Chapter 36: Special Chapter

3.2K 64 6
                                    

Chapter 36

Rion POV
Hayss. Ang boring ng buhay. Tsk! Andito kami ngayon sa garden ng school at nakatambay. Syempre kasama ko sina Drix, Nics at Brix.

"Dude! Mag-enjoy ka naman." Sabi ni Nics sa akin
"Huwag kanglaging emo dyan." Segunda naman ni Brix
"kamusta na nga pala kayo ni Rose? Nakapag-usap na ba kayo?" pagtatanong ni Drix
Napabuntong hininga na lang ako dahil dun sa tanong niya. Hndi ko alam kung kamusta na ba sya. Kung anong ginagawa nya. Kung anong nangyayare na sa kainya. Kung okay ba sya. Kung nag-eenjoy ba sya dun. Kung may nang-aapi ba sa kanya o kung may bago na syang tagapagtanggol. O kung mahal pa kaya nya ako. Kung namimiss nya pa ako. Kung naiisip ba din nya ako. Hindi ko na alam.
Miss na miss ko na sya. Gusting gusto ko na syang Makita at mayakap kaso hindi ga pwede eh. Hindi ako katulad niya. Wala akong powers kagaya niya.
Sa kaka-isip ko hindi ko namalayan ang pagdating ng grupo nila Kate.
"Hello Guys!" bati ni Jesh sa amin. At syempre binati din sila nina Drix
Nga pala nakalimutan kong sabihin na nagliligawan na nag mga ito. Si Brix kay Liz, Si Nics kay Lisa at si Drix kay Jesh. Andami na kasing nangyare simula ng umalis siya.
"Hey Rion! Emo ka pa rin hanggang ngayon. It's almost 2 months na simula ng mawala si Rose. Huwag mo a kasing isipin pa si Rose. Andito naman ako. I can give you all my love." Sabi ni Kate. Hindi ko na lang siya pinansin
"Rion! Walng kwenta naman yang si Rose eh. Look, iniwan ka niya diba? So ibig sabihin nun hindi ka na niya mahal. So stop loving the person who doesn't care for you and for your love.Rion. you deserve better. Ako na lang kasi ang mahalin mo eh. Huwag na lang siya." Sa sinabi na yun ni Kate nainis na ako.
"You know nothing Kate so please shut up." Inis na sabi ko
Iniwan ko na lang sila dun at nagpunta sa favorite place naming dalawa dito sa school. Umupo ako sa may ilalaim ng puno. Madami kaming memories sa lugar na ito. Kung paano kami magkulitan, mag-asaran, maging masaya. This placewas filled with joy and laughter.
"Rion!" hindi ko man sya lingunin alam kong si Kate lang yung tumawag sa akin. Umupo siya sa tabi ko
"Sorry sa sinabi ko." Sabi nito
"Okay lang."
"Ganun mo ba talaga kamahal si Rose? Na kahit iniwan ka na niya. Hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal mo sa kanya?" tanong nito.
"Oo. Sobrang mahal ko si Rose. Actually hindi naman niya ginustong iwan ako eh."
"Pero ginawa nya pa rin"
"Dahil kailangan nya. Kailangan niyang gawin yun para sa pamilya niya. Ganun nya kamahal ang pamilya niya. Handa niyang iwan ang iba para sa pamilya niya."
"Pero hindi ka ba niya pinaglaban man lang?"
"Pinaglaban, kaso kusa ko na siyang hinayaan. Ayokong iwan niya ang pamilya niya, ang responsibilidad nya para lang sa akin. Hinayaan ko na lang siya. Kung baga pinakalawan ko but in a good way"
"You really love her. I really envy that girl. She's so lucky to have you in her life." Sabi ni Kate
"I'm sorry Kate."
"Sorry for what?"
"Sorry kung hindi ko kayang mahalin ka.sorry kung hindi ko magawang suklian ang pagmamahal na ibinibigay mo sa akin. Kung natuturuan nga lang siguro ang puso ko baka nagawa ko ng mahalin ka kaso kahit anong gawin ko, kahit ilang babae ang lumapit sa akin kay Rose at kay Rose pa rin talaga tumitibok ang puso ko. Sya at sya lang ang mamahalin ko. Kahit sinabi niyang maaari akong magmahal ng iba, wala eh sya pa rin talaga. Nakatali at nakatatak na siya dito sa puso ko." Sabi ko sa kanya
"Okay lang sa akin yun. Mas masasaktan ako kung ipipilit mo lang yung sarili mo sa akin. I understand Rion."
"Thank you." Sabi ko
"Eh paano kung malaman mongmay mahal na syang iba? Paano ka na?"
"Siguro masasaktan ako. Kaso hindi ko naman pwedeng ipilit ang gusto ko eh. Hindi ko pwedeng ipilit ang pagmamahal ko sa kanya. Hahayaan ko sya sa kung saan siya masaya." Sabi ko
"Kung babalik ba sya tatanggapin mo pa ba?"
"Oo naman. Buong puso ko siyang tatanggapin. Ganun ko sya kamahal eh kaso impossibleng mangyari yun eh." Sabi ko
"Paano mo naman nasabi na imposibleng mangyari." Tanong niya
"Basta! Mahirap iexplain eh."
"Ang swerte nya talaga sayo. Kaya mo siyang mahalin ng ganyan. That one is true love."
"Maswerte din naman ako sa kanya eh. Same lang/"
"Hayys. Bakit hindi na lang kasi ako eh." Sabi niya. Naptingin naman ako sa kanya
"Kate..."
"It's okay nga lang diba? Naiintindihan ko naman eh. Naiintindihan kong mahal na mahal mo siya. Tanggap ko na naman na siya na talaga ang mahal mo. Wala naman akong magagawa eh. I wont force you to love me back the way I love you. Hindi ako sardinas para ipagsiksikan ang sarili ko sayo sa taong hindi ako gusto. Tanggap ko na. okay na sa akin yung magkaibigan tayo"
"Thank you so much Kate. Salamat sa pag intindi."
Sobrang nagpapasalamat talaga akong naiintindihan nya ako at tanggap na niya.
"Pero kapag bumaliksi Rose. Naku lagot sya sakin. Sasabunutanko sya for leaving you and for hurting you. I sware." Sabi ni Kate.
Natawa na lang ako sa sinabi niya
"Hayy. Ang drama naman. Tara na nga! May klase pa tayo eh." Sabi nito. Tumayo na kaming dalawa
Bago kami umalis sa lugar na iyon. Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid.
Hay. Sana parehas na lang tayong dalawa Rose para magkasama na lang tayo. Sana katulad mo na lang ako.

That Girl Is A QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon