"Totoo ba?"
Nginitian ko lang sya at tumango.
"Pero.."
"Kasalanan ko"
Tinapik nya lang ang balikat ko at yumakap.
"Sayang naman"
Sayang. Yan ang madalas kong marinig sa karamihan. Sabi nila, akala nila, magtatagal kami. Na kami na talaga ang para sa isa't isa.
Akala nila hindi na kami mapapaghiwalay.
Akala nila kami na ang magsasama habambuhay.
Akala ko din naman eh. Pero mahirap umasa sa akala lang.
Binigay ko naman lahat eh. Minahal ko sya. Ng sobra pa sa sobra.
Halos kalimutan ko rin noon ang sarili ko para sa kanya. Para sa amin. Pero siguro nga, hindi kami meant to be.
Nakakatawa na lang isipin na sa tinagal tagal na ng pinagsamahan namin, nakukuha ko pa ring maniwala sa destiny.
Sabi kasi nila: Kung kayo, kayo talaga.
Pinipilit ko na lang paniwalaan yun kesa tanggapin ang katotohanan na wala kaming ginagawang dalawa para maibalik yung dati.
Wala akong ibang magawa kung hindi ang magpakatanga at umasa ulit.
Para kong ewan, ano? Ako ang nakipag-break tapos ako ang naghahabol ngayon.
Hindi naman literal na naghahabol pero.. ako yung nasasaktan.
Umasa kasi ako eh. Sabagay, ilang beses na nga ba kong umasa?
Palagi naman eh..
Umasa kasi akong hindi niya ko papakawalan ng ganun na lang.
Sabagay, ilang beses ko na ba syang nasaktan? Napaiyak? Tinangkang iwanan?
Pero ako naman kasi, hanggang salita lang. Kahit naman gaano ko ka-cold at kawalanghiya sa kanya, hinding hindi ko pa din kakayanin na iwan sya. Kase ganon ko sya kamahal.
Pero siguro nga hindi sapat yung love lang para sa isang relasyon. Kailangan din ng trust, effort at time. At yun ang nawala sa amin.
Alam kong kumpara sa iba, hindi pa ganoon katagal ang 11 months and 14 days naming pagsasama. Pero para sa akin, sobra sobra na yun. Feeling ko kasama ko na sya hanggang sa pagtanda. Kasama ko na sya sa pagbuo ng sarili naming forever. Kasama ko na sya sa lahat ng plano ko sa future. Kasama na sya sa lahat. Sya na ang kalahati ng buhay ko, ang kabiyak ko.
BINABASA MO ANG
BREAK NA KAMI.
أدب المراهقينPara sa mga brokenhearted. Mga taong kagagaling lang sa break-up. Mga taong nagkamali ng desisyon. Mga taong nagpapanggap maging masaya. Mga taong may pinagdadaanan. Mga taong umaasa. Mga taong hindi magkaintindihan. Mga taong nagpe-pretend. Mga tao...