Chapter 54: Parents

2.4K 37 1
                                    

Chapter 54

Unknown 2 POV
Andito ako ngayon sa kuta namin. Naghahanda sa planong gagawin ko. Inihahanda ko na din ang mga tauhan ko para maisagawa ang lahat ng plano ko.

Ngayon kailangan kong manalo sa labanang ito. Sa akin ang huling halakhak. Sisiguraduhin kong ako ang mananalo sa pagitan naming dalawa. Hindi ko na hahayaang makalaban at manalo pa sya.

Kung dati nanalo sya sa akin ngayon hindi ko na hahayaan pa. Magdudusa sya.

"Mahal ko" lumingon ako sa babaeng tumawag sa akin.

"Anong kailangan mo?" Malamig kong tanong sa kanya

"Ano na naman ang pinagkakaabalahan mo?" Tanong niya sa akin

"Naghahanda ako para sa magaganap na labanan" sagot ko sa kanya at pinagpatuloy na ang ginagawa ko.

"Maari ba akong humingi ng pabor sa iyo, Mahal ko?" Paki usap niya sa akin

"Ano na naman ang nais mo?" Tanong ko sa kanya ng hindi sya nililingon

"Gusto kong makita ang anak natin" sabi nya. Napalingon naman ako sa sinabi nya

"Sinong anak natin ang tinutukoy mo?" Tanong ko sa kanya

"Si Diezekiel. Siya lang naman ang anak ko" sagot niya. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nya.

"Nakiki usap ako. Gusto ko syang makita kahit saglit lang" paki usap nya pa

"Tumigil ka!! Walang akong anak na katulad nya" iyamot kong sabi. Hinding hindi ko sya ituturing na anak.

"Mahal naman. Itigil mo na ang lahat ng ito. Tama na ang paghihiganti mo sa kanila. Hindi na ito tama. Itigil mo na kahit para sa amin ng anak mo." Umiiyak na paki usap na nya.

Mas nagalit naman ko sa sinabi nya

"Tumigil ka!" Sigaw ko at hinawakan siya sa kamay at pisngi nya

"Ikaw ang tumigil sa mga kalokohan mo. Hinding hindi ako titigil sa gusto ko. At huwag na huwag mong babanggitin sa akin ang pangalan iyan. Hindi ko siya anak. Simula ng kumampi siya sa kalaban ko hindi ko na siya itinuring na anak ko." Galit na sigaw ko sa harap niya

"Mahal, nasasaktan ako" sabi nya. Pabalibag ko syang binitawan

"Kung gusto mong makita ang anak mo. Umalis ka na dito. Hindi ko kailangan ng isang katulad mo. Iwan mo na lang din ako" sigaw ko sa kanya. Bumalik na ako sa ginagawa ko

"Alam mong hindi ko gagawin sa iyo yun. Mahal kita" sabi nya habang patuloy pa din siyang umiiyak

"Lumayas ka sa harap ko. Ayokong makita ka" sabi ko sa kanya

Patakbo siyang umalis sa harap ko.

Hindi ko sya kailangan. Ang kailangan ko ay si Allanna. Ang kailangan ko ay manalo.

Maghanda kayong lahat sa pagbabalik ko. Sisiguraduhin kong walang matitira ni isa sa inyo.

Allanna POV
Andito kami ngayon ni Diezekiel sa may garden uli. Trip nya daw tumambay ngayon dito. Wala naman kasing training kaya sumama na lang ako sa kanya tutal niyakag nya ako tas wala naman din akong gagawin.

"Oh. Para sayo" sabi niya at biglang bigay sa akin ng isang bulaklak. Ngumiti ako sa kanya at tinanggap ang bigay niya

"Salamat" saad ko. Sa nakalipas na araw lagi siyang ganyan. May kung ano anong binibigay sa akih. May pagkain, may bulaklak, minsan pinapasyal nya ako kung saan.

May mga gusto akong itanong sa kanya.

"Curious pala ako. May mga tanong ako" sabi ko sa kanya. Binigay naman nya ang buong atensyon nya sa akin.

Ganito ang isang nagustuhan ko sa mga ginagawa nya. Kapag magka usap kami naka focus sya sa akin at sa mga sinasabi ko. Attentive siya pakikinig. Bihira lang kaya sa isang lalaki ang ganun sa mundo ng mga tao. Hehe

"Ano iyon?" Tanong niya

"Hindi mo ba namimiss ang parents mo?" Tanong ko. Hindi ko pa kasi nakikita ang magulang niya

Bigla namang lumungkot ang mukha niya. Eto ang isang nag improve sa kanya expressive na sya. May emosyon na ang mukha nya

"Anong meron?" Tanong ko uli ng makitang ganun ang reaksyon nya. Umiling naman siya

"Wala. Syempre namimiss ko sila lalo na si Ina. Simula kasi ng maging pitong taon ako hindi ko na sila nakita. Noon sobrang close ko sa kanilang dalawa lalo na kay Ina. Lagi syang nandyan sa akin. Pumapasok nga minsan sa isip ko kung kamusta na silang dalawa" sabi nya naman

"Ano palang pangalan nila?" Tanong ko

"Queen Jashmine and King Lawrence" sagot nya

"Diba sila ang namumuno sa Dieceta?" Tanong ko uli. Tumango naman sya

"Pero mabait naman si Ina. Si Ama lang naman yung gustong maghiganti sa lahat. Pinadala ako dito or pwede na ding sabihin na kinuha nila ako para mailayo sa kasamaan ng Ama ko. Sinasama ko noon si Ina pero ayaw nyang iwan si Ama dahil mahal nya ito" paliwanag nya

"Hayy. Nakakalungkot naman. Ngayon nagegets ko na kung bakit ganun ang aura mo, ang mukha mo dati. Ganyan pala ang pinagdaan mo. Pero hindi ka ba nila pinapayagan na makita man lang sila?" Tanong ko. Tutal parents naman nya yun. May karapatan naman siyang makita sila kahit papaano

"Hindi. Kasi alam nilang pwede akong gamitin ng Ama ko laban sa kanila" sagot nya

"Ay. Ang sad naman" nalungkot din ako dahil sa mga sinasabi nya. Bigla nyang ginulo ang buhok ko.

"Baliw ka talaga. Naiintindihan ko naman kung bakit nila ginawa yun" sabi nya

"Sabagay para naman sa ikabubuti mo ang ginagawa nila"

"Eh ikaw? Nakilala mo ba ang Ama mo?" Sya naman ng nagtanong

"Hindi. Lumaki ako ng hindi ko siya nakikita. Sabi ni Mama namatay siya noong may nangyaring war sa Phenylane." Sagot ko.

"Mas okay pa pala ako kasi kahit papaano nakasama ko ang Ama ko ikaw hindi" sabi nya pa

"Ang drama naman nating dalawa. Itigil na nga natin ito" sabi ko sa kanya

Tumawa naman sya kaya nahawa na din ako sa kanya

Para sa akin ang tatag ni Diezekiel. Nagawa nyang mabuhay ng hindi kasama ang mga magulang nya. Ang astig nya lang. Haays

That Girl Is A QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon