Hindi ko na alam kung anong gagawin ko dahil puro naka-nganga, shocked at nanlalaki pa din ang mata ng mga kabarkada ko.
Alam kong ang dami kong dapat ipaliwanag sa kanila pero wag muna siguro ngayon. Kapag wala na lang siguro si Israel tsaka ko sasabihin lahat. Hay. Sana hindi nila ma-misinterpret at wag muna sana silang mag-conclude ng kung anu ano. Kahit na mukhang imposible yun pagkatapos ng lahat ng nangyare. Hayyyy.
Kung kaya't ngumiti na lang ako ng pagkalawak-lawak at hinila na paalis si Cortez. Kung hindi ba naman pasaway to at kalahati eh. Binalikan pa ng tingin ang mga kabarkada ko sabay kaway tapos sigaw ng "Hi Guys! See you again next time!" =_____________=Nang makalayo layo na kami ay saka ko sya hinarap sabay sabunot sa sarili.
"Haaaaaaaaay! Kahit kelan talaga anak ka ng wrong timing, oo!"
Pinigilan nya ako sa pagkakahila ko sa buhok ko at saka itinulak nang bahagya ang noo ko. Tss
"Kumalma ka nga! Yun lang eh, tss"
Inirapan ko sya atsaka pumameywang.
"Anong yun lang!? Jusko po. Alam mo bang kapapanuod lang nila sa video natin? I mean, na-video pala yung sweet sweet-an natin kahapon tapos ayun! Naiintriga sila about sa girl dun sa video without knowing na ako yun tapos bigla kang lilitaw at tatawagin akong mahal sa harap nila, sa harap ni Israel!"
Napa-atras sya saglit at mukhang nagulat sa pagha-hallucinate ko. Napatigil naman ako at na-realize na nag babaw babaw ng mga inaakto ko. Alam ko namang hindi ako dapat nagkakaganto pero ewan ko ba. Nakakainis. Bakit ba ang OA ko.
"Okay, sorry kung OA. Sorry, nabigla lang ako.."
Napaiwas ako ng tingin pero nabalik din nang mapansin kong ngumiti sya nang bahagya. Pinagtaasan ko lang sya ng kilay at tulad ng paborito nyang gawin, itinulak nya na naman ng mahina ang noo ko.
"Okay lang. Naiintindihan naman kita. You're really not yet over him"
Nang marinig ko yun ay ngumiti na lang ako ng mapakla at tumango tango.
Gusto ko sanang i-deny. Gusto ko sanang ipagsigawan na "Ako? Hindi pa nakaka-move on? Imposible!". Gusto ko sanang magmaganda. Gusto ko sanang tawanan na lang ang lahat at ipangalandakan na ayos lang ako at wala silang dapat na ipag-alala. Pero paano ko magagawa lahat ng yun kung ni isa sa mga yun ay walang totoo?
Oo, alam ko paulit ulit na lang. Walang tigil na pagpapanggap. Walang humpay na pagdadrama. Pero bakit parang hindi pa din ako napapagod? Hindi ako nagsasawa. Parang ang gusto ko lang kase, maliwanagan. Malaman kung babalik pa ba sya o hindi na. Pero sa kabila nun, nandon pa din yung takot na baka pag nilinaw ko sakanya ang lahat, lalo lang maging malabo. Lalo ko lang hindi maintindihan. Ang gulo. Ang hirap.
"Oo na, I'm really not yet over him. Wala eh, ang hirap"
Inaasahan kong babarahin nya ako o kaya tatawanan. Pero hindi. Imbis na bwisitin ako, nagulat na lang ako nang bigla nya kong hawakan sa kamay at simulang hilahin papunta sa hindi ko alam.
BINABASA MO ANG
BREAK NA KAMI.
Teen FictionPara sa mga brokenhearted. Mga taong kagagaling lang sa break-up. Mga taong nagkamali ng desisyon. Mga taong nagpapanggap maging masaya. Mga taong may pinagdadaanan. Mga taong umaasa. Mga taong hindi magkaintindihan. Mga taong nagpe-pretend. Mga tao...