Pagmamay-aring muli

63 6 0
                                    

Dumating na ang araw kung saan nakita kita, ngunit hindi nagbalak na tanawin pa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dumating na ang araw kung saan nakita kita, ngunit hindi nagbalak na tanawin pa. Sa pagtapak ko sa kalsadang konektado sa iyong kaluluway umihip ang sumasayaw na hangin sa hilaga. Unang hakbang pa lamang nahagip ka na ng aking mga mata.

Ang hubog ng noo'y kinababaliwan ng aking diwa, subalit ngayon puso'y nagitla. Bakit parang may estrangherong nagtitila? Lumapit ako sayo at lumingon ka upang akoy makita. Maaliwalas na ngiti ay inihandog, sinuklian ko ng kaparehong hubog.

Nagsama ngunit di nag isa. Totoo nga't nag iba na. Subalit may higit na nagpapakilala... Pakiramdam na wari'y matagal nang hinahangad ng pusong sinisinta.

Tila ba'y may ibinubulong ang uniberso, oras na nga ba para lumigaya ako?

Nahahawakan na kita ngunit wala na ang nooy dama.

Nakasama ngunit puso'y kumakalma

Ang tawa mo'y tunog na lamang ang hatid sa aking tenga, malayo sa noo'y nagmimistulang melodiya.

Habang ako'y nagpapalaya ng mga hakbang kasama ka. Hinahanap ang nakasanayang kaba. Ang tilay uod na di mapirmi pag andyan ka. Ang pagsisisi at pagnanais na madampihan ka.

Lahat ng iyan ay hindi natagpuan, nasaan? Di kayay tuluyan nang lumisan?

Nang tayoy dumako sa huling hantungan.

Mga roses ng katagay iyong pinakawalan. Tila ba'y may gustong iparamdam,subalit pusoy di ito pinagtuonan.

Huling dampi sa kamay, huling ngiti sa labi at huling sulyap sa mga matang mapupungay.

Ang inaasahang pangungulila'y bakit wala?

At doon nasagot ang tanong na noon ko pa gustong mahukay.

Sa wakas ay bumitaw na, sa wakas ay natagpuan na ang huling hamon ng tadhana. Sa wakas ay tanggap na na siguro'y pinagtagpo lang talaga...ngunit di para sa isa't isa.

Wala na ang sakit at hapdi, puso ngayon ay ngumingiti.

Siguro ngay pumatak na ang oras, kung saan mga katagang ito ay akin nang pakakawalan....

Salamat sa pagpapatibok ng puso ko gamit ang ligaya, ito ngayon ay nagpasyang tumigil na.

Salamat sa sandaling pagpihit mo sa mundo ko sa hiwaga ng pantasya, mundong yon ay babasagin na.

Salamat sa paghawak ng puso kong ipinagkatiwala, ngayon ay babawiin na sana.

At higit sa lahat ng 'di mabilang na salamat,
Salamat sa paulit ulit na pagkitil sa buhay ng aking diwa. Sa pagtatanim ng sugat na ngayon ay nagbakat bilang peklat. Tumibay at hinubog ang pusong nadurog ng panahon, ilang ulit nagwakas ang buhay dahil sa hamon. Ngunit ngayo'y muling nagsilang at tumibay. Natutong tumanggap at muling tumibok, ngunit sa pagkakataong ito, sarili na ang mangunguna sa tuktok.

Sadya ngang mapagbiro ang tadhana. Tila ba'y nananadya. Nanunudyo. Mapanlinlang at nanlilito. Mistulang buwan at araw, tayo'y pinagtagpo. Babalutin ng mahika ang ating pagsasama, pagmamasdan ng mundo at kalawakan ang kislap na ating nililikha.

Kasabay nito ay ang pagyakap sa atin ng uniberso. Mag-iisa't bubuo ng kasaysayang unti unti ring maglalaho.

Ngayon ay tatahakin na natin ang magkasalungat na daan. Magsisimula na ang paglalakbay sa magkabilang direksyon kung saan wala nang bitbit na bigat ng kahapon.

Iyon ang biro ng tadhana, birong magbibigay hinagpis at pagtangis ngunit sa huli'y tawa na walang labis.

Isang huling salamat sa iyo, simula ngayon ay pagmamay ari ko na muli ang hiniram mong puso.

Dedicated to: RJM

Cruissir de LiterasWhere stories live. Discover now