Sa gabing ang ulap ay namamanglaw
Mga perlas sa dagat, palamuti sa bughaw
Subalit yaong kislap ay hindi papantay
Sa pagsisid sa wangis mo't ano ang nanalaytay?Hagulgol ay tila parusa sa pandinig
Taksil ang perlas, ngayo'y di mabatid
Nilukob ng usok ang buong lupang ninakaw
Sapilitang kang tinanaw, nadaplisa'y matang uhawHinanap ang liwanag ng karagatang bughaw
Nanginginig ang kalamnang takot kang pumanaw
Ngunit salungat, siya ay nagtago
Liwanag na di nasilayan ang ugat ng 'yong paghihingaloPagtangis ng patawad ng hindi umagap
Pagwari'y inusal darating din ang liwanag
Kapag ang buwang tinago'y magpasyang lumantad
Nais mong ako'y sumulat sa ilalim ng kislapMabilis ang patak ng pawis sa noo
Rumaragasa yaring alon sa puso
Isang plumang lumantad sa sariling palad
Kawari ng panaginip, ito'y iyong hawakDoo'y muling namutawi ang bulong mo't pighati
Kung ang buwan ma'y hindi mabawi at ang dilim ay manatili
Tulisan ang pluma at gawing lampara
Huwag papaslangin ang ilaw ng umagaINSPIRED BY Dr. JOSE P. RIZAL
A dream of him giving this message
Thanks for reading!
YOU ARE READING
Cruissir de Literas
Puisipoems of unfixed English and Filipino POEMS•SPOKEN WORD POETRY•PROSE #PHTimes2019