Him
Cyrus pov's
Saan na naman kaya pupunta yung mag babarkada?
buti nalang at wala yung teacher namin ng first subject
Binuksan ko yung bag ko buti nalang nadala ko yung Gummy bears ko nakakagutom eh, malamang hindi ako nananghalian eh.
Naka earphone ako ng biglang nagsitilian ng malakas yung mga kaklase ko
Napatingin naman ako kung saan sila nakatingin at aba ang apat akala mo naman artista puro sila naka jersey
Si Kuya feel na feel lalong lalo na si Dylan yaks pake ko ba diyan
Napatingin naman ako kay Kris bakit ang hot niya? hawak niya ung bola sabay hawi na buhok gashhh ambilis ng tibok ng puso ko
Pag pasok nila sa room pumunta agad sila sa likod at yung mga babae naman dito puro sila picture sus kung alam niyo lang na halos araw araw sila sa bahay eh
Tumahimik na ang lahat ng dumating si Prof. Ty General Science bakit ganun first day palang eh ang dami dami agad ginagawa
Tapos yung mga pinag aaralan namin puro pang College
Nagpasulat lang si Prof. sa amin tapos natulog? ganto ba talaga toh?
Napatingin ako sa apat at aba nag lalaro sila ng bola
Tahimik kaming lahat ng tumilapon yung bola kay Prof. Paktay kayo nagising si Prof. tapos nakita niya yung bola kinuha niya at hinarap sa amin
'Sino nag tapon ng bola at sinong nag sabing mag bola kayo? hindi to court' wala man lang nag tangka mag salita pero ako hmm sino ba sila kahit na medyo crush ko si Kris eh exempted na siya? no way!
'Sir yung apat po sa likod'
Tumingin naman si Prof. dun
'Mr. Montemayor, Garcia, Sebastian and Go?' yan!!! tumingin ako sa kanila at aba ang sama ng tingin sa akin ni Dylan
'Can the four of u explain this?' buhat ni sir ung bolap
'Sino nagtapon dito?' dagdag pa ni Sir tumingin naman ung tatlo kay Dylan hahahah patay ka!
'Mr. Go come with me. Let's go to the principal office also you' turo ni sir sa akin
'Ms. Montemayor right?' Bakla kaya si Sir? nagpapacute eh
nakita ko naman na ang sama ng tingin ni Dylan kay Prof. bat siya pa ang galit?
'ok po Sir' sagot ko
Nasa office kami ngayon at hinihintay si Mrs. Santiago
Lumabas si Prof. at naku naman iniwan ako dito kay mokong kaya pala ang hangin eh kasama ko nga pala kasi yung paparating na bagyo
'epal kainis' salita niya habang nilalaro ung cruddle sa mesa
hindi nalang ako umimik hanggang sa pumasok na si Prof. saka si Mrs. Santiago
'Dylan? naku talaga kayong bata kayo' Pag umpisa ni Ma'am at umupo sa may swivel chair niya at tumingin sa amin
'Hmm Mr. Go nasabi na sa akin lahat ni Mr. Ty so, Ms. Montemayor totoo ba na naglalaro sila ng bola sa loob ng room?' tanong ni maam
'Yes po Maam' pag sagot ko tumingin ako kay Dylan pero chill lang siya kanina nga galit na galit yung expression niya eh
'At para hindi ko na ipatawag ang magulang mo Mr. Go,hmmm!! kayo nalang ni Ms. Montemayor ang magiging mag partner sa gaganaping Mr. and Ms. Intramural representing grade 12 A'
'Pero ma'am-' hindi pa ako natatapos ng putulin niya
'No but's as I was saying the upcoming Intramural, dapat manganda ang talent niyo at hindi lang sasayaw o kakanta bigyan niyo ako ng kakaiba' tangina naman eh ayaw ko nga diba kung pwede lang mag mura dito
'Mr. Go at dahil Varsity player ka impossibleng hindi mo alam kung kailan gaganapin ang Intrams' tanong ni maam sa peste na lalaki na yan
'2 Months before Tita Grandma' walang gana niyang sagot
'So that's it you may go'
Nauna na akong nag lakad, ramdam ko ang presensya niya sa likod ko
'Cyrus' rinig kong tawag niya sa akin,pake ko sayo bwisit ka!!
'Cy' pag ulit niya at hindi pa rin ako tinatantanan kahit saan ako pupunta nakasunod siya
'Cy pansinin mo naman ak-' hindi ko na siya pinatapos at hinarap ko na siya
'Ano ba kasing kailangan mo?' Inis na tanong ko tapos tumingin siya sa baba
'Kung ayaw mo akong maging partner ok lang alam ko naman na hindi mo ako magugustuhan kasi si Kris ang gusto mo sorry hah?'
Tapos umalis na siya at nyeta bat ako nasaktan sa sinabi niya?? nababaliw na ata ako
bumalik ako sa room na wala sa sarili
nag vibrate yung phone ko ng nakita kong may text unregistered number
Bakit ba kasi ayaw mo sa akin? nakakainis ka humanda ka sa akin mamaya
so si Dylan to?
akala ko pa naman naging mabait na siya qaqo pa rin talaga
umuwi ako sa bahay ng nadatnan ko si kuya sa may sala na nag sasapatos naku basketball na naman toh
'Saan punta mo kuya?' tanong ko pero Nice!! di man lang ako pinansin
'Lil sis, sa tingin mo ano ang ginagawa mo? Gusto mo ba talagang mag kasiraan na kaming mag babarkada?'
anong sabi niya? tatanongin ko pa sana ng umalis na tapos lumabas na sa pinto
Ano daw mag siraan? sila magbabarkada?
Baliw ba siya?!!
Pumasok na ako sa kwarto at nagpalit
nag online ako ng nakita ko ang tadtad na chat ni Dylan
Bwissitt ang ingay ng messengerr!!!
Labas ka mamayang 8 may sasabihin ako
Subukan mong hindi sumipot humanda ka sa akin
Kailangan ko ng taga cheer
Pumunta ka
seryoso para lang taga cheer tatakutin niya ako? baliw silang mag kakaibigan talaga
bumaba ako para kumain ng napadaan si Manang Selia
'Ah manang nasaan sila Mom?' napatigil naman siya sa paglakad
'Ay maam, pumunta po sila ng States, business matter daw po' ah kaya naman pala may nakita akong maleta nung dumating si Zai dito sa bahay
Speaking of that girl! di naman pumasok kanina hmm? baka busy palibhasa sa kanya ipapamana yung companya nila
papunta ako ng kusina
nag vibrate naman yung phone ko
Dylan Pangit
hoy babae 8 sharp ah lumabas ka na ng bahay niyoang kapal talaga ng mukha neto! bwisit!
Hindi ko tuloy alam ang isusuot ko!
BINABASA MO ANG
Masyado Pang Maaga
Romans'I'll never get to attached with basketball player until I met him the certified MVP, Dylan Ezekiel Go' Maiinlove ba ako sa kanya o ipagpapatuloy ko ang pagiging Basketer hater. All story has a conflict, hindi natin sigurado ang lahat ng bagay. Masy...