Mall
Cyrus pov's
Hindi ako umiimik habang pinag mamasdan ko si Vien nang nagkatinginan kami kanina, nagulat nalang ako nang pansinin ako ni Dylan
'Kanina ka pa walang imik, ganun ba talaga ka ayaw mo sa basketball' napailing ako habang tinitignan pa rin si Vien
'Anong meron kay Samaniego?' napatingin naman ako dito.
'Wala, diba Archer player yan?' Tanong ko dito
'Dati, balita ko nag quit daw siya' sagot nito tapos tumabi sa akin
'Bakit kaya?' Pabulong kong tanong sa sarili ko
'Anong bakit? Interesado ka ba sa kanya eh di hamak naman na mas magaling ako mag laro diyan, tignan mo nga oh ang pangit kung ngumiti' wala lang talagang maraming tao dito kanina ko pa 'to nasigawan. Kanina si kuya saka yung dentista ko tapos ngayon si Vien naman.
Umalis siya sa tabi ako, pumunta siya sa loob ng court para mag warm up. Appow! Pasikat sa three point line siya palagi tumitira kinakantyawan na siya ng teammates niya na mag Dunk! As if naman kaya niya.
Nagulat nalang ako ng dinunk niya yun bola! Syempre kanya kanyang sigaw na yung mga fans niya. Ilang sandali pa at nag simula na yung laro! Malinis mag laro si Dylan hindi siya Captain para lang sa wala.
Habang nag lalaro sila, inaassist niya rin mga teammates niya. Natapos yung laro at nanalo yung school namin.
Habang hinihintay ko sila kuya sa may labas ng quarters room nila, nakita ko si Vien na kalalabas sa kabilang room. Napatingin siya sa akin tapos ngumiti. Hindi ko pinapahalatang kinikilig ako kasi papalapit na siya sa akin
'Aubrey, long time no see. Kamusta ka?' Sambit nito sa malambing na boses walang pinagbago
'Ah ok lang naman' naiilang ko na sagot
'Waw nagbago ka na talaga ah! Naalala ko nun kwento mo sa akin ayaw mo ng basketball. Look at you now! Saka mas lalo kang gumanda wala na yung dalawang nakaharang diyan sa mata mo eh' loko pa nito sa akin
'Ganun ba? Ikaw din ah bat pala basketball na Sports mo ngayon?' Napangit naman siya tas yumuko
'Nah, boring na ako dun eh' balik tingin nito sa akin
'Picture naman tayo diyan' sabi pa neto todo naman ang ngiti niya,ang cute!
Nag se-selfie kami nang biglang may humablot sa akin. Napaangat naman ako ng tingin si Dylan
'Ano bang problema mo' bawi ko sa kamay ko saka siya pinagsamaan ng tingin
'Nice game pala pre!' Singit sabay abot kamay ni Vien kay Dylan pero etong mokong na to di man lang inabot!
'Ay sige Brey! Una na ako! Dre Congrats' sabi pa niya ng nakahalatang hindi sila good terms ni Dylan apaka-Oa kasi ni Dylan.
'Uy ano ginagawa niyo dito? Si Vien ba yun Sis?' Biglang sulpot ni kuya napatingin naman ako sa kanya
Di ko na sila pinansin pa dumeretso na ako lumbas papunta sa parking lot. Naghintay lang ako sandali bago kami umalis.
Di ko pa rin pinapansin si Dylan,ganun din siya. Napatingin nalang ako sa kanya ng iniliko niya yung sasakyan. Maya maya pa papasok na kami sa SM.
'Anong gagawin natin dito?' Walang ganang tanong ko. Bumababa siya ng sasakyan saka umikot para pag buksan ako ng pinto. Tinanggal niya seat belt ko saka ako hinila papasok sa loob ng Mall.
Pumasok kami sa Potato Corner at nag order siya ng Double Large fries, binigay niya sa akin yung isa, inabot ko nalang. May sumanib na naman ata sa kanya
'Hintayin mo nalang ako dito' sabi niya bago lumabas. Saglit pa nang bumalik ito at may dalang large size na Sundae. Napangiti naman ako alam niya kung paano hulihiin ang ngiti at kilig ko.
'So eto ang way mo mag sorry?' Natatawa akong sabi sa kanya habang sinasawsaw yung fries sa sundae
'Sorry' yan lang yung lumabas sa bibig niya tumayo ako saka ko siya inaya sa may Time Zone. Pumasok kami sa Videoke Room.
'Baliw ka rin eh' basag ko sa katahimikan niya di ko sanay nubayan!
'Baliw na talaga, ewan pero ang immature lang na sa maliit na bagay pinag seselosan ko. Oo na nag seselos na ako' ang cute niya napatawa naman ako.
Nagulat naman ako ng bigla siya yumakap sa akin.
'Hoyy tyansing ka' Tulak ko dito,tumawa naman siya.
Nagkantahan lang kami. Ang ganda din ng boses niya infairness! Habang kumakanta si Dylan napatitig ako sa kanya. Hindi kong ikakaila na magaan ang loob ko kay Dylan hindi man siya yung tipo ko pero I find him attractive, hindi ko ikakailang gwapo siya bonus pa yung mayaman ang pamilya niya na lahat ng babae pwede mafall sa kanya.
Napatingin naman siya akin sabay ngiti. Lumabas kami at nag ikot ikot ng pumasok siya bigla sa Miniso. Puno ng We Bare Bears. Namimili ako nang nahulog yung isa, pinulot ko ito nagulat nalang ako ng may humaplos sa pang upo ko napalingon naman ako sa mga lalaki na katabi ko.
Lumipat ako sa may bandang earphone ng may sumusunod sa aking lalaki.
'Miss number mo nga' bulong nito sa akin di ko siya pinansin ng haplusin neto yung pwetan ko. Nagulat nalang ako ng sumalampak siya sa sahig, nanginginig ako never kong maimaigined na mangyayari sa tanang ng buhay kong manyakin halos matumba na ako sa pag habol ng hininga ko, napapaiyak nalang ako ng yakapin ako ni Dylan
'Ok ka lang?' Sabi neto sa akin at di ko na mapigilan ang mapaiyak.
Binitawan niya ako para suntukin ulit yung lalaki ng tumayo ito.
'Gago ka,wala kang karapatan ganyanin yung Girlfriend ko sana di gawin sa magiging anak o sa nanay mo yan' sabi ni Dylan habang pinipigilan niya yung galit niya, buti nalang umawat na yung ibang tao.
Bumalik siya sa akin saka ulit ako niyakap, inalalayan niya ako papasok sa McDo bumili siya ng tubig saka ako pinainom
'Ok ka na? Gago yun, hindi lang ako inawat baka napatay ko yun' namumula pa rin siya sa galit.
'Okay na ako. Thankyou' Sabi ko, napangiti naman siya. Ginulo niya yung buhok ko saka rin niya inayos. Ngumiti ako sa kanya ng yakapin niya ulit ako.
'Lagi mong tandaan Cy, lagi kitang ililigtas. I love you' nagulat naman ako sa lumabas sa bibig niya napatingin ako sa kanya. Nagkatinginan kami ng lumapat yung labi niya sa noo ko.
I feel safe, yun lang yung pumasok sa isip ko. Ganito pala ang feelings ng mainlove.
Hindi ko pa rin maamin sa sarili ko na gusto ko na din si Dylan. Saka na pag sigurado na ako.
BINABASA MO ANG
Masyado Pang Maaga
Romance'I'll never get to attached with basketball player until I met him the certified MVP, Dylan Ezekiel Go' Maiinlove ba ako sa kanya o ipagpapatuloy ko ang pagiging Basketer hater. All story has a conflict, hindi natin sigurado ang lahat ng bagay. Masy...
