Chapter 64: Reasons

2K 46 2
                                    

Chapter 64

Allanna POV

Naguguluhan pa rin ako sa nangyayari. Hindi ako makapaniwala sa kinuwento nila kung paano nila nalaman na si Daisy ang naging espiya. Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko mapigilan ang mga luhang lumalandas sa aking mga mata. Hindi ko matanggap na kaya nyang gawin sa akin lahat ng ito. I treat her as my friend. Para ko na din syang kapatid lalo na't close sila ni Dionne. Paano nya nagawa sa akin to. Sa academy at sa boung Peravie. Ito ang lugar kung saan sya nabuhay.

"Kaya mo ba ako laging sinasamahan at niyayakag kung saan saan kasi may plano kang ganito?" sa wakas nagawa ko na ding magsalita at magtanong sa kanya sa kabila ng lahat ng nalaman ko.
Humarap sya sa akin.

"Oo. Yun ang rason kaya ko ginagawa ang lahat ng ito." Sabi nya sa akin

"Bakit??" tanong ko sa kanya

"Wala kang pake alam sa dahilan na meron ako." Galit na sabi nya. Parang hindi sya ang Daisy na nakilala ko o hindi ko naman talaga kilala kung sino talaga si Daisy at kung ano talaga ang pagkatao nya.

"Niminsan ba hindi mo ako tinuring na kaibigan?" tanong ko sa kanya kahit alam ko na naman ang sagot doon gusto ko pa ring marinig mula sa mga bibig nya ang lahat.

"Hindi! You're just my enemy. Yun lang. You're nothing to me." Sabi nya. Mas lalo akong napa-iyak sa mga sinabi nya.

"Why???!" yan na lang ang tanging salita na lumabas sa bibig ko.

"Tapusin na natin to." Sigaw ni Rosaline at sinugod si Daisy

"Wag!!." Pagpigil sa gagawin nya

"Bakit Allanna? She betrays us. She doenst deserve anything." Galit na galit na sabi ni Rosaline sa akin. Hindi ko sya masisi dahil alam ko kung saan nang gagaling ang galit na meron sya.

"Yan ang mahirap sa iyo Allanna eh. Masyado kang mabait, sobra ka kung magmahal. Niloko ka na nga ganyan pa rin. Mahina ka!!! Hindi ka karapat dapat sa kapangyarihang meron ka. Kasi wala kang kwenta. Wala.!!!" Bawat salitang sinasabi nya tumatagos lahat ng yun sa akin. Masaydong masakit ang lahat ng ito.

"Sumusobra ka na!!" sigaw ni Rosaline sa kanya at tuluyan na syang sinugod nito. Nakita kong nakipaglaban na ang Elites kay Daisy. Samantalang ako tulala pa rin. Hindi ko magawang iproseso ang lahat ng nangyayari.

"Zaharra. Ikaw na ang bahala kay Allanna. Dahil mo na sya." Sigaw ni Daisy at nagulat na lang ako ng bigla akong hawakan ni Zaharra. Pati sya kalaban din?

"Nakikita mo ba ang nangyayari sa magkakaibigan na yan. Ikaw ang dahilan kung bakit humantong sa ganito ang Elites at ang sa Peravie." Sabi ni Zaharra. Wala kaong ginawa kundi ang umiyak lang sa mga sitwasyon na ito

"Wala kang kwentang kaibigan. Wala silang ginawa sayo kundi ang protektahan ka, ang iligtas ka pero ikaw anong ginagawa mo para sa kanila? Wala diba? Wala!" sabi nya.

Tama sya. Wala akong ginawa sa kanila. Naging pabigat ako sa kanilang lahat. Pagod na akong protektahan ng iba. Pagod na akong iligtas lagi nila.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!" sa pagsigaw kong iyon lumabas na ang totoo kong kapangyarihan. Nag-evolve na ako pero sa pagkakatong ito ako ang may control ng katawan ko.

Kasabay ng pagsigaw ko at paglabas ng kapangyarihan ko ang pagtalsik sa iba't ibang parte ng Elites kasama si Zaharra. Maysadong malakas ang kapangyarihan ko kaya sila nagkaganun. Hindi nila alam na kaya kong gawin ang lahat ng ito. Hindi pa fully unleash ang kapangyarihang meron ako dahil hindi pa kami tapos ni Ms. Atarah sa training pero Malaki na ang improvement ko.

Ako naman ang lalaban ngayon. Ako naman ang tutulong sa kanilang lahat.
Gamit ang kapangyarihan ko naglabas ako ng mga veins sa lupa at ipinulupot iyon kay Zaharra at itinali sa isang puno ng sa gayon hindi sya makagalaw. Hindi din sya makaka-alis kahit gumamit pa sa ng kapangyarihan. Unti-unti akong lumapit kay Daisy at gamit din ang mga veins ipinulupot ko din ito sa kanya at itinaas siya sa ere.

"You're wrong Daisy. I'm not weak. I deserve this power. You mess with a wrong girl Daisy. As what I say I am Allanna Rose. I was born to be a Queen. No one can beat me." Galit na sabi ko sa kanya.

"Let me go. Nasasaktan ako." Sabi nya sa akin pero hindi ko sya pinakinggan. Pagod na akong maging mabait sa kanilang lahat. This time I need to be strong for myself.

Nakarecover na din ang Elites sa nangyaring pagkakatumba nila dahil sa kapangyarihan ko.

"Gusto kitang intindihin. Gusto kong intindihin ang lahat ng rason mo kung bakit mo nagawa ang lahat ng ito. Bakit? Bakit Daisy?" sabi ko sa kanya

"Daisy, hindi ka naman ganito ah. We know you. Bakit mo kailangang gawin ito? Anong problema? You can tell us." Sabi sa kanya ni Tulip. Alam kong masakit din para sa Elites ang nangyari kay Daisy.

"Daisy. Wag kang makinig sa kanila. Wala silang pake-alam sa inyo." Sabi sa kanya ni Zaharra.

"Shut up!!!" sigaw ni Daisy sa kanya. Bigla na lang syang umiyak. Niluwagan ko ng konti ang pagkakagapos niya para hindi ko sya masaktan ng sobra. Gusto ko pa rin syang intindihin sa kabila ng lahat ng ito.

"Pagod na akong maging sunudsunuran sa inyo. Ayaw ko na. Gusto ko lang ng maayos na buhay. Gusto kong makasama ang mga magulang ko. Yun lang." lumuluhang sabi ni Daisy.

"Anong ibig mong sabihin? Lagi mo naman kasama ang magulang mo diba?" sabi sa kanya ni Rosaline.

"You fool. Mahina ka! Hindi ka talaga dapat pinagkatiwalaan ng Hari." Sabi sa kanya ni Zaharra

"Tumahimik ka." Sigaw ko sa kanya at pinatamaan sya ng ice balls ko na naging rason ng pagkakawala ng malay nya. Masyado syang maingay.

"Tell us Daisy. Bakit mo ginawa lahat ng ito." Tanong sa kanya ni Dionne.

"Wala kong choice. Kailangan kong gawin to kapalit ng Kalayaan ng magulang ko. Hawak ni Am ani Diezekiel ang mga magulang ko." Sabi ni Daisy sa amin

"Paano mangyayari yun? Diba kasama mo sila araw araw. Nagpunta pa nga sila nung Peravians Ball ah." Naguguluhang saad ni Xandrixx sa kanya. Lahat kami naguguluhan sa kaganapang ito.

"No. Fake lang sila. Clone lang yung nakikita nyo. Ginawa nila yun para hindi maghinala ang kahit na sino. Kaya ko nagawa ang lahat ng yun sayo Allanna kasi gusto kong makuha ang mga magulang ko. Gusto ko silang makalaya. Hindi ko pwedeng sabihin sa inyo noon kasi sasaktan nila ang magulang ko. I want to protect them by my own. Kailangan kong dalhin si Allanna kay King Lawrence kapalit nun ang kaligtasan ng magulang ko. Alam kong selfish act yun ginawa ko pero hindi nyo ako masisisi magulang ko yun and bilang anak nila wala akong inisip kundi ang iligtas sila." Paliwanag nya. Unti unti ko syang ibinaba at kinalas ang pagkakatali sa kanya.

Tama ako. May malaking rason kung bakit nya ginawa ang bagay na ito. I know she's nice. she just love her parents that much kaya nya nagawa ang lahat ng ito. And I understand her and her reasons.

"Naiintindihan kita. don't worry I wont hurt you. Tutulungan ka naming maibalik sayo ang magulang mo and I promise that to you. I'm here to help you. We're here to join you in this fight. Babawiin natin ang magulang mo." Sabi ko sa kanya.

"Thank you. Sorry sa nagawa ko sayo Allanna." Paghingi ng paumanhin nya.

"It's okay. I understand." Sabi ko sa kanya at niyakap sya.

"So paano? Tara na? Kailangan ng buong Peravie ang lakas ng Elites." Sabi ni Xandrixx. Tumango naman kaming lahat.

"Wait? Paano si Zaharra?" tanong ni Rosaline.

"Madali lang yan. Haha" sabi ko sa kanila. Ginamit ko ang kapangyarihan ko upang kaladkadin si Zaharra.
Nagsimula na kaming maglakad tungo sa lugar kung saan makikipaglaban ang buong Peravie.

Sisiguraduhin naming mananalo kami at gagawin naming lahat ng paraan para mailigtas ang buong Peravie

That Girl Is A QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon