II

237 3 0
                                    

Isang taon na rin ang nakakalipas simula nang makipaghiwalay ako sa kanya.

Pero ako? Eto.. tulala pa din at hindi makausap.

Hindi ko alam kung paanong nangyari pero bigla na lang ako nagising isang araw sa lugar na 'to, punong puno ng kulay puti habang hawak hawak ang litrato nya.

Sabi nila, pinatay ko daw sya. Pero wala akong matandaan na ganoong nangyari.

Dahan dahan kong ihinarap sa akin ang larawan nya at nginitian iyon.

Hinihintay ko syang ngumiti pabalik ngunit nabitawan ko ang kanyang litrato nang bigla iyong magsalita at ako'y tanungin..

"Darla, you wanna make zumba?"




"Pucha naman Noreen oh!"

Binatukan ako ng malakas ni Israel (na kaklase ko) pagkatapos nyang basahin ang kalokohang inilagay ko sa notes ko.

Tawa lang ako ng tawa habang pinagmamasdan syang mairita at nagpipigil ng tawa.

Masyado kasing seryoso sa buhay eh. Buwang ata. Wahahaha

Well, kung ako naman ang magkekwento ng love story ko, siguro first line pa lang maiiyak na'y magbabasa. Ang drama eh.

Buti na lang talaga't likas na sakin ang pagka-loka loka kaya nakukuha ko pa ring maging masaya pagkatapos ng lahat.

"Nako. Iyan epekto sayo ni Estevan eh!"

Sinamaan ko lang sya ng tingin at pinanlakihan ng butas ng ilong.

Ewan ko ba dito at Estevan ang tawag kay Israel my ex. Siguro kasi kapangalan nya. Haha

"Maka-Estevan naman, Carlos Israel! Nakakahiya sayo"

"Hah! Mas maganda nama'y Carlos Israel kesa sa Israel Estevan no!"

Tsk. Mas maganda daw yung pangalan nya? Mas astig kaya'y Israel Estevan Buenaventura Rodriguez. Oha. Tunog haciendero.

"Asa ka naman. Mga bwisit lang talaga'y mga Israel eh"

"Hoy wag mo nga akong dinadamay dyan sa ka-bitteran mo!"

Nag-make face na lang ako at nag-aya na lang pumunta sa susunod naming room.

Nakasama na namin ngayon ang iba pa naming mga kaibigan na naglalakad nang biglang umulan.

BREAK NA KAMI.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon