Chapter 51: Deal

2.4K 52 1
                                    

Chapter 51

Unknown POV 2

Hinihintay kong dumating ang bisita ko ngayong araw. Hindi naman ako nabigo dahil maya maya lang andito na siya

"May magandang balita ka ba sa akin?" agaran kong tanong sa kanya

"Wala pa namang pinagbago. Nagtetraining pa rin ang Elites ngayon. Naghahanda na sila sa maaaring paglusob niyo" sabi niya sa akin

"Mabilis silang mag isip ah." sabi ko sabay ngisi

"Anong gusto ninyong gawin ko sa ngayon" sabi nya. Nakita ko naman ang pagka iyamot sa itsura niya

"Isa lang naman ang gusto ko"

"At ano iyon?" pagtatanong niya

"Dalhin mo sa akin si Allanna" simpleng sambit ko

"Huh?" tila gulat pa niyang sambit

"Kailangan ko si Allanna. Dalhin mo siya sa akin. Kailangan kong palabasin ang nakatagong nilalang sa kanya. Gagawin ko syang kakampi para patayin ang lahat ng kalaban ko. Gusto kong magsagawa ka na ng plano. Andun naman si Zaharra para tulungan ka." sabi ko sa kanya.

"Naiintindihan ko. Pero bakit kailangan mo pang ipadala dun si Zaharra?" iyamot na tanong niya

"Dahil kailangan ka nyang bantayan. Baka lumalambot na ang puso ko sa kanila. Baka traydorin mo pa ako." sabi ko sa kanya

"Hindi mangyayari yun kahit kailanx paningurado nya

"Siguraduhin mo lang dahil alam mo na naman ang kapalit kapag nanagyari yun. Buhay ng taong mahalaga sayo. Tandaan mo iyan." banta ko sa kanya

"Huwag nyo silang sasaktan. Gagawin ko ang gusto nyo." galit niyang sabi.

Masarap talagang paglaruan ang mga mahihina. Takot na takot sila.

"Madali naman akong kausap. Basta ang gusto ko tumutupad sa kasunduan" sabi ko sa kanya

"Oo"

"At siguruhin mong hindi ka nahahalata ng kahit na sino" dagdag ko pa sa kanya

"Hindi nila ako paghihinalaan. Malinis akong magtrabaho." paniniguro nya

"Mabuti naman kung ganun. Tandaan mo, si Allanna kapalit ng paglaya ng taong mahalaga sayo" huling paalala ko

"Alam ko iyon. Ibibigay ko sayo si Allanna. Maghintay ka lang".

"Madali ka naman palang kausap. Sige makaka alis ka na. Ipagpatuloy mo ang pagpapanggap at dahil sa akin ang misyon mo" sabi ko.

Umalis na naman siya pagkatapos.

Ganitong laro ang gusto ko. Maghintay lang kayo. Babalik muli ako. At sa pagbabalik ko sinisigurado kong ako na ang mamumuno sa buong Peravie.

Hahahahaha.

Paulein POV
Grabe ang takot ko ng magtanong si Allanna nung isang araw tungkol kay Allianne. Sa susunod hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Kung papaano ko lulusutan ang mga taong niya.

Alam kong nangangamba siya tungkol sa buong pagkatao nya. Hindi ko naman siya masisisi dahil madami na syang nakalap na impormasyon. Alam kong matalino si Allanna. Hindi sya basta basta. Ang kinakatakot ko lang ay pagdumating na ang panahon na kailangan nya ng malaman ang totoo. Baka magalit sa akin ang anak ko. Baka hindi nya ako maintindihan. Hindi ko na kakayanin kung may isa na namang mawala sa akin. Hindi ko na kaya

Ngayon nasa Academy ako, gusto kong kamustahin kay Atarah ang training ng anak ko.

Kumatok ako sa pinto ng office nya.

That Girl Is A QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon