Tasa

57 7 6
                                    

Isang tasa pa.

Maaari ba?

Isang tasa pa at baka pwedeng pagtagpiin muli ang basag na salita

Isang tasa pa at baka maaari pang bawiin ang binitiwang parirala

Isang tasa pa.

Baka kasi ay maaari pang ayusin ang sinira dahil sa kambal na pusong nagitla.

Isang tasa pa sana.

Baka kasi maalala mong timplahin ang tamis noon.

Baka kasi maalala mong hindi lang haplos ang nagpapainit sa damdamin. Pakiusap isanf tasa muna bago ka humawak sa kanya at bitawan ang init at tamis na nagpapatibok puso mo sinta.

Isang tasa pa.

Pag-isipan mo sana bago mo sabihing sawa ka na.

Sawa ka na sa init ng aking tasa dahil nais mo ay isang mainit na haplos sa iyong kaluluwa.

Sawa ka na sa sarap ng aking timpla at mas gusto mo ang sarap ng lasa niya.

Sawa ka na sa halimuyak ng aking tsaa dahil mas inaakit ka ng pabango niya.

Sawa ka na at sawa ka na at sawa ka na at sawa ka na at sawa narin akong marinig ang pagbasag mo sa puso kong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka.

Mahal, baka sakaling gusto mo pa ng isang tasa.

Nang maalala mo kung paanong pinagpalit mo ang tawa ng ating puso sa pinaghalong sigaw at ungol niyong dalawa.

Nang maalala mo kubg paanong ipinagpalit mo ang yakap ko sa paghaplos ng paa niya sa dibdib mo.

Nang maalala mo kung paanong pinagpalit mo ang init ng pagmamahal ko sa usok ng hininga ng niya habang hinihingal sa bawat pag ulos mo.

Isang tasa pa. Baka kasi maisip mong mas masarap parin ang timpla ko sa katas niyang nilalasap mo.

Baka kasi maisip mong mas matibay pa ang tasang ito kumpara sa wasak na kinahuhumalingan mo.

Baka maisip mong sandaling kaligayahan lang ang ipinagpalit mo sa milyong milyong alaalang meron tayo.

Isang tasa pa at isang tasa pa. Ilang tasa pa ba ang dapat mabasag sa mukha ng iba mo bago mo makitang ako ang binaboy niyo?

Isang tasa nalang sinta. Hayaan mo akong basagin ang tasang may mainit na tsaa na akala ko'y perpekto sa labi mong puno ng maduduming salita. Mas nababagay pala sa mukha ng sa buhay koy sumira.

Cruissir de LiterasWhere stories live. Discover now