gulat naming ng magbago sya ng anyo. Kitang kita ko kung paano nagulat si King Lawrence sa pagbabago niya. At rinig na rinig ko kung paano nagsinghapan ang lahat sa kanilang nasaksihan. Sino man ang nasa posisyon naming lahat magugulat sa kanilang makikita.

"Allianne" rinig kong kay King Saisen nagmula ang boses na iyon. Si Ms. Atarah sya na ngayon si Queen Allianne. Paano nangyari ang bagay na iyon?

"Hindi ko hahayaan na masaktan mo si Allanna." Sabi ni Ms. Atarah or should I say Queen Allianne.

At ngayon sya na ang nakikipaglaban kay King Lawrence. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Naguguluhan na ako sa pagkatao ni Diezekiel at sa pagiging magkapatid namin. Tapos ngayon buhay si Queen Allianne at ngayon naman naguguluhan ako sa sinabi nya. Anong ibig sabihin ng lahat ng ito. Ang gulo! Ang gulo gulo na ng lahat.

Nakipaglaban lang si Queen Allianne at kitang kita ko kung paano niya natamaan sa kaliwang braso si King Lawrence kaya't napaatras sya palayo kay Queen Allianne.

"Hindi ko akalaing buhay ka pa pala. Pero magiging masaya ang lahat ng ito. Hahaha." Sabi ni King Lawrence sa kanya.

"Manahimik ka!" sigaw sa kanya ni Queen Allianne kasabay ng pagpapalabas niya ng kapangyarihan niyang tubig at pinatama ito kay King Lawrence.

Ngunit bago pa matamaan si King Lawrence ay bigla na lang itong naglaho.

"Hanggang sa muli. Magsihanda kayo." Yan ang tanging iniwan nya sa amin pagkatapos nyang maglaho. Naging tahimik ang paligid pagkatapos niyon. Tila ba nagpapakiramdaman ang lahat sa mga susunod na mangyayari.
Nakatalikod sa gawi ko si Queen Allianne. Kitang kita ko kung paano sya dahan dahang lumingon at tumitig sa akin.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Parang nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Parang kaharap ko ang sarili ko ngayon. Tama ang sinasabi nila. Kamukha ko sya. Hindi nalalayo ang itsura naming dalawa.

Kitang kita kong paano sya ngumiti sa akin at unti unting lumapit. Bigla syang lumuhod sa aking tabi. Hinawakan nya ang kamay ko habang lumuluha sya. Naguguluhan man ako sa nangyayari at sa ginagawa nya pero kitang kita ko sa mga mata nya ang pangungulila.

"Anak ko!!" sambit nya at bigla nya akong hinigit at niyakap ng mahigpit. Iba ang pakiramdam ng mga yakap nya. Kahit kelan hindi ko ito naramdaman kay Mama sa tuwing niyayakap nya ako. May kakaiba sa mg ayakap ni Queen Allianne. Pakiramdam ko ito ang yakap na matagal kong hinahanap. Yakap na nagpaparamdam sayo na okay ang lahat, ligtas ka. Yakap na nagsasabing safe ka.

"Allanna, anak ko!" rinig ko pang salita nya. Hindi ko alam pero kay sarap pakinggan ng pagtawag niya sa akin ng anak. Ngunit anong ibig sabihin niya? Anak? Anak nya ako? Paano? Hindi ba't si Mama ang tunay kong ina? Naguguluhan ako.

Matapos ng yakap ay inilayo niya ako sa kanya at muling tinitigan.

"Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" pagtatanong nya. Hindi ko magawang sumagot. Dahil hanggang ngayon hindi ko maproseso ang ang lahat ng sinasabi nila.

"Allianne!" rinig kong tinawag sya ni King Saisen. Lumapit ito sa kanya at yinakap sya.

"Akala ko patay ka na." rinig kong saad ni King Saisen sa gitna ng yakap. Dama ko ang saya sa kanilang dalawa. Humiwalay na sa yakap si King Saisen.

"Ngunit bakit mo tinawag na anak si Allanna?" tanong ni King Saisen sa kanyang asawa. Nguniti lang ito sa kanya

Nakita ko si Mama na nakatingin sa aming tatlo. Ganun din ang ibang Kings and Queens pati na ang Elites.

"Mama" pagtawag ko sa kanya. Sya lang makakasagot sa katanungan ko. Kita ko kung paano sya umiyak ngunit bakas sa kanyang mga mukha ang saya at ginhawa.

"Panahon na para malaman nilang lahat ang totoo, Lianne!" sabi ni Mama kay Queen Allianne. Anong totoo?

"Salamat Lein. Salamat sa lahat ng ginawa mo. Ngunit bago ang lahat dalhin muna natin si Allanna at ang iba sa palasyo upang magamot sila tsaka natin pag-usapan ang lahat." Saad ni Queen Allianne. At ganoon nga ang ginawa nila.

Binuhat ako ni King Saisen dahil tulad ng sinabi ko pagod ang katawan ko at hindi ko na magawa pang tumayo kaya't tinulungan na nila ako.
Gulong gulo pa ako sa lahat ng nangyari. Pero alam ko. Hindi pa tapos ang labanan.

That Girl Is A QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon