Lumalim na ang gabi kasabay ng pagkislap ng mga bitiun na tila ba'y tayoy pinagmamasdan. Ang mga ngiti ay sumibol kasabay ng pagbuhos ng ulan. Sumasayaw ang hangin kasabay ng awitin ng bawat kuliglig na tila ba'y kinikilig sa mga mata nating sa isa't isa'y nakatitig. Mas humigpit ang kapit ng bawat daliri sa isa pang bahagi. Mas nagningning ang bawat tingin kasabay ng mga bituin. Kumaripas ng takbo ang bawat puso kaybilis ng pag lipas ng oras. Ang oras...Ang oras ay dumating na. Nagbitaw ang bawat daliri sa isa pang bahagi. Nagdilim ang bawat kislap ng mata kasabay ng pagpanaw ng bawat talang sa langit ay nakahabi. Tumigil ang takbo ng pusong tila'y ninakawan ng bahagi. At nagbago ang ikot ng mundo kasabay ng pag gising ko sa pantasyang ito. Isinara ang libro at hinarap na ang kasalukuyang mundo. TAPOS NA ANG KWENTO.
Dagli
YOU ARE READING
Cruissir de Literas
Поэзияpoems of unfixed English and Filipino POEMS•SPOKEN WORD POETRY•PROSE #PHTimes2019