As expected, awkward na naman sa pagitan namin ni Israel. Hindi ko alam kung ako lang pero shet. Parang mas masakit naman yata kung ako nga lang talaga ang naaapektuhan sa aming dalawa.
Pinipilit ko na lang syang alisin sa isip ko at hanggang maaari ay magpaka-normal.
Kung minsan ay matitingin ako sa kanya para lang madisappoint na hindi sya nakatingin sa akin.
Gustong gusto ko syang tabihan. Gustong gusto ko syang kausapin. Pero lahat ng gusto ko, kasalungat ang nagagawa ko. Ang alam ko lang kasi, ayokong maging pathetic. Gusto ko magtira sa sarili ko kahit katiting man lang. Hindi pride ang tawag dito kundi pagmamahal sa sarili. Kahit konting lang. Kahit konting konti lang.
"Guys. Gabi na"
Nagkatinginan kaming lahat at narealize na pa-gabi na nga.
Nag-groupie pa kami at konting pahabol na mga kwentuhan bago tuluyang magpaalam sa isa't isa.
At dahil ako lang naman ang mahihiwalay ng daan sa kanila, nakipagbeso beso na ko sa mga girls at yakap naman kay Creigh. Kay Israel? Syempre walang batian. Kunwari hindi ako nag-eexist at ganoon din naman sya. Ang saya, diba?
Paalis na sana ko nang magpumilit si Cherry na ihahatid na daw nila ko. Pero, umiling na lang ako at nginitian sila.
"Gaga ka ba? Okay lang ako. Parang hindi naman na kayo nasanay"
Ganto naman kasi madalas 'pag may gala ang barkada eh. Ako lang madalas ang hindi nakakasama pag-uwi sa kadahilanang kailangan ko pang puntahan ang mang-Mommy ko para sabay kaming umuwi.
Oo, inaamin ko din naman na hindi na mawawala yung 'ouchy' feeling 'pag mga gantong sitwasyon. Eh kahit sino naman siguro, diba. Ikaw lang yung wala sa barkada. Ikaw lang yung hindi kasama. Yung 'shit-I'm-gonna-miss-the-fun' feeling. Tsk
Inirapan lang ako ni Cherry at hinila naman si Israel sa tabi nya.
"Oh eto. Kung ayaw mong magpasama, hindi pa rin ako papayag na umalis kang mag-isa" Kinunotan ko lang sya ng noo at ibinaling nya naman ang atensyon nya sa lalaki sa tabi nya. "Ikaw naman Israel, ano pang hinihintay mo? Ihatid mo na"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Cherry at hindi ko na nga din napigilan ang kabahan.
"E-eh. Ano ba. Kaya ko na. Sige na"
Sobrang lakas talaga ng kabog ng dibdib ko pero pinilit ko pa ding tumalikod sa kanila at simulan ang paglalakad.
"Isa, Noreen! Uy, Israel, ano ba!?"
Nilingon ko pa sila na halos ipagtulakan na si Israel papalapit sa akin.
Eto na naman ako. Umaasang sasama sya. Umaasang ihahatid nya. Yung parang dating gawi lang. Nung mga panahong kami pa.
Kaso mukhang malayo sa katotohanan ang inaasahan ko. Mukhang wala syang balak.
Pinilit ko na lang tumalikod ulit sa kanila at maglakad. "Hindi. Okay lang talaga, guys. Sige na. Bye!"
"Huy Israel! Ano baaa!"
Pagkarinig ko sa sigaw na 'yon ni Kristine ay nagtatakbo na ko palayo habang nandoon pa rin yung pag-asang hahabulin nya ako at sasamahan. Hahayaan nya ba kong umalis ng ako lang mag-isa!? Wala na ba talaga syang pakialam sa akin?
BINABASA MO ANG
BREAK NA KAMI.
Teen FictionPara sa mga brokenhearted. Mga taong kagagaling lang sa break-up. Mga taong nagkamali ng desisyon. Mga taong nagpapanggap maging masaya. Mga taong may pinagdadaanan. Mga taong umaasa. Mga taong hindi magkaintindihan. Mga taong nagpe-pretend. Mga tao...