"Relax na relax ah! 'Pag ikaw walang nasagot mamaya, tsk"
Umarte ko nang nagmamaganda kay Carlos Israel at saka hinawi hawi ng bonggang bongga ang buhok ko.
"Tinawag ko na lahat ng Santo. Madami na kong kinontrata para ipagdasal na makapasa ko. Kaya yan!"
Patuloy lang sya sa pag-'tsk' habang umiiling at nagbubuklat ng libro.
"Malala ka na talaga. Good luck na lang sayo"
Hindi ko na lang sya sinagot at nagdire-diretso na sa iba ko pang mga kaklase na naglalaro ng volleyball.
P.E. kasi namin ngayon at midterm naman mamaya sa major subject naming Accounting. Nagreview naman ako kagabi kaya ngayon feeling ko sasabog na utak ko sa dami ng kailangang i-analyze at kabisaduhin. Nakaka-tanga na din minsan eh. Idagdag mo pa'y nakaka-BH na phone call na yun kagabi.
Bhest calling..
Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwala.
Parang kanina iniisip ko lang sya tapos ngayon tumatawag na? Ay shet. Kinakabahan ako.
Napapikit ako ng mariin at narinig pa ang kantyaw ng Mommy ko.
"Naks. Tumatawag si bhest. Kayo na ba ulit?"
Mabilis kong inilihis ng direksyon ang phone ko para hindi makita ni Mommy.
Legal kami noon kaya naman kilalang kilala na sya ng buong angkan ko. Welcome na welcome na nga sya sa family ko kaso tumiwalag pa sya sa pagka-miyembro. Joke -_______-
Hindi na lang ako sumagot at huminga pa ng isang malalim.
Iki-click ko na sana ang answer button nang bigla naman yung mawala.
Badtrip. Hindi na ko nahintay. Dami ko pa kasing arte eh. Tsk
Napasimangot na lang ako habang ipinapamulsa ang cellphone ko.
Nakalipas pa ang ilang segundo at hindi ko din natiis at ako na mismo ang tumawag sa kanya.
Bwisit kasi. Tatawag tawag tapos ibababa >______< Di ba nya alam kung gaano ko kasabik makausap sya?
Matagal rin ang hinintay ko bago nya tuluyang sagutin ang tawag.
"Hello?" bungad nya.
Shet. Nag-aabang ako ng nakakalokong endearments nya tulad ng dati kagaya na lang ng 'Baby, wifey, bhe, hey, bebeko' pero wala. Sabagay, ano pa nga bang inaasahan ko pagkatapos ng lahat?
BINABASA MO ANG
BREAK NA KAMI.
Novela JuvenilPara sa mga brokenhearted. Mga taong kagagaling lang sa break-up. Mga taong nagkamali ng desisyon. Mga taong nagpapanggap maging masaya. Mga taong may pinagdadaanan. Mga taong umaasa. Mga taong hindi magkaintindihan. Mga taong nagpe-pretend. Mga tao...