Care
Cyrus Pov's
Ang aga kong nagising wala naman akong pupuntahan, hindi rin lang ako papasok.
Nag open ako ng messenger ko may text si Dylan
See you in 9 may practice pa tayo
ayy oo pala, tskk asan kaya si kuya
'Kuya? Saan ka?' tawag ko sa kanya
'Andito sa Sala Lil Sis' rinig kong sigaw niya
'Kuya may puntahan ka mamaya?'
'Hmm.. wala naman, bakit? may lakad ka?' sunod sunod niyang tanong
'Meron pupunta ako sa bahay nila Dylan may practice kasi kami' Pag sagot ko sabay upo sa may couch at nanuod.
'Ok sige, kumain ka na may niluto ako dun' aww ang bait naman neto ngayon anong nakain kaya niya? tumayo ako para pumunta na sa kusina nagugutom na rin ako
'Wala ba si Yaya?' tanong ko bago maka alis sa sala
'Day off niya' walang expression niyang sagot, day off na naman? Grabe lang.
Pag katapos kong kumain, dumeretso na ako naligo.
Nang makarating ako sa bahay nila Dylan, should I say bahay or Mansion? Muntik pa akong mawala, buti alam ni manong kung saan ang bahay ng mga Go.
Mag dodorbell na sana ako ng may lumabas sa gate.
'Uy Dylan, diba may practice tayo ngayon'
Ngumiti naman siya at tumango
'Ok lang ba sayo pag sa rest house na tayo mag practice may mga darating daw na bisita si Dad eh Business meeting raw' pag explain niya tumango naman ako.
'Ok wait me here' sabi niya sabay pasok ule. Maya maya bumukas yung gate yung kotse pala ni Dylan.
Nang tuluyan ng nakasara yung gate binaba ni Dylan yung wind shield ng sasakyan niya
'Hop in' sabi niya sa akin
Sumakay nalang ako at nag seatbelt.
'Saan ba rest house niyo?' tanong ko
'Malapit lang' sagot niya
Nag patugtug nalang kami habang nasa biyahe tapos para di ako maboring nag scroll scroll ako sa FB
Napatingin naman si Dylan sa akin ng nag sunud sunud na nag ingay yung notification ko dahil sa messenger
Aiel
Pinsan kamusta?
Nireplyan ko naman ito at nag chat chat pa kami ng kung ano ano. Nagplaplano kasi sila na uwi kami sa Probinsya next month.
'Talagang may pa 'I love you'pa sa dulo' nagulat ako ng nagsalita si Dylan
'Sino ba yan? Boyfriend mo?' Malumanay na tanong niya
'Ah Pi-' di pa ako natatapos ng magsalita ulit ito
'By the way Cy, saan mo gusto kumain muna?' Pag iiba niya ng usapan
'Kahit saan na' sagot ko rito
Huminto kami sa isang restaurant na simple lang, pagkatapos namin kumain ay nag pahinga lang saglit bago bumyahe ulit.
Maya maya pa, pumasok kami sa isang village pero puno ang paligid ng daan. Nang makalagpas kami hindi mo aakalaing madaming bahay ang nandito.
'Alam kong nagulat ka, ganun din ako nung una, ito ang tambayan namin magbabarkada kapag bakasyon o kahit anong oras na gusto naming pumunta' pag eexplain nito
Tumapat kami sa isang bahay na simple lang, walang second floor pag pasok mo bubungad agad sayo ang Sala at malaking TV sa likod nun hapag kainan at sa may side naman ay dalawang kwarto pag punta mo sa kusina sa may left side ang Cr tapos may isa pang pintuan sa right neto pag tingin mo naman ay lutuan.
