Pumatak na ang dilim sa lilim ng hardin
Nananalo ang buwan at mga bituin
Tulog na si araw at ang kapatagang bughaw
At sa paghimlay ay muling nanalangin, magwagi sanang muli sa paghimbingPikit datapwat gising.
Kung mulat ma'y tulog parin
Nanunuot at nanunuot, puso'y pilit na tumitibok
Niyayapos ng isip na masalimuotPaligid ay makulimlim, bumagbagsak ang ulang mabigat kung buhatin
Madumi, madilim at pilit akong idinidiin
Ang mga halaman sa hardin ay sumasayaw sa paningin, hinihele ng mga bulong at ilaw na itimNang tumagal ay mas lalong binibihag
Sa pamamagitan ng yakap
Ng paghilang di maawat
Ng sigaw na di malaya
Sa kamay ng ulang bumabagsak, itinutulak sa malambot na himlayang tumatanggapKapag sinubukang lumaban ay lalong bumabangis
Lalong nagagalit at ang paglukop sa katawa'y tintiis
Tumagal at kataway dama na ang kuryente
Naninigas na ang kaluluwang pilit na naghihigantiHindi kailanman iisipin ang pagmulat
Tulog ako kahit alam kong pinagkait mo ito
Kapag hinayaan kita ay alam kong walang hanggang magiging iyo
Ngunit sadyang nakikipag laro, ikaw ang nagmulat at nakita ko ang iyong anyoTumagal pa at nilabanan kita
Sinubukang mamahinga ngunit hindi nais na iyong makuha
Kung hahayaan mong tumibok ang puso'y kakalabog sa iyong gunita
Ngayon ang tinig mo'y dinig ko naSa ilalim ng malambot na hardin
Idinidiin mo ako sa himlayang madilim
Mga halamang sumasayaw sa tuwa ng pagiging alipin
Muli bihag na naman ng anino sa paninginTagaktak ang pawis nang makawala, nang makamit ang diwa ay inaakit na naman at hinihila
Paulit ulit na na nakikipagsapalaran
Sa hardin na di alam kung ikaw ba o sarili ang kalaban
This piece is based on experience. Hindi ko na kasi alam kung ano pang gagawin kasi gabi gabi nalang talaga akong napaparalisa sa pagtulog o binabangungot. I know marami tayong nakaka experience nito and I hope you did relate and like this piece of mine. Dito ko nalang ilalabas ang frustration at takot ko. I hope lahat tayo ng nakakaranas nito ay maging maayos na soon. So that's it! Thank you for reading!
#Sleepparalysis
#HypnagogicHallucinations
YOU ARE READING
Cruissir de Literas
Poésiepoems of unfixed English and Filipino POEMS•SPOKEN WORD POETRY•PROSE #PHTimes2019