Chapter 50: Questions

2.4K 64 4
                                    

Chapter 50

Allanna POV
Kakatapos lang ng paghuling klase namin. Magkakasama kami ng Elites plus Zaharra na palabas.

"Uuwe ka?" tanong sa akin ni Dionne

"Yup. Sabay ka?" sabi ko sa kanya

"Hindi. Maggagala muna ako." sagot nya sa akin

Makakauwe na din ako sa wakas. Yieeee. Excited na ako. Makikita ko na ulit si Mama. After 2 weeks magkikita kami. Miss na miss ko na sya.

Maya maya lang nakarating na ako sa palasyo. Tinanong ko kaagad sa kawal kung nasaan si Mama.

"Asan si Mama?"

"Nasa kwarto nya po. Mahal na prinsesa" sagot nya sa akin.

"Salamat" nagderesto naman ako sa kwarto ni Mama. Excited meee. Woaaah

Kumatok naman ako sa pinto ng kwarto nya.

"Pasok" rinig kong sambit ni Mama sa loob.

Dahan dahan ko namang binuksan ang pinto. Nakatalikod siya sa akin.

"Mamaaaaa" sigaw ko. Nagulat pa sya ng makita ako

"Allanna" bangit nya sa pangalan ko. Lumapit ako sa kanya at yumakap.

"Namiss po kita" sabi ko sa kanya

"Namiss din kita. Tagal nating hindi nagkita ah. Wala ka bang training nagayon?" pagtatanong nya matapos ng yakap eh umupo muna kami sa kama

"Wala po. Pahinga daw muna kami sa linggong ito." sabi ko

"Kamusta naman ang training mo"

"Nakakapagod po pero madami naman akong natutunan kay Ms. Atarah. Andami nyang mga sinasabi sa akin. Gamay na gamay nya nga po ang kapangyarihang meron ako pati na din ang weapon ko" sagot ko sa kanya

"Mabuti naman kung ganun."

"Ay. Kaya din po pala ko umuwe kasi may mga itatanong po ako" sabi ko sa kanya. Madami kasing gumugulo sa isip ko. Lalo na tungkol sa kapangyarihang meron ako

"Ano yun?"

"Kilala nyo naman po si Queen Allianne diba? Ano pa po ang alam nyo tungkol sa kanya?" tanong ko. Nakita ko naman na parang hindi mapalagay si Mama. Anyare?

"Bakit mo natanong?" may halong alinlangan sa pagtatanong ni Mama

"Wala lang po. Curious lang ako tungkol sa kanya" sabi ko. Tumango naman sya. Huminga sya ng malalim bago nagsalita

"Si Queen Allianne ay best friend ko. Actually apat kami. Ako, si Allianne, si Atarah at si Jashmine. Since bata pa kami magkakasama na kami. Walang makapagpahiwalay sa amin noon. Kaso nga lang may nagyare between sa aming magbabarkada. Si Allianne, sobrang bait nyan at mapagbigay. Okay lang syang mawalan basta masaya ang nakapaligid sa kanya. Nakakalungkot nga lang kasi namatay sya sa digmaan noon." pagkukwento ni Mama. Pero hindi pa talaga yun ang gusto kong malaman

"May anak po sya?" pagtatanong ko ulit. Naging balisa naman ang itsura ni Mama

"O-oo. Patay na siya. Bakit mo naitanong?" kinakabahan ba si Mama? Anong meron?

"Kung ganon po bakit nasa akin ang kapangyarihan ni Queen Allianne. Sa pamilya lang po nila napapapunta ang kapangyarihang iyon. Dahil iyon ang nagsisilbing pamana nila. At impossible pong mapapunta sa akin iyon" tanong ko sa kanya. Simula ng mabasa ko yung libro tungkol sa History ng lugar na ito. Nalaman ko ang tungkol sa kapangyarihang meron ako. Dun nagsimula ang pagkalito ko sa lahat.

Kung bakit nasa akin ang kapangyarihang niya gayong hindi naman ako ang anak nya. At naguguluhan ako kung bakit ko sya kahawig. Hindi naman ako reincarnation nya dahil hindi totoo ang bagay na iyon.

That Girl Is A QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon