Hindi ko na maaninag ang liwanag
Mula sa musmos na mga matang iyong iminulat
Ngayo'y nais na ng mga matang lumabas sa pagkabulag
Sa mundo, sa kalawakan at sa katotohananNatuto nang bumalanse
Sa liwanag man o dilim, lahat ay maaari
Hindi na hinahanap ang iyong haplos
Ang pagkandong mo'y di na kinakailangang lubos
Ang tanging nais ko'y yumapos sa silaw at lahat ng atin ay mataposHindi ko na kayang tanggapin pa
Mga salitang aral ba talaga o sakit lamang ang dala
Binabaon ako sa lupa ng pagkatao
Pinapako ako sa tanong na ano pa ba ang halaga ko?Makikiusap sanang bitawan mo na
Yaring lubid na tanging ikaw lang humahawak sa tuwina
Serbisyo mong ako'y mamulaklak ay naganap na
Ngayon hayaan mong tuluyang bumukadkad sa sinag ng liwanagTama na ang paghila
Ang kadena'y nasira ko na
Hindi mo na ako makukulong pa
Sa sarong na di ko naman ramdam ang pag protektaNgunit lahat ng ito ay tanging akala
Nag lakad sa lubid ng mag isa
Bakit ngayong nasa gitna na ay aking nakita
Mga apoy at tinik sa ilalim ng tinatawid na ligayaIna habang tumatagal ay nakakasilaw na
Hindi na makaya ng mga mata ang kislap ng paglaya
At nang kumapit sa mga inakalang karamay.
Pagsisising lubos'y nadama ng yaring kamaySubalit ang akalang ako'y matutupok ng init
Hindi namutawi't ako'y dumilat sa pagpikit
At doon ko nasumpungan ang noong di makita
Kailangan lang palang imulat ang aking mga mata, nang masilayan ang tindi ng iyong sandataPaano mo nagagawang ako ay yapusin?
Kung noong sumisigaw ka ng aking pagbalik ay tumalikod akong parin
Ina tinulak ka palayo ng aking mga salita
Subalit heto ka't di lumulubay at handang umalalayAng akala kong liwanag, lahat ay huwad
Nasilaw sa kislap ng laya at sariling sikap
Ina hindi ko pa pala kaya't kailangan ka pa
Ngunit hindi pa man bumabalik ay hinila mo na, ibinalik sa bisig ng panatag at sayaLahat sila ay iniwan akong mag isa
Subalit pagtalikod ko'y ipinagkait mo pala ang distansya
Salamat sa pag punas ng likido sa mga mata
Sa halik sa noong nagpapaalalang pagkakamali ko'y tanggap mo naSalamat sa pagpapatawad kahit ako'y di nakiusap
Salamat sa pagsalo kahit ikaw noo'y itinulak
Salamat sa pag tanggap sa paulit ulit na paglisan
Sa pag ako ng kasalanang likha kong lubusanAng lahat ng sibat ng kasalana'y ikaw ang harang
Ang sakit ay di naranasan ng dahil sa gamot ng iyong pagtahan
Lahat ay lumisan at mananatili ka kailanman
Ina sa pagkakataong ito, hindi na ulit kita iiwanAko naman ang yayapos sa 'yo't kakalinga
Nais kong balutin ka ng aking pag pala
Pasasalamat sa hindi pagsuko
Sa pag tayo mo sa aking pag guhoIkaw ang natira nang lumisan sila
Ikaw ang totoong liwanag na inaasam sa tuwina
Ang nag bigay ng bituin nang ang buhay ay dumilim na
Ang naging araw at gabay sa pag kamit ng kareraIkaw ang nais makapiling sa ngayon at sa bukas
Sa gitnang panahong ako'y tumaliwas
Pinatunayan mong sa pag bitaw ko'y hahawak ka lalo
Sa huling pahina, babalik at babalik ako sa iyoIna sa huling sandali ng buhay ko'y nais kang kasama
Sa pamamaalam ng araw at paglisan ng buwan
Sasamahan kita't ako naman
Aakayin, yayapusin at mananatili sa pilingSa bukang liwayway ng kinabukasan
Nais kong makita ang luha ng iyong kasiyahan
Lahat ng sakripisyo'y susuklian ng kabutihan
Hanggang sa huli ina, ika'y sasamahan
YOU ARE READING
Cruissir de Literas
Poetrypoems of unfixed English and Filipino POEMS•SPOKEN WORD POETRY•PROSE #PHTimes2019