"OY! ANO BA!? NAKIKINIG KA BA!?"
Tiningnan nya lang ako at ngumiti ng malawak.
Jusko! Sa loob ng isa't kalahating oras naming pagtuturuan dito, isang oras yung pagpapa-cute nya. 25 minutes yung pangpepeste sakin. 4 minutes yung pagtulala. 39 seconds yung pagdukdok sa table. At 21 seconds lang yung nakikinig sya sakin. Bwiset
"Gusto mo ng ice cream?"
Napa-tss lang ako pero napangiti din. Mukhang kailangan ko nga ng ice cream para maibsan naman ang hotness ko.
"Libre mo?"
This time, ako naman ang nagpa-cute. Aba. Tingnan natin kung hindi 'to madala sa charms ko.
"Tss. Ge. Tara, mall tayo"
Tinaasan ko sya ng kilay sabay hawi sa buhok ko.
"My gosh. Gusto mo lang pala kong maka-date, hindi mo pa diniretso"
Naging seryoso naman ang mukha nya at unti unting inilapit sa mukha ko. Problema nito?
"Too close"
Sambit ko tulad lang nung sinabi nya noon sa clinic. Ganun na din kasi kalapit ang mukha namin sa isa't isa. Ehmeged. Ngayon ko pa lang naa-appreciate ang perfection ng mukha nya.
"Too handsome to be yours"
Nanlaki na lang ang butas ng ilong ko sa sinabi nyang iyon at awtomatikong napairap. Langyang to.
"Stop doing that"
Pinagtaasan ko sya ng kilay. "Ang alin?"
"Panlalaki ng butas ng ilong"
Mabilis kong tinakpan ang ilong ko at tumalikod. "Pake mo ba!?"
Narinig ko ang pagtawa nya at ito na naman ang kamay nya sa balikat ko.
"Nakikita ko na kasi ang utak mo 'pag gumaganun ka. Too small"
Sinamaan ko na lang sya ng tingin habang hindi pa rin sya natatapos tumawa. Badtrip na to. Too small daw ang utak ko? Kapal!!!
"Bitiw bitiwan mo nga ako! Wala kang karapatang humawak sa dyosa"
Iritang irita na ko doon pero tawa pa din sya ng tawa. Lakas ng trip ah. Bwiset
"Dyosa? Nice joke, Isobel"
Aawayin ko pa sana sya dahil sa pagtutol nyang dyosa ko. Pero mas nairita pa ko nang tawagin nya kong Isobel. Like duhhh. Wala akong pinapayagang tumawag sa akin nun. I am Noreen. Noreen lang. Bwiset
BINABASA MO ANG
BREAK NA KAMI.
Teen FictionPara sa mga brokenhearted. Mga taong kagagaling lang sa break-up. Mga taong nagkamali ng desisyon. Mga taong nagpapanggap maging masaya. Mga taong may pinagdadaanan. Mga taong umaasa. Mga taong hindi magkaintindihan. Mga taong nagpe-pretend. Mga tao...