'Saan tayo mag pra practice?' Tanong ko kay Dylan na abala mag ayos ng kalat sa sofa
'Diyan sa likod' turo nito sa may pintuan na katabi ng Cr
Binuksan ko ito at nagulat naman ako sa nakita, andun na si Kris at Zed nag lalaro ng Basketball
'Oyy andiyan na pala kayo, si Dylan ay?' Takbong papalit na tanong sa akin ni Zed
'Asa loob nag aayos ng kalat niyo' natatwang sagot ko
Umupo ako sa may upuan na gawa sa bakal saka kumuha ng tsitsirya na kinakain nila
'Si Kris kasi di marunong mag ayos ng kalat' naiinis na sabi ni Zed
Pero di man lang nag abala si Kris na sumagot patuloy pa rin ito sa pag bobola
Maya maya pa inilabas na ni Dylan yung speaker at nag bluetooth.
Nag hahanap naman ako sa youtube kung anong pwedeng gawin.
Nung makahanap ako pinakita ko ito kay Dylan nanlaki ang mata niya ng mapanuod niya kung ano ang gagawin, si Zed naman botong boto sa naisip ko.
Si Kris nag cecellphone, parang wala sa mood.
Inumpisahan na namin mag practice una ay ang sayaw, ako muna tapos back up si Zed at Kris tapos susunod si Dylan naman tapos sa huli kakanta kami.
Nag aaway pa nga kami kung anong kanta ang kakantahin namin.
Ang gusto niya kasi, Say you won't let go ni Sam Smith eh ang gusto ko You are the reason ni Calumn Scott.
At dahil dun ang bagsak namin na kanta ay Rewrite the star. Ok naman pala ang ganda nga ng boses ni Dylan eh.
Inumpisahan na namin yung seryosong practice una ang inaral namin yung sayaw 16 Shots
Nakuha naman agad ng back up dancer namin kaya nadalian lang, hataw na hataw pa si Zed
Tapos yung kanta na, hawak ni Dylan yung cellphone niya bilang mic.
Feel na feel niya yung naman yung kanta
~You know I want you
It's not a secret I try to hide
I know you want me
So don't keep saying our hands are tied~Natapos kaming mag practice ay nag meryenda muna.
'Galing mo pala sumayaw Zed' natatawang sabi ko
'Actually mas magaling si Kris sumayaw saka kumanta syempre tapos matalino na gwapo pa'
'Ako na naman nakita mo' anang nito sa kanya bago sumubo ng tinapay
'Kamusta Dylan napapaos ka na ata' panloko nila sa kanya infairness ang ganda ng boses ni Dylan
'Bilisan niyo at tara na' sabi nito
Agad naman namin binilisan at inayos lahat ng gulo, dahil etong Dylan di na mapakali at gusto na raw niyang umuwi.
'Ano ba ngyayari diyan' tanong ko kay Zed habang papunta kami sa sasakyan
'Ewan ko ba diyan' sabi nito na nakayuko habang nagpupulot ng kalat sa mesa
Nang makapasok ako sa sasakyan niya at pinaandar niya na ito saka lang ako nag tanong
'Ano ba nangyayari sayo at nag mamadali ka?'
Napakatagal pa neto bago sumagot, nakailang hinga pa siya nang napakalalim
'Oa na kung oa pero naman kasi Cy kapag alam mong may practice tayo mag suot ka ng makapal na damit, bakat na bakat na yang bra mo kanina kaya di ako mapakali kasi baka sabihin mong minamanyak kita pag sinabi ko sayo, kaya agad tayong uuwi para makapagpalit ka na' sabi nito at seryosong seryoso agad naman akon napatakip sa dibdib ko buti nalang naka sports bra ako!
'Kung pinahiram mo ako ng damit diba?' Sagot ko dito
'Yun nga eh wala naman akong damit diyan bukod sa puro jersey'
'Sige na pahinga ka na muna' dagdag pa nito.
At ako naman ay ipinikt nalang mata, makapagpahinga rin.
Infairness bumabait si Dylan.
BINABASA MO ANG
Masyado Pang Maaga
Romance'I'll never get to attached with basketball player until I met him the certified MVP, Dylan Ezekiel Go' Maiinlove ba ako sa kanya o ipagpapatuloy ko ang pagiging Basketer hater. All story has a conflict, hindi natin sigurado ang lahat ng bagay. Masy...