Chapter Nine

18 0 0
                                        

Part II

Cyrus pov's

Parang tangà si Dylan nakaka nyeta siya, nakarating kami dito sa bahay at nag aya ang mangaling kong kapatid na mag swimming daw muna

'Cyrus mag short ka lang?' tanong ni Zed

'Oo bat?'

'Naku bahala ka for sure magagalit yun'

'sino?'

sino daw magagalit si kuya? eh siya nga nag sabi para daw hindi mabigat sa katawan yung damit

'Tara na guys' dinig kong sabi ni Dylan hindi ko nalang siya nilingon dahil hanggang ngaun hindi pa rin tumitigil yung tibok ng puso ko, bakit ganito?

'Baby girl ano yang suot mo?' ako ba tinatawag niyang baby girl, pwes ako lang naman babae dito diba sino pa ba?

'pwede ba tigilan mo ako' inis kong sabi sa kanya

tapos binato niya ako ng short anhin ko to?

'Tigilan agad di pa nga tayo nag sisimula'

anudaw?

'hoy Dylan aanhin ko tong short mo?'

'Sout mo natural, ayaw kong na eexpose yang legs mo nakakaakit eh' lah tanginà neto

Buti nalang at wala pa sila kuya. Nabugbug na siguro tong si Dylan

'Hi Cy' Napalingon naman ako kay Kris na dumaan sa harap ko tapos tinignan niya ako mula baba pataas

'Yaan ang isusuot mo sure ka? kukuha kita ng leggins gusto mo?' ano bang problema nila sa suot ko?

'ah di na binigyan na ako ni Dylan ng Short ok na to, salamat nalang'

Papunta ako ng Cr para mag palit ng nakita ko si Dylan sa sala na nag kakalkal sa maleta niya

'Hoy Dylan ano hinahanap mo?'

'Maka hoy ka naman, wala damit lang eto oh' tinaas niya tapos pinakita sa akin

'Wag ka mag white shirt babakat bra mo eto nalang suotin mo' bigay niya sa damit na black

Sinuot ko naman yung short niya na jersey at ung medyo maluwang na black shirt

'Cyrussss bilisan mo nasaan ka na?' rinig kong tawag ni kuya

Lumabas naman ako ng bahay at nauna na ako sumakay sa passenger seat ng sasakyan, its a jeep wrangler. Nilagay naman nila kuya yung mga pagkain sa likod tapos sumakay silang tatlo sa likod sumunod naman si Dylan

'Hoy Dylan ikaw ang mag drive' sabi ni Zed tapos tumingin siya sa harap ng nagtama yung mata namin kinindatan niya ako

Yak!

'ok lang' sabi niya sabay tawa parang engot

tapos pinaandar na niya grabeee siya mag drive makikipagpatayan ata.

Kumukuha ako ng mga picture
sobrang ganda ng mga view dito

Huminto kami nang medyo naaninag na namin yung daan papuntang falls

Nice wala pang masyadong tao. bumaba ako nag picture picture ng may naramdaman akong presensiya paglingon ko si Kris pala

'Inaangkin ka na talaga niya' sabi niya.... anong sabi niya?

'huh sino?' walang ideya kong tanong

'Yang nasa likod ng damit mo nakalagay GO' sabi niya ay hala eh syempre kay Dylan to

'Pinahiram lang sa akin ni Dylan' pag sagot ko naman

'Cyrus pwede ba ako mag tanong?' kita ko naman sa mata niya ang sinceridad

'Oo naman ano yun?'

'Pwede ba akong man-' hindi na niya naituloy dahil inakbayan na siya ni kuya

'Naku Kris ah? Galawan ka sa kapatid ko' anong sinasabi ni kuya na galawan nag uusap lang kaya kami

'Kris,Cyrene, Cyrus tara na dito' rinig kong pag aaya ni Zed

'Tara na' sabi ni kuya tapos sabay na silang nag lakad ni Kris

Pag dating namin sa falls nakita ko naman si Dylan na nag aayos ng mga pagkain

'Kain muna tayo' sabi niya nang nakita niya kami

Nag unahan naman sila kuya akala mo mauubusan sila

Binigyan ako ni Dylan ng pinggan na may kanin okra tuyo at itlog. Gashnes i miss this foods

'Cyrene Zed ano tong binili niyong pagkain?' tanong ni Kris

'Natural pagkain ng tao, arte mo naman huwag ka na nga kumain' sabi ni Zed

'Kris masarap toh,tikman mo' sabi ko sabay subo sa kanya ng ulo ng tuyo na naibabad sa suka na may bawang, buti naman at nginuya niya kahit asim na asim siya

'Masarap ba tong okra?' napalingon naman ako kay Dylan

'Oo naman' sabi ko

'Tsk samantalang sa kanya' rinig kong bulong ni Dylan

'Busog na ako, geh maligo na ako' sabi niya sabay dive sa tubig.

'Napakabipolar talaga ni Kiel' sabi ni Kris

'Sus alam mo na nga kasi ugali eh ikaw naman hindi mo mapigilan pikunin' sabat ni Zed

Kumain lang kami at nag kanya kanyang ligo na binilisan na din namin mag hahanda pa kami para project namin

Nasa kwarto ako nagpapalit ng narinig kong nag sisigawan yung tatlo sa baba. Ang bahay na tinutuluyan namin ay dating bahay nila mom, pero dahil sa business ni Dad kaya lumipat kami ng Manila

The house couted with white, it just simple style
may veranda dalawang palapag lang din may swimming pool may basketball court

Sinilip ko sa labas sila kuya at tama nga nag babasketball sila

Loko talaga pinag kampi ba naman nila si Dylan at Kris

Bumaba ako para ihanda sila ng meryenda.

Ng ihain ko sa lamesa sa may garden nadatnan ko sila na nagpapahinga

'Kuya meryenda' sigaw ko napalingon naman sila apat nag takbuhan pa

'Hey lil sis buti naman na isip mo kaming ipagluto?'

'Alam mo kuya mas maganda magpasalamat ka nalang saka pag katapos niyan maligo na ule kayo gagawin pa natin yung project' Pa irap kong sabi

'may balak ata maging valedictorian kapatid mo bud' singit ni Dylan

Nagtawaan naman sila. Minsan may ugali din si Dylan na epal eh lakas makaasar tapos minsan ano... ewan baliw siya

'Kupal kala mo gwapo'

'Bakit baby girl hindi ba ako gwapo?' sabi niya sabay hawi ng buhok sabay kindat ewww kadiri

'Mandiri ka'

'Bakit Cyrus sino ba sa amin pinakagwapo?' isa pa tong Zed na to may pa ayos pa ng buhok

'Lil sis baka nakakalimutan mong kuya mo ako'

wala talaga! nahawa na sila kay Dylan pero bago ako umalis dun sinabi ko muna kung sino talaga yung pinaka gwapo sa kanila, syempre may pag kacrush ako dito pero slight lang. You know basketball player

'Si Kris. Si Kris pinakagwapo sa inyo'

Narinig ko naman si kuya saka si Zed na sumigaw. Mga Alien.

Masyado Pang MaagaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon