HIS POV (To be fair sa boys. Lol)
Nag-igting na lang ang panga ko habang pinagmamasdan silang palayo.
Tulad ng dati, pinahiya na naman nya ako. Iniwan. At hindi pinili.
'Yan din ang dahilan ko kung bakit ko sya hinayaan.
Kung sa mahal lang, mahal na mahal ko sya. Pero.. nakakasawa na.
Alam kong ipinangako ko noon sa kanya at sa sarili ko na kahit anong mangyari, kahit gaano pa sya kahirap intindihin, kahit gaano pa kahirap sabayan ng mood swings nya, kahit na ipinagtutulakan na nya ko palayo.. hindi ko pa din sya iiwan.
Kase akala ko kaya kong magtiis nang magtiis na lang.
Pero lahat naman ng tao may limitasyon, diba?
Hindi ko naman siguro kasalanan kung napagod ako. Ang tagal ko naman na syang pinagpasensyahan eh. Ilang beses ko na ba syang pilit na inintindi? Ilang beses na kong nagmukhang tanga? Ilang beses ko nang ibinaba yung pride ko wag lang mawala yung 'kami'? At ilang beses ko na din bang ipinagpilitan yung sarili ko sa kanya?
Siguro, oo, may mga pagkukulang ako. Hindi ako yung ideal boyfriend na sinasabi ng iba. Pero.. minahal ko naman sya sa paraang alam ko.
Lahat na ginawa ko. Yung mga bagay na hindi ko naman ginagawa noon, nagawa ko nang para lang sa kanya.
Pero ano? Yung iba don binabalewala lang nya..
Palagi nyang sinasabi sa akin na hindi lang daw sya showy na tao pero syempre.. gusto kong maramdamam na kahit papaano, naaappreciate man lang nya yung efforts ko. Na alam kong napapasaya ko sya..
Pero madalas hindi eh. Kasi napaka-moody nya.
Kapag nangungulit ako sa kanya, maba-badtrip sya. Simpleng bagay, papalakihin. Kapag naglalambing ako, maiirita. Kapag ako ang kasama, nakasimaktol. Pero kapag iba na, parang ang saya saya.
Nakakasakit lang kasi eh. Parang hindi ko na maramdaman yung halaga ko. Yung tipong napapatanong na lang ako.. saan pa ba ako nagkulang?
Ibinigay ko na lahat ng kaya kong ibigay pero parang hindi pa din sapat. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Pilit ko namang kinakaya noon eh, pero.. paulit-ulit na lang. Nakakapagod na.
Tao lang din naman ako eh. Nasasaktan pero lumalaban. Lumalaban pero napapagod. Napapagod pero pinipilit magpakatatag. Nagpapakatatag pero may limitasyon. May limitasyon kaya marunong ding sumuko.
Pero sa lahat ng 'yon, wala akong pinagsisisihan. Kase alam kong kahit minsan, ipinaglaban ko sya. Hindi ko sya binitiwan agad agad.
"Pero binitiwan mo pa din"
BINABASA MO ANG
BREAK NA KAMI.
Novela JuvenilPara sa mga brokenhearted. Mga taong kagagaling lang sa break-up. Mga taong nagkamali ng desisyon. Mga taong nagpapanggap maging masaya. Mga taong may pinagdadaanan. Mga taong umaasa. Mga taong hindi magkaintindihan. Mga taong nagpe-pretend. Mga tao...