Say what you wanna say
And let the words fall out
Honestly, I want to see you be brave
With what you want to say
And let the words fall out
Honestly, I want to see you be brave
Nag-kakantahan na kami doong magkakabarkada with matching head bang pa nang bigla na namang dumating si Israel. Hindi na ko nagulat. Nasabi naman na din nila Cherry na darating sya eh. So in short, inexpect ko na din. Ganda ko eh.
"Hoy hayop ka. Buti na lang at nagparamdam ka. Snobber ka na ngayon! Peymus eh!"
Binati pa nila nang binati doon yung lalaking yun habang ako, syempre eto pa din. Tinutuya ang sarili. Kumakanta. Nagpapanggap na walang naririnig at nakikita. As usual.
"Uy yung iba dyan oh! Kunwari bulag. Tara laro tayo! Pigilan ng ngiti!"
Hindi ko pinansin ang banat ni Creigh kahit na alam kong ako na naman yung pinapatamaan nya. Langhiyang to. Wala talagang preno'y bunganga.
"Kunwari bingi. Taray. Wag itago ang feelings wuy"
This time, hindi ko na natiis. Nilingon ko nang taimtim si Lorrie at nagpanggap na inosente. Luhh. Wala akong alam sa nangyayari. Wala talaga. Grabe
"Ha?"
Nagtawanan lang sila at nakita ko din ang bahagyang pag-ngiti ni Israel.
Syempre hindi ako nagpahalata na tiningnan ko sya kaya nagpakaseryoso na lang ulit ako at pinakinggan ang kanta.
Nang medyo maka-move on na ang lahat sa pang-iinis sa akin, bigla namang umupo si Kristine sa tabi ko sabay pasak ng earphone sa kanang tenga ko.
"Wuy bowgs! May ipaparinig ako sayoooooo!"
Halatang excited na excited sya kaya nahawa na lang din ako. Hindi na lang ako nagsasalita habang busy pa sya sa paghahanap ng kanta sa phone nya.
Magrereklamo na sana ko dahil sa tagal nang bigla na naman syang parang sinaniban doon at tuwang tuwang pinindot yung kanta.
Nagsimula nang mag-play at napakunot naman ang noo ko nang marinig ko ang intro. Akala ko naman kase masayang kanta, yun pala pang senti.
"Bogs, nu ba re?"
Tiningnan nya lang ako ng nakakaloko at nag-taas baba pa ng kilay.
"If I Cry a Thousand Tears, bogs. Grabe! Pakinggan mo. Grabe talaga!"
BINABASA MO ANG
BREAK NA KAMI.
Teen FictionPara sa mga brokenhearted. Mga taong kagagaling lang sa break-up. Mga taong nagkamali ng desisyon. Mga taong nagpapanggap maging masaya. Mga taong may pinagdadaanan. Mga taong umaasa. Mga taong hindi magkaintindihan. Mga taong nagpe-pretend. Mga tao...