Chapter 75 : The End

2.3K 41 9
                                    

Chapter 75

Daisy POV

*After one year*

“Anong ginagawa mo dyan sa bintana at nakatulala ka na naman?” hindi ko man sya lingunin alam kong si Dionne ang nagsalita.

“Wala lang!” naramdaman kong lumapit siya at niyakap ako. Ipinatong naman niya ang baba niya sa balikat ko.

“Anong iniisip mo?” tanong pa niya

“Wala naman. Hindi ko lang kasi ma-imgine na isang taon na ang lumipas matapos ang digmaan. Para kasing kahapon lang nangyari ang lahat. Andaming nagbuwis ng buhay para sa labanang iyon.” Sabi ko sa kanya

“Wag mo nang pagka-isipin ang mga bagay na iyan. Ang mahalaga hindi nasayang yung hirap at yung sakripisyong ginawa nila. Tsaka tapos na iyon. Nakaraan na, andito na tayo.”

“Pero kasi ang hirap pa ding tanggapin ng lalo na ngayon. Ito mismong araw na ito nangyari ang digmaan. Bumabalik sa akin lahat ng alaala. Ang hirap.” Saad ko

“Lahat naman tayo nahihirapan pero mas may nasasaktan at naghihirap kaysa sa atin, alam kong mahirap pero kailangan nating gawin. We need to move forward.” Sabi nya sa akin. Humarap ako sa kanya at niyakap sya pabalik.

“Dahil sa kanya at para sa kanya ang lahat ng ito.”

“Tara na. kailangan na nating pumunta sa Event Hall.” Sabi nya at hinawakan ang kamay ko at naglakad papunta sa event hall.

This kind of celebration is one of the occasion that I hate to celebrate but we have too.

Xandrixx POV

Hinahanap ko kung nasaan siya. Kanina pa akong umuuli dito sa Olean Kingdom. Wala siya sa kwarto nya eh. Sinubukan ko siyang puntahan sa garden nila sa likod at hindi naman ako nabigo dahil nakita ko siyang nakahiga sa damuhan. Lumapit ako sa kanya

“You’re crying again!” sabi ko sa kanya ng makita ko sya

Umupo siya at niyakap ako. Tinapik tapik ko naman ang likod niya para gumaan ang pakiramdam niya.

“Napanaginapan mo na naman ba?” tanong ko. Pag ganitong umiiyak siya yun lang ang malimit na rason at dahilan nya. Napanaginipan na naman nya ang nangyari one year ago. Hindi man siya sumagot pero ramdam ko naman ang pagtango niya.

“Ssssh! It’s okay! I’m here for you. Iiyak mo lang yan.” Sabi ko.

Hinayaan ko siyang umiyak. Limang minute ang lumipas bago sya kumalma. Humiwalay siya sa yakap namin

“Are you okay now?” tanong ko sa kanya. Tumango naman siya.

“Yup. I feel better na. thank you.” Sabi nya

“Your welcome. I’m just here for you.” Saad ko

“Ang hirap pa din pala ano? Ang hirap pa ding tanggapin eh. Parang fresh na fresh pa ang lahat. And I know naman that I need to move forward kaso ang hirap eh.” Sabi nya.

“Don’t worry. It takes time to heal all the wound. Don’t force yourself.” Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman sya sa akin.

“Ano tara na? kailangan na nating pumunta dun.” Sabi ko. Tumayo ako at inaro ang kamay ko para makatayo sya. Tinanggap naman niya.

Nagsimula na kaming maglakad.

“Rosaline, sa tingin mo kamusta na kaya sya?” tanong ko sa kanya.

“Hindi ko din alam eh. Mahirap na nga sa atin. Alam kong mas nahihirapan siya.” Sabi nya.

Haaayst. Sana malampasan naming lahat ito

Tulip POV

“Nakita nyo na po sya?” tanong ko kay Tita Paulein. Kanina pa kasi namin hinahanap si Zillian dito sa palasyo pero hindi namin sya makita.

That Girl Is A QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon