Mine
Cyrus pov's
Dalawang linggo na ang nakaraan simula nung gabing nag inuman sila kuya sa bar
Nakatingin lang ako harap habang nag sasalita si Prof. Ace
'So ano ng nangyari sa project na binigay ko?' pag tanong ni Sir
'Tapos niyo na ba?' dagdag pa niya lagi nalang niyang tinatanong sa amin kung tapos na ba namin pero yung grupo namin wala pang nabubuo kahit isa
Nag ring yung bell pero ako eto walang gana lumabas
Bakit pa kasi nag transfer si Zainah sa ibang school eh siya na nga lang ang bestfriend ko iniwan pa ako
Lahat nalang talaga iniiwan ako
'Cyrus may napili ka na ba na topic para sa project?' nagulat ako ng tumabi sa akin si Zed
'Wala pa nga Zed eh samahan mo kaya ako sa library tapos tulungan mo ako iconcept natin kung paano natin sisimulan' pag aaya ko
'Sige, ako na magbuhat diyan sa libro?' pagtulong niya sa akin
Nagtungo kami sa library umupo kami sa may bandang dulo inisa isa namin yung mga napili namin na libro na pwede iconnecta sa Science sa mga category na ibinigay sa amin
'I think it is better if our topic is about Love?' pag basag ni Zed sa katahimikan namin
'why do you say so?' tanong ko
'Social Science, Gagawa tayo ng mag tretrending sa social media na may tungkol sa science, experiment tapos saka natin ilagay yung topic na love'
Pwede naman pero paano namin gagawin yun?
'Pwede but how anong klaseng AVP ang gagawin natin?' tanong ko
'Mag act nalang tayo, we're going to some out of the town sa probinsya ganun tapos mag pa charity program na din tayo tapos sa isang community natin gawin tapos siyempre may pa basketball, kami magalalaro tapos ikaw ang mag video ok ba yun?' wow si Zed? may ganitong side
'Nice concept so kailan natin gagawin eh diba may practice pa kayo?' tanong ko
'Basta bahala na kung anong gawin natin' sabi niya sabat tawa, napataw na rin ako.
'Hingi tayo kay sir ng Vacation slip kahit 3 to 4 days lang' bigla nitong sabi
'Papayag kaya siya?'
'Sa Principal nalang tayo mag paalam wag kang maingay ah pang apat ka na tao palang nakakaalam sa buong campus our Principal is my Grandma' patawa tawa niyang sabi
'sure' nakangiting sabi ko
Lumabas kami ni Zed sa library at nag tungo sa canteen
'ano bibilihin mo?' tanong niya
'Burger nalang saka Coke'
Nag hanap muna kami ng upuan bago bumili at ng nakahanap kami nag insist si Zed na siya nalang ang bibili so, no choice ako
At ng nakabalik siya nag kwentuhan kami
'Alam mo ba? sa amin kasing mag babarkada si Kris ang pinakajoker pero simula nung iniwan siya nung babae na lubos niyang minahal ayun laging tahimik' pagkwe kwento niya
'alam mo ba yan nag lasing sa bar kasama kami tapos sa sobrang kalasingan niya pinuntahan niya yung manager ng bar sabi Mam iniwan na ako nung... babaeng mahal ko ikaw Mam iniwan ka na ba?' sobrang tawa kami ng tawa kasi hindi na maipinta yung mukha ng manager ng bar' pagtuloy niya tawa naman ako ng tawa may pag ka alien pala si Kris
'Si kuya mo naman nung time na yun napahiya, anyabang kasi sabi ba naman kung sino daw yung dadaan na babae hahalikan niya sakto may dumaan putà ampangit pero di nag pahuli ang loko hinalikan talaga niya at yung panget na babae sinampal siya' tawa na kami ng tawa may nangyari pala na ganun kay kuya
'Ang saya niyo ah' napahinto kami sa pag tawa ng sumulpot si Dylan
'Oyy bud meryenda tayo' pag aya ni Zed sa kanya
'Hindi na. kukunin ko lang ang dapat sa akin' ang talim ng tingin niya kay Zed sabay hila sa kamay ko
'Ano ba Dylan nasasaktan kaya ako' inis na sabi ko
Hinila niya ako patayo at paalis dun tapos sumigaw siya kay Zed
'Sorry bud I don't share what's mine' punyetang lalaki to ano bang pinagsasabi niya
'hoy anong mine ang sinasabi mo for. your. information. hindi ako sayo' galit kong sabi sa kanya
pero hindi niya ako pinakinggan tuloy tuloy lang siyang nag lalakad at ako naman sumusunod lang dahil hindi niya binibitawan yung kamay ko
Tuwing binabalak kong baklasin mas lalo niyang hinihigpitan
Ang layo na ng nilakad namin at ng mapagtanto ko kung saan kami pupunta nag salita na ako
'ano ba kasi ang gagawin natin dito sa likod ng school kanina mo pa ako hinihila tapos kanina pa kita tinatanong hindi mo naman ako sinasagot na babaliw ka na ba?' pero sa hinahaba haba ng sinabi ko di niya man lang ako nagawang tapunan ng tingin
Binitawan niya ako at sa wakas medyo naginhawaan ako
Nagulat ako ng humarap siya sa akin tapos sobrang sama ng tingin niya. Napaatras naman ako
'Hoy Dylan ano yang tingin na yan?' tanong ko na medyo nanginginig yung boses ko ano ba kasi meron dito sa lalaki na to
Kinakabahan na talaga atras lang ako ng atras ng tumama yung likod sa may puno
He corner me tapos yumuko siya kinuha niya yung kamay ko, ngayon ko lang napansin na sobrang pula na
'Sorry kung nasaktan kita, ayaw ko lang na may hindi magandang mangyari sayo Zed is a nice man pero ang girlfriend niya hindi, Hindi mo pa kilala si Grace Reavis kaya niyang pumatay ng tao para kay Zed, hindi ko alam kung bakit ayaw siyang hiwalayan ni Zed. Wala pang babae ang nagtangkang lapitan o tabihan si Zed dito sa School dahil pag nakarating kay Grace yun hindi lang sampal at sabunot ang mapapala nila' Tapos tumingin siya sa mata ko,tingin na nag aalala talaga. Ghad! why my heart beating like this... siguro natatakot ako sa sinabi niya
'Kaya inilayo kita ng mas maaga pa sa kanya dahil sa oras na saktan ka ng Girlfriend niya' huminto siya at huminga ng malalim deretso pa rin ang tingin niya sa mata ko
'Ako ang makakalaban, Proprotektahan kita itataya ko ang pag kakaibigan namin para sayo' halos malag lag na ang panga ko sa mga sinasabi niya, ano ba kasi ang ibig niyang sabihin? tumalikod na siya at bago siya makalayo nag salita ulit siya
'Lagi mong tandaan Cyrus, I Don't Share What's Mine' Is this prank? Dare? or what so? naku lang ah.
Pero kinikilig ako, potcha!!
BINABASA MO ANG
Masyado Pang Maaga
Romance'I'll never get to attached with basketball player until I met him the certified MVP, Dylan Ezekiel Go' Maiinlove ba ako sa kanya o ipagpapatuloy ko ang pagiging Basketer hater. All story has a conflict, hindi natin sigurado ang lahat ng bagay. Masy...