Chapter 52: Kilig Moments

2.6K 48 4
                                    

Chapter 52

Zaharra POV
Sinusundan ko siya ng palihim ngayon. Mag isa lang syang naglalakad patungo kung saan.

Humahanap ako ng tyempo para maka usap sya.

Hala! Asan na sya? Bakit biglang nawala ang isang yun? San nagpunta ang isang yun.

Tsk! Yan kasi daldal ng daldal. Hindi mo na tuloy nasundan. Hanep nakan oh.

Nagulat na lang ako ng biglang may sumakal sa akin sa likod at hinila patalikod ang braso ko.

The hell?

"Bakit mo ako sinusundan?" Galit na tanong niya

Tsk. Nasasaktan ako sa ginagawa nya

"Bitawan mo ako" utos ko

"Sagutin mo muna ako. Bakit mo ako sinusundan!" Galit na galit na sya.

Tsk. Napaka mainitin ang ulo.

"Bitawan mo ako" pumipiglas na ako sa pagkakahawak nya. Pero mas lalong himihigpit ang kapit nya.

"Ano ba! Baka nakakalimutan mong mas mataas ako sayo. Kaya bitawan mo ako!" Iyamot kong sigaw sa kanya. Hindi sya marunong gumalang sa mas nakakataas sa kanya

Binitawan naman nya ako kaya nagawa ko namang humarap sa kanya.

Walang estudyante sa kinalalagayan namin dahil lahat sila ay nasa canteen at nasa field.

"Now, tell me.! Bakit mo ako sinusundan?" Inis na inis na sya.

"Why do you care?" pang iinis ko pa.

"Just tell me kung anong kailanvan mo sa akin para sundan mo pa ako." Sabi nya

"Baka nakakalimutan mong pinababantayan ka sa akin." Saad ko

"Alam kong hindi yan ang dahilan mo para sundan ako" sabi nya. Infairness matalino sya ah. Bwisit.

"Ipinapaalala ko lang sayo. Isang linggo na ang nakakalipas. Naiinip na ang kamahalan sayo. Hindi mo naman siguro nakakalimutan ang kasunduan nyong dalawa" sabi ko at pinagkatitigan sya ng maigi

"Hindi ko nakakalimutan. Humahanap lang ako ng magandang tyempo para maisagawa ang plano ko" sabi nya

"Bilis bilisan mo lang. Dahil kung hindu alam mo na naman siguro ang mangyayare diba?" Banta ko sa kanya

"Oo. Susunod ako sa kasunduan kaya sumunod din kayo. Mag hintay ko. Konting panahon na lang" sabi nya.

"Mabuti naman kung ganun. Pero dali dalian mo lang. At kapag mas nainip pa sayo si kamahalan lagot ka!" Banta ko pa at nagsimula nang umalis sa kinaroroonan naming dalawa.

Siguraduhin nya lang na magagawa nya ng maayos ang plano dahil hindi lang isa ang kapalit. Dalawang buhay ang mawawala sa kanya.

Makagala na nga lang muna. I need to relax myself. Masyado na akong nastress. Bwisit!!!!

Allanna POV
Nandito kami ngayon sa canteen. Kakatapos lang naming kumain.

"So? Anong plano natin ngayon. Wala pa naman tayong klase at training" sabi ni Xandrixx

"Tara muna maglakad lakad." Sabi ni Dionne

"Oo nga. Matunawan naman tayo" sang ayon ni Tulip sa kanya.

Sumanga ayon naman kaming lahat sa kanila

"Wait lang. Intayin muna natin si Rosaline. Nasa Cr pa sya eh" sabi ko.

Maya maya lang dumating na sya

"Tara? Gala daw muna tayo" yakag ko sa kanya. Tumango naman sya.

Nagsimula na kaming maglakad lakad ng biglang may humigit sa kamay ko.

That Girl Is A QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon