"Feeling mo ba pasado ka?"
"Ewan! Hindi ko nasagot yung iba! Nakakalokaaaa"
"Ayoko na! Magshi-shift na ko!"
"Ano pa ba magandang course!? Shift na tayo guysssss"
Napailing na lang ako. Umagang umaga stress agad ang bumubungad. Juice colored.
"Oy kaibigang Noreen!"
Nilingon ko si Eleana at nginitian.
"Okay ka na?" dagdag na tanong naman ni Annie - isa din sa mga kasama sa circle of college friends ko.
"Oo naman. Cute ko eh"
Eto na naman ako. Panibagong araw na naman to kaya kailangan ko na ulit mabuhay ng masaya. Isantabi ang mga problema. At magpanggap na parang wala lang ang lahat.
"Uy, gusto mo ibili kita ng konting hiya?" seryosong komento sa akin ni Ely. Walanghiyang to, hindi supportive. =________=
Nagtawanan naman ang iba na syang nagpa-iling sakin.
At tulad nga ng inaasahan, nagugutom na naman si Eleana. Dapat talaga dito may katabing canteen eh. Hahaha
Naglalakad lakad lang kami nang bigla na naman syang pumasok sa isip ko. Hindi ko tuloy maiwasan ang magpalinga-linga. Alam kong mamaya pa ang pasok nya pero umaasa pa din akong makikita ko sya. Ang tanga lang, diba?
Namimili na ko ng kakainin nang bigla ko namang makasalubong ang isa pa sa mga kaklase ko. Si Earl.
Nginitian nya lang ako ng napakalawak at saka tinanong ng kung ano ang gusto kong bilhin. Tinapik tapik ko ang labi ko gamit ang hintuturo ko at saka nag-isip. Hanap lang ako ng hanap ng makakain nang bigla akong makakita ng mais con yelo. Kyaaa. Ayun ang gusto ko!
Nakatitig lang ako doon nang bigla nya na naman akong tanungin.
"Ano na? Tutunganga ka na lang ba dyan? O bibili? Ano bang tinitingnan mo?"
"Mais con yelo"
"Oh ede bilin mo na"
Tiningnan ko lang sya at hindi nagpatinag. Nakakita din kasi ko ng avocado shake sa kabilang side kaya hindi ko pa alam kung ano bang dapat kong bilhin.
"Tingnan mo oh. Dalawa na lang ang natira. Tingin mo ba mahihintay ka nyan?"
Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Parang iba na ang patutunguhan ng usapang to ah.
"Eh hindi pa kase ko makapagdecide. Gusto ko nung mais con yelo pero gusto ko din nung avocado shake. Mag-iisip lang ako teka"
BINABASA MO ANG
BREAK NA KAMI.
Teen FictionPara sa mga brokenhearted. Mga taong kagagaling lang sa break-up. Mga taong nagkamali ng desisyon. Mga taong nagpapanggap maging masaya. Mga taong may pinagdadaanan. Mga taong umaasa. Mga taong hindi magkaintindihan. Mga taong nagpe-pretend. Mga tao...