Game
Cyrus Pov's
Anong oras na nung umalis sila Dylan dito sa bahay, ewan ko nga kung umuwi ba sila o hinde eh!
Pababa na ako sa kusina para kakain ng agahan ng makita ko sila sa swimming pool nag hihiyawan, sabi na eh di pa umuwi mga toh!
Buti nalang di niya ako kinulit kagabi, siya palang yung nakilala ko na nanliligaw na parang wala lang abnormal!
Nagdala ako ng malamig na tubig dahil alam kong may hangover sila, panda pa!
They use that word for beer kasi daw yung panda eh bear so magkatunog yun! Mga abnormal may pa conyo conyo words pa silang alam.
'Oh tubig' nilapag ko sa mesa, napatingin naman sila sa akin tapos si Zed tumaas yung kilay
'Aanhin namin yang tubig?' Anga angaang tanong ni Dylan
'Try mo ibuhos diyan sa pool para madagdagan ng tubig ' asar kong sagot sa kaniya
'Hay nako lil sis! It's coffee para sa mga may hangover ok?' singit ni kuya sa usapan
'Yeh whatever!'
Pumasok ako sa may kusina para mag timpla ng kape buti nalang may coffee maker kami, pumili nalang ako ng flavor nakalagay sa mga bilog na plastic.
Pumunta ako uli sa kanila para dalhin yung kape.
'Hindi pa ba kayo aahon diyan mag 8 na isang oras nalang may second sub na tayo' sabi ko sa kanila
'May laro kami sis' tumango nalang ako laro na naman everytime nalang na tatanungin ko sila puro nalang basketball.
Pero bago ako makapasok sa loob narinig kong sumigaw si Dylan
'Manuod ka baby girl,cheer mo ko' halos mabutas yung palad ko sa diin ng pag sarado ko dito,lahat ata ng kuko ko bumaon na.
Nilingon ko naman siya pati sila kuya gulat ang ekspresyon nila
Umalis ako dun narinig ko naman si Dylan nag rereklamong masakit daw yung batok ni kuya sa kanya.
Naligo na ako at nagbihis papunta sa school, pababa na ako sa sala ng makita ko sila kuya na nag sasapatos.
Dumeretso na ako sa labas para hintayin sila maya maya pa narinig ko na isa isa na silang nag silabasan sa bahay.
'Guys picture muna tayo' rinig kong yaya ni Zed lumingon ako sa kanila
Aba't di man lang sila nag sali tumakbo ako dun para makisingit ng napatingin si Kris sa akin napaiwas naman ako.
'Ok 1.... 2.... 3!' Bilang ni Zed, nagulat naman ako ng akbayan ako ni Dylan. Ngumiti nalang ako.
'Zed picturan mo nga kami ni Cy' pati si kuya napatingin hindi na ako nakaangal ng mas lalong pinagdikit kami,inakabayan niya ulit ako.
'Aysus Dylan galawan mo sa kapatid ko' asar ni kuya sa kanya
Umalis naman si Kris dun dumeretso na sa sasakyan sumunod naman sa kanya si kuya tapos si Zed. Napatingin naman ako kay Dylan nang nakatingin din siya sa akin.
'Dun ka na sa sasakyan ko' alay nito
'Lagi naman akong no choice pag dating sayo eh' irap kong sabi sa kanya bago dumeretso sa Kia Sports niya na sasakyan.
Tumunog naman yung phone ko ng dalawang beses kaya napatingin sa akin si Dylan
'Kalalaking tao chismoso' pabulong kong sabi
'Hindi ako chismoso noh,malay ko kung sino yan mamaya yan pa ipalit mo sa akin sino ba yan? Gwapo ba yan?' Halos umusok yung ilong niya habang nag sasalita napapikit nalang ako saka tinignan yung phone ko
Dra. Ynna
Your schedule for your adjustment is tomorrow at 10 am.
My prince
Pahatid ka na muna kay Dylan sa room pasundo nalang kita mamaya kung gusto mong manuod
Napangiti naman ako kahit saan talaga supportado ako ni Kuya kahit alam niyang pinipilit ko yung sarili kong kahiligan ang basketball
'Siguraduhin mo lang mas gwapo saka mas magaling mag basketball kesa sa akin yang nag tetext sayo ah' pigilan niyo ako malapit ko ng mahambalos 'to. Saka duhhh!! Makapagselos naman kala mo jowa ko na! Pakipot muna tayo char!
'Yung dentista ko yun saka si Kuya' sabi ko dito para tumigil na siya
'Kuya!! bat napapangiti ka?'
Napairap nalang ako
'Kasi papasundo nalang daw niya ako pag gusto ko manuod, eh alam niya naman na ayaw ko sa basketball, I mean alam niyang tinatry kong gustuhin kaya super supportive siya sa akin' bat ba ako nag eexplain dito?! Teka nga!
'Bat ganyan ka makareact? Nag seselos ka ba?' Tuso ko sa kanya
'Sino nag seselos? Ako? Hah? Ako magseselos' iwas iwas tingin niya sa akin
Nakarating kami sa school tapos nag hiwalay na kami ng landas, dumeretso na ako sa room samantalang siya sa court.
Hindi kami nag papansinan,abnormal amp!
Pag pasok ko sa room agad naman ang sama ng tingin sa akin ng iba kong classmate.
Natapos ang dalawa naming sub, lunch break na pero bago kami makaalis sa room nag announce yung president namin na may long quiz kami sa first subject this afternoon.
Nag stay ako sa library para mag review dito na rin ako nag lunch,naalala ko naman yung ngyari kay Kris dito. Tinignan ko yung relo ko 10 mins to 1 kaya nag madali na rin akong umalis.
Tahimik kaming lahat ng pumasok na yung PR2 teacher namin nag bigay na siya ng mga question at pag ganitong quiz hindi kami magkagalit galit magkaklase tulungan kami eh!
Nag papasahan kami ng sagot, pero kahit ako diko alam yung mga tinantanong niya. Hindi naman kasi yan yung tinuro niya eh.
Natapos kami mag test pero out of 30 nineteen lang ang nasagutan ko buti nalang we always find way nag pa exchange paper si ma'am time for evil deeds. Karamihan sa amin may extra na dating papel naka number na din yun habang binaanggit ni ma'am yung sagot ganun din kabilis yung kamay namin isulat yung sagot, at yung mga mabagal mag sulat pumunta sa likod para di mahalata ni Ma'am at syempre para lahat kami mataas ang makuha. Kaming mga naunang nakatapos nag check hinarangan na namin si Ma'am habang nag susulat palang sila ng sagot sa likod kunyare naman may nag kokolekta. And the result we all got 30 over 30.
Ginagawa lang namin yun kapag mahirap talaga yung test! Sa Friday na nga yung Periodical test haba haba pa ng tinest namin!! Appow!
Tapos ang long quiz,nag mamadaling pumasok si Tina sa room namin saka inannounce na wala daw ng klase dahil require daw lahat ng studyante manuod mamaya ng laro dagdag cheer din daw. Katatapos lang ng intrams may laro na agad sabagay. Baka Quadrangular Meet.
Nag aayos ako ng gamit ko nang nagtitilian sila sa labas sumilip ako sa bintana aba naman si Dylan.
Lumabas na ako at derederetsong naglakad ng tawagin ako ni Dylan.
'Cy wait! Pinasundo ka ng kuya mo sa akin' as if naman, baka nag insist lang siya eh.
Wala na akong nagawa ng samahan niya na ako papunta sa court pumwesto ako malapit sa bench nila. Kalaban nila yung isa ding sikat na school,SFU!!!
Nakita ko naman si Vien Samaniego halos malaglag yung panga ko ng napatingin siya sa akin. Bakit basketball player na siya?
BINABASA MO ANG
Masyado Pang Maaga
Romance'I'll never get to attached with basketball player until I met him the certified MVP, Dylan Ezekiel Go' Maiinlove ba ako sa kanya o ipagpapatuloy ko ang pagiging Basketer hater. All story has a conflict, hindi natin sigurado ang lahat ng bagay. Masy...
