"Gusto kong imulat yung mata ko
Pero patuloy mong tinatakpan ito.
Hindi ko kaya.
Ayoko pa.
Pero ang sakit na.Sa likod ng aking pilik mata
Ang mundo nati'y aking nilikha
Ikaw..Ang hari ng aking kaharian
Ang paro paro sa gitna ng kalawakan
Ang tubig na sa hangi'y nakalutang
Ang pantasya sa likod ng katotohanan.Gusto kong magising pero patuloy paring humihiling.
Na sana'y ang ningning ay maging isang buong bituin.
Na maging liwanag ang dilim.
Mahal imposible ang aking hiling ngunit minahal kita kahit ang bato ng salita nila'y kailan ma'y di ka lilitaw sa pagitan ng aking tingin.Sa tuwing ako'y ngingiti
Sakit ang kasunod sa pila
Na tila ba'y tubig na binuhos sa aking mukha
Na hanggang diyan ka lang.
Hanggang panaginip lang.Pero mahal wag kang mag alala
Di ako bibitaw maniwala ka
Dahil sa pagitan ng hapdi at sakit may umuusbong na sayaMas madalas sa minsa'y hatid mo ay ligaya
Tila'y isang hangin
Hindi man nasilayan ay patuloy kong dadamdamin.
Ikaw ay tunay
Dahil naghatid ka ng totoong saya sa aking buhay"
YOU ARE READING
Cruissir de Literas
Poetrypoems of unfixed English and Filipino POEMS•SPOKEN WORD POETRY•PROSE #PHTimes2019