Katapusan ng walang hanggan

95 7 0
                                    

A Spoken words poetry

Isa, pag mulat ng aking mga mata ngiti mo ang nasulyapan kong una

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Isa, pag mulat ng aking mga mata ngiti mo ang nasulyapan kong una.

Dalawa, iyong inilahad ang kamay sa pagitan ng ating distansya. Ang iyong mga mata'y binudburan ng saya at pag asa. Tila ba'y nangungusap na ika'y aking tanggapin na.

Tatlo, Dala ang kislap at galak ika'y aking tinanggap. Nagtagpo ang ating katawan, yakapang sumasalamin sa ating pag-iibigan. At doon iyong iniusal, mga katagang nagbigay kulay sa ating portal. Mga katagang nagmistulang lubid na aking kakapitan. Mga katagang naging dahilan kung bakit ititigil ko na ang aking pagbilang, dahil kung susundan ko pa ang tatlo hanggang libing ay magbibilang parin tayo.

Mahal, ang mga katagang mamahalin mo ako ng walang hanggan ay babaonin ko.

Nagsimula ang walang hanggang sinabi mo. Lumipas ang mga panahon at humigpit lalo ang hawak mo sa mga daliri ko. Naging maliwanag ang noo'y kislap. Naging marikit ang ating daang tinahak. Naging mabilis ang panahon kasing bilis ng tibok ng puso kong ikaw lang ang nagpabangon. Gumawa tayo ng sarili nating mundo kung saan mo tutuparin ang walang hanggang tayo. At doon nagsimula ang panakamaling pasyang iginuhit ko sa buhay ko...Ang maniwala sayo.

Mahal...Kailan pa? Kailan ka pa hindi masaya? May kulang ba? Kasi hindi ko maintindihan kung saang parte ako nagkulang dahil mahal sabihin mo lang pilit ko itong pupunan-wag ka lang lumisan.

Ang mundo natin ay naging mabilis ang ikot. Pinilit kong tumayo kahit hilong hilo na ako. Kumapit ako sayo ngunit mahal bakit? Bakit biglang nawala ang higpit?

Hindi ko nagawang tanggapin kaya ako'y nagpumilit. Niyakap kita kasi baka ito lang ang kulang para hundi ka na manlamig. Maging halik ay inialay sa pag aakalang babalik ang dati nating himig. Gagawin ko ang lahat pakiusap, huwag.

Kung pagod ka na wag kang mag aalala dahil idudulog ko ang bisig ko sayo. Ako ang kakapit para sa ating dalawa. Hihigpitan ko wag ka lang kumawala pero mahal nasasakal ka na ba talaga? O ayaw mo lang na hawakan pa kita?

Pero nang pumatak ang ilang numero ng panahon puso'y nagkaroon ng pag-asa. Biglang nasilayan ang kislap sa 'yong mga mata, muling tumunghay ang ngiti mong puno ng ligaya. Doon ko nasumpungan ang bagong pag-asa ngunit makamandag na punyal sa akin ay tumama nang mapagtantong hindi ka pala sa akin nakatingin sinta.

Lintek na pagmamahal nga naman! Ayaw pari kitang pakawalan. Iispin ko nalang na mali ang aking nasilayan. Na tibok ng dibdib mo'y ako parin ang dahilan. Mahal huwag kang mag-alala. Hindi ako maniniwala sa sariling mga mata. Ako parin naman diba? Ako parin sana.

Pero totoo ngang lahat ay may katapusan. Nabasag ang kariktang bumabalot sa ating mundo kasabay ng pagbasag mo sa puso ko.

Ngunit heto na naman ako, Niyapos ka ng buong buo, mahal hindi ako susuko! Luluhod man ay gagawin ko! Sasambahin kita tuparin mo lang ang iyong pangako ngunit ano nga bang aasahan ko sa isang taksil na katulad mo? Hindi lang pala ako ang binigyan mo ng mundo.

Gusto kong maglakbay sa nakaraan. Gusto kong hukayin ang kahapong nagdaan. Dahil gulong gulo na ang aking isipan kung saang parte ng kasaysayan ko huhugutin ang iyong dahilan. Naging apoy nalang ang ulan ay wala parin akong natagpuan.

Kaya ngayon uubusin ko ang luhan isinaboy mo. Pipilitin kong maghilom ang mga sugat na iniwan mo. Kasi siguro nga nasaktan ako dahil nakalimutan kong may Ako pala sa Tayo.

Kaya mahal pasensya na pero ayoko na. Oo nangako akong hindi bibitaw pero nangako karin naman diba? Ngayon asaan na? Ikaw asan kana? Dahil Pucha mahal ang sakit sakit na! Kaya patawad kung bibitaw na ako sinta. Pinatunayan mo kasing ang walang hanggan ay may katapusan pala.

Cruissir de LiterasWhere stories live. Discover now