Chapter 4: Royal Section

7.8K 161 5
                                    

Chapter 4

Royal Section

Rose POV

Masaya akong naglalakad sa hallway ngayon. maganda kasi ang gising ko. hahaha. kaya wag kayong epal dyan ah.

Ay. wait lang! ano kayang meron? bakit lahat ata ng estudyante ngayon eh tahimik? wala ba silang balak pag-usapan ako? wala ba silang binabalak ngayon sa akin? hmm. hayaan na nga natin yan basta masaya ako. bahala na ang mga estudyanteng yan.

"Ahm. Ms. Rose Cuevas." tawag sa akin ng prof ko

"Bakit po Mrs. Tin?" tanong ko sa kanya. ano kayang kailangan nito sa akin?

"Inilipat ka pala ng President sa ibang room." sabi nito

"Po?" gulat na tanong ko. seryoso ba siya? Parang nabingi yata ako.

"As I said. Inilipat ka ng room ng president." ulit nito sa sinabi niya kanina

"Bakit po? saang room po ako nilipat?" tanong ko sa kanya. sana hindi sa Royal Section. parang awa nyo na. ayaw ko dun. Mas gugulo ang buhay ko.

"hindi ko din alam kung bakit ka inilipat. ang room mo ngayon ay sa Royal Section. sge alis na ako." sabi niya at umalis na. naestatwa ako sa sinabi nya.

tama ba ang rinig ko? sa Royal Section talaga? bakit sa room pa nina Kateyhel at Rion. at bakit nya ako inilipat ng room? anong dahilan niya? anong magiging buhay ko sa Royal Section? at dahil wala na naman akong choice kasi president na ang nagsabi kaya pumunta na lang ako sa Royal section. at sa wakas andito na rin ako sa pintuan ng Royal section. hayy. kaya ko toh. binuksan ko na yung pintuan at.....

"Hahahahahahahahahahaha." tawa ng mga estudyante pagkapasok ko pa lang. bakit sila nagtatawanan? kasi naman pagkabukas ko pa lang ng pintuan bigla na lang may bumagsak na kung anong malagkit na kulay green sa may ulunan ko. Argh. unang pasok ko pa lang ito sa room nila ganito na agad? paano pa kaya sa susunod na araw? Edi mas grabe pa aabutin ko.

"Welcome to the Royal Section Rose Cuevas." rinig kong sabi ni Kateyhel sa akin

"nagustuhan mo ba ang ginawa naming pasabog sayo?" dagdag niya pa. so siya pala ang may gawa nito. Rose ano pa bang bago ha. Queen of crimes and pranks yan eh.

Kerrione POV

Nagising ako sa malakas na tawanan ng mga kaklase ko. ano na namang trip ng mga ito. sino na naman ang napagtripan nila? bahala sila diyan basta ako matutulog lang.

"Welcome to the Royal Section Rose Cuevas." rinig kong salita ni Kate. wait. did i heard it right? Rose Cuevas, That nerd again?

"Nagustuhan mo ba ang ginawa naming pasabog sayo?" rinig ko pang sabi nito. tumunghay na ako para makita ang ginawa nila. nawala na din naman ang antok ko ng dahil sa mga naririnig ko.

tumingin ako sa may pintuan at nakita ko ang isang babaeng nagmistulang alien dahil sa slime na nasa katawan nito. saglit lang. si Rose nga!!

"Pauna pa lang yan. pang welcome pa lang namin yan sayo. abangan mo ang mga susunod." sabi pa ni Kate kay Rose.

"Guys. Iwelcome nyo naman ang bago nating kaklase na si Rose." sabi nito at pagkatapos lahat ng mga kaklase ko ay may kanya kanya ng ibabato kay Rose. I won't let that scene happen again.

"Don't you dare" sigaw ko na nagpatigil at nagpatahimik sa kanila. tumingin naman sa akin si Rose na gulat na gulat. Unti-unti akong lumapit sa kanya

"hala. anong gagawin ni King?" rinig kong bulungan ng mga kaklase ko. But I don't care.

"What are you doing Rion?" tanong ni Kate sa akin ng makalapit na ako sa kanila

"None of your Business Kate." sabi ko sa kanya at lumapit na kay Rose.

"Tara!" sabi ko sa kanya at hinigit na siya paalis sa room na iyon at iniwan namin ang mga kaklase kong gulat pa sa ginawa ko.

inihatid ko siya sa cr ng mga babae.

"Anong Locker number mo at yung susi?" sabi ko sa kanya. hindi naman ito sumagot at parang timang nakatulala sa kawalan. anong nangyare dito? Still in shock?

"Huy.!" tawag pansin ko sa kanya sabay yugyog sa balikat nya. para namang bigla siyang natanuhan sa ginawa ko.

"Huh?" naguguluhang sabi nito. Luting nga

"Sabi ko anong locker number mo at yung susi." ulit ko sa sinabi ko kanina

"Bakit? anong gagawin mo?" naguguluhan niyang tanong sa akin. haist. asan bang lupalop napunta yung utak nito. tsk.

"kukunin ko yung extra uniform mo sa locker mo ng makapagpalit ka na. mukha ka na kasing alien eh." sabi ko sa kanya at dun lang niya ata narealize kung anong nangyare sa kanya

"okay. eto." sabi nya pagkatapos ay ibinigay na niya sa akin yung susi. umalis na ako dun at nagpunta na sa Locker area

nang asa locker area na ako bigla kong naalala na hindi ko pala kinuha yung locker number niya. tsk. ang bobo mo talaga Rion. so paano mo malalaman kung asan ang locker nya. aist. baliw na ata ako. kinakausap ko na sarili ko. so kailangan ko pang bumalik sa kanya. Ganun?

'wala bang locker number sa susi niya.' tanong ng isip ko sa akin. tingnan mo pati isip ko nagtatanong na din. haha. oo nga noh? naalala ko na may locker number pala na nakasulat sa bawat susi ng locker namin. ang bobo talaga. so tiningnan ko na yung susi niya na binigay sa akin.

"Paanong----" 

That Girl Is A QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon