Rest House
Cyrus pov's
Pababa na ako sa hagdanan bitbit yung maleta ko nang nakita ko sila kuya sa sala na ang sarap ng upo, naku naman aalis na nga lahat lahat naka tambay pa rin
'Kuya mag ayos na kayo,aalis na lahat lahat sitting pretty pa kayo diyan'
'Fyi sis ikaw nalang hinihintay namin' nag sitayuan naman sila at lumabas na, ay ako nalang pala hinihintay.
Nang mailabas ko lahat ng gamit ko,sinakay naman nila kuya sa Van
Tutal pupunta pa naman kami sa Rest House nag suot muna ako ng maong ripped short saka V neck white shirt saka tsinelas lang
'kuya tara na' Rinig kong sabi ni kuya kay manong Driver, nag leave kasi si Manong kahapon kaya si Dylan ang nag drive.
Sa passenger seat si kuya, ako naman katabi si Zed sa may gitna at sa likod si Kris at Dylan
'Zed 'di ba nakatulog kagabi yung dalawa?' tanong ko
'Walang tulog yang dalawa magdamag nag lalaro ng Mobile Legend kung magsawa naman sila mag ROS sila' sagot naman niya
Nandito naman na kami sa Bayan, at dumeretso sa Rest house.
Its a old house, galing pa kila Lolo Dad toh.
Bumaba kami ng sasakyan at si kuya aba naman purmadong purmado'Kuya, gwapo mo ngayon ah' pang asar ko sa kanya
'Ngayon lang talaga?' tanong niya sabay ayos ng damit niya
'Bro ano gagawin mo pag nakita mo siya?' tanong ni Kris na nag aayos ng itsura, bakit ang gwapo niya?
'Edi nginitian ko lang bro' angas na sagot ni kuya
'Nasaan tayo?' agaw pansin ni Dylan
'Sa Rest House nila' turo ni Zed sa amin
Pumasok kami sa bahay tapos dumeretso ako sa kwarto ko. Ugh I miss this room, maayos pa rin ang mga gamit ko mga books mga picture ko nung bata ako at mga onting damit
Napatayo naman ako sa kama nang may kumakatok
'Pasok' sabi ko tapos bumungad si Dylan
'May kailangan ka?' tanong ko
'Aubrey, inunahan na ako ni Kris saka ni Zed sa kabilang kwarto matulog' antok na antok niyang sabi
'Ngayon?'
'Pwede ba ako dito muna matulog,inaantok pa talaga ako' Bakit kasi dalawa lang kwarto dito eh, wala naman sigurong masama pag patulugin ko siya dito. Tutal bisita din siya, bahala na nga
'Mhmhm sige' agad naman siyang humiga at yumakap ng isang unan buti nalang tatlo unan dito
Inopen ko yung Aircon saka fan para itutok sa kanya tapos humiga ako sa sofa
'Aubrey mahihirapan ka diyan, dito ka nalang' sabi ni Dylan habang nakapikit
Tama naman siya mahihirapan ako makapagpahinga dun, kaso tatabi ako sa kanya ughhh! bahala na
Tumabi ako sa kanya then my position reversed to him
Maya maya pa nakarinig na ako ng malalim na paghinga,tulog na
Hindi naman ako makatulog kaya bumaba ako para maghanap ng makakain, nakita ko naman yung care taker ng bahay
'Manong, may pagkain po ba sa ref?'
Napalingon naman siya
'ay kayo po pala maam, yes maam meron po, sabi kasi ni Madam bibisita kayo kaya namili na ako ng mga pagkain' pag explain niya tumango nalang ako saka nag tungo sa kusina
Biuksan ko yung ref at tama nga andaming pagkain.
Kinuha ko yung slice cheese, kamatis saka sibuyas,kinuha ko din yung slice bread sa may cabinet saka ko hiniwa yung kamatis saka sibuyas pinatong ko sa slice bread saka pinatungan ng cheese
Gumawa lang ako ng lima, baka ayaw nila ng lasa eh, pero para sa akin masarap Italian bread eh
Pagkatapos kong ayusin nilagay ko sa toaster saka hinintay hanggang sa naluto.
Nag timpla din ako ng Nestèa saka ko nilagyan ng Lemon.
Kumain lang ako ng kumain ng nag Vibrate phone ko
Sis nagkita kami ni Ianne mamaya na tayo alis. Ikaw na muna bahala kila Zed.
Ok kuya. Yan lang ang alam mo! marupok ka rin naman eh!
Bumalik ako sa kwarto ko at nadatnan ko si Dylan na tulog pa rin. Tumabi ako sa kanya saka inopen yung TV nanunuod lang ako ng Showtime.
Nang bumalikwas si Dylan, tapos.... tapos yumakap siya sa akin
Siyempre tinangal ko ng dahan dahan, kaso ambigat, buti nalang ay natanggal ko hayst.
'Cyrus?' rinig kong tawag ni Zed
'Op Zed dito sa kwarto' buti nalang naiwan kong bukas yung pinto
'Loko talagang Kiel yan diyan natulog' sabi ni Zed
'Inunahan niyo ko eh' biglang sabat ni Dylan sabay yakap na naman sa akin
'Hoy pwede ba yang kamay mo?' sabi ko sabay tapik sa kamay niya
'Asan na ba kasi si Cyrene?' tanong ni Zed
'Magkasama daw sila ni ate Ianne' sagot ko
'Brey nagugutom ako' sabat ni Dylan
Nagkatinginan naman kami ni Zed, nagulat siguro siya sa pagtawag sa akin ni Dylan ng second name
'Tara meryenda tayo' pag aya ko sabay tayo sa kama at lumabas na sa kwarto
Hinintay ko lang sila sa sala, para makapag meryenda na kami
'Bilisan niyo tara mag meryenda' pag tawag ko sa kanila
Bumaba naman sila at kasama na nila si Kris
'San tayo mag meryenda?' tanong ni Zed
'Hanap nalang tayo marami naman masarap na pagkainan dito' sagot ko
Hiniram namin yung Mio ng mga anak ni Mang Tasong, yung care taker ng bahay.
Umangkas ako kay Dylan, dahil alam kong hindi na naman siya mag papatalo.
Inuna namin puntahan yung, The Bridge, halo halo lang ang kinain nila. Kaya nag hanap pa kami ng iba sa Foodstreet, fries lang naman yung inorder nila tapos dipa daw sila busog, gusto daw ng kape ni Zed, init init Kape hazze! Kaya pumunta kami sa may Empty Cup! Hinintay nalang namin siya na maka order.
Hanggang sa napunta kami sa Chuy's Snack Hauz, dito na ako nag order ng madami halo halo burger fries saka carbonara. Hindi pa ako nabusog sa Italian bread na kinain ko sa bahay eh.
Pagkatapos namin mag meryenda, bumalik kami sa bahay sakto naman kasabay namin si Kuya
'Kamusta date par?' tanong ni Kris
'Date kayo diyan nakipagusap lang siya sa akin' sagot naman ni kuya
Nag uusap sila ng may humintong kotse tapos lumabas ang isang babae
'Ate Ianne' sabi ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit
'Long time no see, ahm Adri naiwan mo' sabi niya sabay abot ng phone ni kuya
'Salamat, tuloy ka ah' sabi ni kuya sabay kuha sa phone niya
'Hindi na alis na rin ako, see yah!' sabi niya sabay wave at pinaharurut niya na yung sasakyan niya
'Hoy tara na alis na tayo' sabi ni kuya kaya yun nag si pasok kami at nag kanya kanyang ayos ng gamit.
BINABASA MO ANG
Masyado Pang Maaga
Romantik'I'll never get to attached with basketball player until I met him the certified MVP, Dylan Ezekiel Go' Maiinlove ba ako sa kanya o ipagpapatuloy ko ang pagiging Basketer hater. All story has a conflict, hindi natin sigurado ang lahat ng bagay. Masy...