Rehearsal
Cyrus pov's
So yun nga po, ang aga ko nagising. Inaayos ko na yung mga gamit ko para makapasok na kami ni kuya speaking of kuya, puntahan ko nga sa room niya
'Kuya? omg for real ang aga mo naman ata ngayon?' nadatnan ko kasi siya na nag bibihis na
'Eh ano ba lil sis ayusin mo na gamit mo at pagkatapos natin kumain, aalis na tayo' sabi niya habang binubutones yung polo niya
Bumaba na ako at kumain, sakto naman na pababa na rin si kuya
Kumain lang kami tapos sabay na kaming pumasok, akala ko hanggang gate nalang na naman ako eh
'First time ata kuya?'
'Just go, ingat ka' sabi niya sabay gulo sa buhok ko arhghh kaayos ko lang eh
Bumababa ako sa kotse ng napansin kong andaming studyante dito sa parking lot at yung iba nakatingin na sa akin
Tapos may lumapit na mga babae, sila Athena Vilaruel ang pinaka maganda daw sa buong campus! Letche pinakamaganda my Ass!
'Oy nerd! ang pangit mo na ang landi mo pa,ano mo si Cyrene ah boyfriend mo? Ilusyunada' ako ba tinutukoy niya? Nakatingin sa akin eh! Ako pangit? As if naman. Talampakan ko lang yung mukha niya eh! kabobohan.
'Ako ba?' turo ko pa sa sarili ko?
'Eh sino pa ba?' taas kilay niyang sagot
'Athena?! ano toh?' rinig kong boses sa may likuran ko
'Kiel si nerd kasi-' di pa natuloy yung sasabihin niya ng putulin siya ni Dylan
'It's Dylan di tayo close' narinig ko naman na napa ohhhh yung mga lalaki, sobrang dami na ng tao rito
'Ok ka lang Aubrey?' tanong sa akin ni Dylan
'What? paano kayo magkakilala? she's nerd Kiel' takang tanong ni Athena. Sinonh nerd ako? Bobo ba siya! Hindi ba pwedeng sadyang matalino lang ako.
'Can you just go wherever you want, mind your own business bìtch!' galit na sabi ni Dylan kaya wala silang nagawa mag babarkada kundi umalis
Pumunta kami sa room,sakto naman na kakarating ng teacher namin kaya wala ng nag tangkang umimik.
'Ahm Mr. Go and Ms. Montemayor pinapatawag kayo sa office' tama ba yung narinig ko? ako saka si Dylan sa office oh wag ngayon paano na pagiging valedictorian ko? Dahil ba ito sa nangyari kanina sa parking?
Pumunta kami ni Dylan sa office at nadatnan si Mrs. Santiago dun na may mga pinipirmahan
'Tita Grandma, pinapatawag niyo daw po kami?' sabi ni Dylan
'Oh yes ijo, Pumunta na kayo sa gymnasium para sa rehearsals niyo' what? anong rehearsal?
'May mga naka assign na dun bawat candidate find Althea and Ariela sila ang naka assign sa inyo' dag dag pa niya
'Sige po tita grandma' paalam ni Dylan at hinila na ako palabas ng Office
Pumunta kami sa gymnasium marami na rin mga estudyante dito, may lumapit naman sa amin na mga bakla at sila daw yung tinutukoy ni Mrs. Santiago. Wala man lang silang sawa banggitin na ang gwapo ni Dylan.
'Ate girl mag salita ka naman kanina ka pa tahimik eh' agaw pansin ni Althea ba toh? ewan.
Ngumiti nalang ako, di nag tagal dumating na rin yung mga Instructor at inumpisahan na yung mga rampa tapos yung sayaw sa Introduction number.
Nag papahinga kami ngayon sa bench ni Dylan ng inabutan niya ako ng tubig
'Thank you' sabi ko nalang
'Aubrey?' tawag niya sa pangalan ko
'Cyrus nalang Dylan mas comfortable ako' pag sagot ko sa kanya
'Ok sige! Cyrus may gusto ka ba kay Kris?' out of nowhere niyang tanong
'anong klaseng tanong yan?'
