"Good morning Bhe! I love you forever! Whooot whooot"
Idinilat ko nang bahagya ang mata ko para lang makita ang nakangisi kong Daddy. Umikot ikot pa ko sa kama at pumikit ulit. Inaantok pa ko. Don't disturb, please.
Alam kong nakapikit at tulog ako pero naririnig ko pa din ang boses ng mga magulang ko. Ang aga aga pa ehhh -_________-
"Huy Bhe! Gising na! Happy 28 daw"
Dumapa pa ko at natulog ulit. Puyat ako! Jusko. Puyat akooooo!
Maglalakbay na dapat ulit ang diwa ko nang bigla akong kalabitin sa tagiliran ng Daddy ko.
Hirap na hirap ako sa pagdilat. Wala pa ko sa ulirat.
"Happy 28 Bhe! I love you forever!"
Nakatulala pa din ako nang ilang segundo bago marealize kung anong hawak nya. Yung frame! Ehmeged.
Napangiti na lang ako at nagkusot ng mata. Jusko. Pagti-tripan na naman ako nito.
"May pa-I la- I love you pa wa!"
Tawa nang tawang pinagmamasdan ng Daddy ko ang picture namin nang agawin ko iyon. May mga kadramahan kase akong isinulat sa likod, baka mabuking pa.
"Nasaan na ang forever?"
Napatingin naman ako sa Mommy at nag-make face. Nasaan na nga ba ang forever? Ayun. Pinaasa lang ako. Lintek na yan.
Kung ano ano pa ang pinang-iinis nila pero kumain na lang ako ng agahan. Bakit ko ba iintindihin yung mga ka-biterran? Tsk. Magpapakabusog na lang ako.
**
Pumasok na ako sa gate ng unibersidad namin nang biglang may rumaragasang sasakyan ang nagdaan sa gilid ko. Nakngpots! May karera ba!? Nakakabwisit yung mga OA magpatakbo ng sasakyan. Sarap ibangga -________-
Napairap na lang ako sa kawalan at magtutuloy na sana nang mapansin kong papasok din yung sasakyan na yun sa school namin. Psh. Imposibleng professor yun kase hindi naman wreckless mga profs namin dito. At imposible din namang estudyante yun kase wala naman kami sa sobrang mamahaling University. Like you know. We're just average people here. Pero sabagay, malay ko ba sa iba.
Katitingin sa sasakyan na yon ay hindi ko na namalayan na nakatanga lang pala ko sa gitna ng daanan at nag-iisip ng malalim. Nabalik lang ako sa ulirat nang bigla akong tawagin ng isang lalaki.
"Noreen!"
Napabuntong hininga muna ko bago sya lingunin. Sht. Di pa ko nakakapag-polbo. Di ako prepared.
Tiningnan ko sya at ngumiti. Ano pa nga bang gagawin ko? Tsk.
BINABASA MO ANG
BREAK NA KAMI.
Teen FictionPara sa mga brokenhearted. Mga taong kagagaling lang sa break-up. Mga taong nagkamali ng desisyon. Mga taong nagpapanggap maging masaya. Mga taong may pinagdadaanan. Mga taong umaasa. Mga taong hindi magkaintindihan. Mga taong nagpe-pretend. Mga tao...