Chapter 72: His Queen

3.2K 59 15
                                    

Chapter 72

Xandrixx POV

Busy ako sa pag-aasikaso at pagbabantay sa mga kawal ng iba't ibang kingdom. As a fighter of this world tungkulin kong gawin ito. At bilang prinsepe ng Tetra Kingdom its also my duty to protect the Peravie together with the Royalties. Hindi lang kaya si Allanna ang kayang protektahan ang mundo naming. Kaya din naming Elites yun. Wag kayong ano dyan. Mas Malaki lang talaga yung ginagampanan ni Allanna sa Peravie kaysa sa amin. Hehehe

Naghihintay lang kami ng signal ni Allanna kung kailangan na ba kaming sumugod at sana ito na ang huling labanan at sana kami ang Manalo. Magawa sana naming lahat ang kailangan namin. Hindi naman kami papayag na mawala sa amin ang mundong kinalakhan namin. Ayaw naming itong mabahiran ng kasamaan.

"Prince Xandrixx, ayos na po ang lahat. Nag-iintay na lang po sila ng hudyat ninyo." Sabi ng isang kawal sa akin

"Salamat. Bumalik ka na sa pwesto mo." Sabi ko ditto. Agad naman siyang umalis

Inihanda ko na ang sarili ko para sa labanan ng

"Waaaaaaaaah!!!!!" biglang sumulpot si Allanna sa harap ko. Tsk. Ito ang napapala nya sa training eh. Andami nya ng nadiscover sa kakayahan nya. Hindi mo kasi nararamdaman ang presensya nya. Hindi ko nga alam kung saan nya natutunan ang Teknik na iyon. Tsss.

Tinawanan nya lang ako. Hayst. Kung hindi lang sya Prinsesa. Nakuuuu!

"Grabe, huwag ka naming manggulat."

"Sorry! Pero nakakatawa ka talaga. Ang priceless ng mukha mo. Hahaha." Sabi nya. Tamo nagsorry na nga tinawanan pa ako. Grabeeee.

"Anyway, kamusta ang ipinagagawa ko sayo?" tanong nya

"Okay na naman. Nakahanda na ang lahat. Waiting na lang ng signal mo." Sagot ko sa kanya. Sya kasi ang head ng labanang ito. Sya ang aming pinuno. Total she's our princess din naman at tungkulin nya ito

"Mabuti kung ganon. Nararamdaman kong anytime susugod na sila." Sabi nya. Isa din yan sa naging abilities nya. Malakas ang pakiramdam nya. At kapag sinabi kong malakas, lahat ng pakiramdam nya tumatama. Wala pa syang sinabi na hindi nangyari. Hindi ko nga alam kung ano-ano pa ang nadiscover nya sa power nya eh.

Ngayon lang din mas naging malinaw sa amin ang kapangyarihan ni Allanna. Hindi pala talaga sya kagaya ng kay Queen Allianne. Parehas sila ng kapangyarihan pero magkaiba sila ng skills and abilities. Akala kasi namin noon kung ano ang kapangyarihan at abilities ni Queen Allianne mamamana ni Allanna. Hindi pala. At ngayon lang din naming nalaman na madami pa palang abilities si Allanna. Sa sobrang dami na-inggit na lang kaming lahat. Grabe! Pero alam namin na sa kabila ng kapangyarihang meron sya mabigat na responsibilidad ang naka-akibat sa kanya.

Actually, madami naman din kaming natutunan sa training na ginawa naming. Lahat na kasi ng Kings and Queen tinulungan kaming magtraining. Ewan ko na lang kung hindi pa dumami ang kaalaman naming. Ang cool nga eh. Nagagawa na nilang lumipad gamit ang kapangyarihan nya at sa akin naman mas nag-enhance ang fighting skills ko as a fighter. Hahaha.

"Asan pala ang ibang Elites?" tanong ko kay Allanna

"Busy doing their own mission. Pero tapos na naman sila. Napuntahan ko na. everyting is set na nga eh." Sabi nya. Binigyan nya kasi kami ng iba't ibang gagawin para sa labanang ito. Kaya magkakahiwalay kami ng Elites na gumagawa.

Nag-uusap lang kami ni Allanna ng biglang magulantang ang lahat ng dahil sa pagsabog.

"Its time" sabi ni Allanna habang naka-smirk. Geeezz. Kakaiba na naman ang mukha niya. Nakakatakot na naman.

"Ihanda mo na ang lahat. Dalhin mo sila sa labas ng palasyo." Sabi nya at mabilis nagteleport. Isa yan sa abilities nya. Nakaka-inggit kaya ang powers nya andaming abilities.

That Girl Is A QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon