Chapter 55
Allanna POV
After naming magkwentuhan tungkol sa mga magulang namin heto kami ngayon tahimik na dinadama ang paligid. Sinusulit ang bawat oras kasi sa susunod training na ulit namin at mahirap ng humanap ng time para nakapagrelax ng ganito.Nakihiga ako sa lap ni Walter habang nakatingin sa punong sinisilungan namin. Habang sya naman ay nakasandal sa puno at nililikot ang buhok ko. Trip nya yun eh. Hahaha
"Are you happy?" Biglang tanong nya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya
"Ofcourse. Lagi naman akong masaya" sagot ko sa kanya
"Good. You know, I'm happy too. Noon hinihiling ko lang na makasama kita ng ganito ngayon nagagawa ko na" nakingiti nyang sabi habang nakatitig sa akin. Punong puno ng admiration ang mga mata nya. Para silang kumikinanh na bituin kapag nakangiti sya.
'Gustong gusto kong mahalin ka, Walter. You made me happy for the past days. You do such things to make me smile. Ngayon ko na lang uli kasi nararamdaman lahat ng ito. Pero bakit ganun? Gusto kitang mahalin pero parang may pumipigil sa puso ko. Parang ayaw nyang mahalin ka kahit may pag-asa pa. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko'
Yan ang gumugulo sa isipan ko. Madali namang mahalin si Walter eh pero bakit hindi ko magawa? Tsk!
"Drama mo na naman" natatawang sabi ko sa kanya
"Ewan ko sayo. Tara na, hanapin na natin ang Elites" sabi nya sa akin
"Okay" sagot ko
Tumayo na kaming dalawa at pinagpagan namin ang mga damit namin. May mga damo kasi na nagdikit eh.
"Allanna!" Narinig kong sigaw ni Daisy
Haharap na sana ako sa kanila ng mapansin kong may papalapit na kutsilyo sa likod ko. Napansin din ata iyon ni Walter. Kaya bigla nya akong niyakap sa bewang ko at iniwas sa kutsilyong patama sa akin. Dahil sa ginawa niyang pag iwas na-out of balance kami kaya natumba kaming parehas.
Muntik na ako dun ah.
Tumayo kaming dalawa at sabay kaming napatingin sa kutsilyong nakatusok na ngayon sa punong kinasasandalan naming dalawa.
Kanino galing ang patalim na iyan?
"Guys, okay lang kayo?" Tanong agad sa amin ni Rosaline
Hindi namin napansin na nakalapit na pala sila sa amin
Wait. Parang may kulang
"Asan si Tulip?" Pagkatanong ni Walter ay sya naming dating ni Tulip galing sa direksyon kung saan nagmula ang kutsilyong muntik ng tumama sa akin.
"Guys. Bakit nyo ako iniwan?" Sabi ni Tulip
Galit na galit namang lumapit sa kanya si Dionne sa kanya
"May balak ka bang patayin ang pinsan ko?" Sigaw nya dito.
Nilapitan ko naman siya para pakalmahin
"Dionne, calm down please." Paki usap ko sa kanya
"Paano ako kakalma kung muntik ka ng masaksak ng kutsilyo nya" sabi nya sabay duro kay Tulip
Bakas sa mukha ni Tulip ang pagkalito sa sinasabi ni Dionne
"Wait! Anong sinasabi mo? Si Allanna papatayin ko? Are you out of your mind? I wont do that to her." Naguguluhang salita nya
"Pwede ba huwag ka ng magsinungaling oh" sabi ni Dionne at kinaladkad si Tulip dun sa may puno
"Dionne. Stop it" pinipigilan ko na sya.
Tinulungan na ako ng Elites para pigilan din si Dionne. Galit na galit sya.
BINABASA MO ANG
That Girl Is A Queen
FantasíaAllanna Rose Cuevas is a rick kid who choose to live normally and look different from who she is. She hides her identity using her eyeglasses. She fell inlove with someone named Kerrione O-vein but loving that person means risking her life, until o...