'Sagutin mo nalang?' sabi niya
'Gwapo naman siya saka mabait, crush lang naman yun. Bakit?' sabi ko sabay tingin sa kanya
'Wala naman natanong ko lang, ano bang gusto mo sa isang lalaki?'
'Kahit ano basta mahal ako, saka isa lang ang uri ng tao ang kinaayawan ko'
'Ano naman?'
'Katulad niyo mga basketbolero, puro kasi kayo Ball is life at for sure mawawalan na kayo ng time sa mga Gf's niyo' pag explain ko sa kanya
'Hindi naman siguro lahat ng basketball player, kahit ball is life kami alam naman namin ipriorities yung mga mahal namin'
'I dont think so, tara na' pag aya ko sa kanya sa stage saka nag simulang rumampa
Hapon na nang natapos kami mag rehearsal next week na nga pala Intrams ang bilis talaga ng panahon, dati mahal ka lang niya ngayon hindi na, ay kems hahaha.
Naglalakad kami papunta sa Parking lot ni Dylan ng basagin niya ang katahimikan
'Ano pala ang Talent natin wala pa tayong naiisip'sabi niya at nag iisip kunwari
'Kanta, Sayaw pero sabi ni Mrs. Santiago kakaiba daw' dagdag pa niya
'Edi pag sabayin natin kanta at sayaw' suhestyon ko
'Pwede oh sige ganito punta ka sa bahay bukas ng hapon tutal wala naman klase bukas ng hapon kasi may meeting daw lahat ng teacher' sabi niya
'Ano paano mo nalaman na may meeting bukas ng hapon eh wala pa naman binabanggit ah saka wala pang naka post sa bulletin board?' takang tanong ko
'Para ano pa na kaibigan ko si Zed' oo nga pala, lola nga pala ni Zed yung Principal namin.
'Basta bukas sa bahay di na ako papasok ng umaga, punta ka nalang dun' sabi niya at tumakbo na papunta sa sasakyan niya
Ay ano ba yan sabay nga pala kami ni Kuya pumasok, nasa kanya yung susi ng kotse
Nakatayo lang ako sa may parking lot ng tumambad sa akin yung sasakyan ni Dylan
'Hop in hatid na kita sa bahay niyo' sabi niya
'Hindi na hintayin ko nalang si Kuya' pag tanggi ko
'Kuya mo ayun kasama si Ianne nag date ata sila' ano daw si kuya at ate Ianne mag kasama?
'Kaya halika na hatid na kita' sabi niya kaya wala akong nagawa sumakay na ako, saka niya pinaharurut yung sasakyan niya
'Alam mo Dylan siguro iba't ibang babae na ang nakasakay dito sa sasakyan mo?'
'Huh paano mo nasabi?'
'Amoy babae kasi ang bango bango'
'Ayy, ikaw pa lang saka si Mom ang naisasakay ko sa mga sasakyan ko na babae' sabi niya nagulat naman ako.
'Amoy babae nga eh' ulit ko pa
'Isa lang talaga ang pabango ng sasakyan ko, yung Axe na Pink'
'Eh pambabae yun eh, weyt wag mong sabihing-'
'Hindi ako bakla sadyang mabango lang siya para sa pang amoy ko judgmental mo, oh yan dito ka na see you tomorrow' sabi niya at sakto na huminto yung sasakyan sa tapat ng bahay, porke kilala na siya ng guard dito sa village eh.
'Thank you' sabi ko at lumabas saka kumaway nalang sa kanya.
BINABASA MO ANG
Masyado Pang Maaga
Romantik'I'll never get to attached with basketball player until I met him the certified MVP, Dylan Ezekiel Go' Maiinlove ba ako sa kanya o ipagpapatuloy ko ang pagiging Basketer hater. All story has a conflict, hindi natin sigurado ang lahat ng bagay. Masy...