Chapter Eighteen

4 0 0
                                        

Courting

Cyrus Pov's

Dumaan ang weekend na boring, nakakagulat lang na hindi bumisita dito sa bahay yung mga kaibigan ni kuya. Naipasa na yung project namin pero wala pa rin grade hanggang ngayon next week periodical test na namin.

Pababa na ako sa hagdan ng makasalubong ko si Kuya, naka pang basketball ito

'Lunes na lunes naka pang basketball ka kuya di ka na naman ba papasok?' Tanong ko dito

'Yap, may game kami and Sis birthday ko na sa saturday samahan mo ako sa Airport' birthday sa airport? Sira ka ba?

'Anong gagawin natin dun?' Sabi ko habang palabas kami sa bahay patungong garahe

'Dad buy me new Ducati sa States so' kibit balikat niyang tugon bago pumasok sa kotse. Ganun din ako

'Alam mo ba lil sis, isa na sa Top 5 star Company ang kompanya natin?' Kwento nito habang inilalabas ang sasakyan sa gate

'I don't care kuya, alam mo naman na ayaw ko marinig about diyan sa business na yan eh. Mas maganda ngang sigurong mahirap nalang tayo, siguro mas lagi natin kasama sila Mom and Dad'

'Ay sus namiss mo lang sila eh, by the way kasabay pala nung motor ko yung shoes na pinabili mo' napatingin naman ako sa kanya

'Weh?' gulat kong tugon, tumango naman siya maya maya pa nakarating na kami sa parking at dumerertso na ako sa room

Natapos ang lunch break pero ni isang anino sa mag babarkada hindi ko nakita. Ang tagal naman ng laro nila

Nang uwian na, lumabas ako sa room. Grabe lang ang lakas ng hangin napakasarap lang damhin.

Palakad ako ng nag vibrate yung phone ko

Dylan

Cy, yung kuya mo😭

Muntik ko pang malaglag yung phone ko, hindi ko alam kung saan ko hahanapin si kuya tinatawagan ko naman si Dylan pero nag riring lang walang sumasagot

Naalala ko na may laro sila, dumeretso ako sa court ng school pero wala naman tao dun. Parang tanga ano kaya ibig sabihin nung emoji niya. Napano na kaya yun? Kasasabi niya lang na malapit na birthday niya eh. Naku naman po!

'Kuya?!!!' Tawag kong nagbabaka sakali na nandito siya at pinaprank lang nila ako

Tumalikod ako para tignan kung mang  gugulat ba sila pero wala talagang tao

Hanggang sa may kumanta.

~Do you love the rain?
Does it make you dance
When you're drunk with
your friends at a party~

Kasasabi ko lang eh, nang praprank lang sila. Nakatayo si Dylan sa harap ko ngayon may hawak na mic kasama si kuya na may hawak na Teddy bear saka isang boquet na bulaklak

~What's your favorite song, does it make you smile? Do you think of me?

When you close your eyes, tell me, what are you dreamin'? ~

Nakatayo lang ako habang tinititigan silang dalawa parang tanga

~Everything, I wanna know it all I'd spend ten thousand hours and ten thousand more
Oh, if that's what it takes to learn that sweet heart of yours
And I might never get there, but I'm gonna try If it's ten thousand hours or the rest of my life~

'I'm gonna love you' sabi ni Dylan sa akin saka niya inabot yung bulaklak na kinuha niya kay kuya

'Anong gimik 'to?' Natatawang tanong ko,nasisiraan na ba siya?

'Hindi pa ba obvious? Nanliligaw ako' sabi niya sabay kindat,yakk!!

'May ganyan ba na manligaw? Tatakutin yung nililigawan' pabalang na sagot ko

'Sabi sayo Dylan eh, wala ka namang pag asa diyan sa kapatid ko' sabat ni kuya, Inisnoban ko nalang siya, pati siya nakikidamay dito sa pa-emme na ligaw ni Dylan akala ko pa naman ayaw niya na may manligaw sa akin sa barkada niya, Bro code nga diba!!!

'Bud, di mo na ako best friend? Di ka na boto sa akin? What's with 'Dylan?' Bro, close tayo It's Kiel' drinamahan ba naman niya si Kuya

'Pang bakla kasi, Dylan nalang saka ikaw lang naman may gustong tawagin kang Kiel, baduy 'tol wag na tigilan na natin yun' sabay tawa silang dalawa mga abnormal talaga.

     Palabas na kami sa gymnasium at yung dalawa ayun, iniwan na ako. Ngayon lang ako nakakita ng manliligaw na iniwan yung nililigawan na parang walang pakealam.

Bwisit talaga 'tong Dylan na'to. Halos magduling na ako sa kakaikot ng mata ko pinag titinginan na rin ako sa hawak kong bulaklak saka teddy bear.

Dumeretso ako sa locker ko saka ko isiniksik yung teddy bear dun. Tinignan ko yung bulaklak na galing sa bwisit na tao, aish!! Naiinis na naman ako

Sa sobrang inis ko, tinapon ko yung bulaklak saka ako umalis.

Papunta ako sa library, nang sa Field ako dumaan walang masyadong init dahil sa makulimlim na panahon, habang papalapit ako saka lumalakas yung hangin.

Nagulat nalang ako nang may nag kumpulan na lalaki sa akin at pinag gitnaan ako.

'Hoy, anong trip niyo?!' Tanong na pasigaw ko sa kanila bigla silang nag heart formation

'Pinagtritripan niyo ba talaga ako?  Hoyyy Dylan ano na namang pakana toh!!?' Bulyaw ko sabay lingon sa likod, pero nag kamali ako hindi si Dylan ang kaharap ko ngayon

'Kris?'

'Naunahan na pala ako' sabi neto sabay yuko

'Huy ano 'to?' papalapit na tanong ko sa kanya

'Cy' sabi neto sabay lumuhod sa harap ko

'Can you be my...' hindi neto matuloy tuloy yung sasabihin niya.

Nag kunot yung nuo at nag aantay na ituloy yung sasabihin niya pero wala tumayo siya saka ako niyakap

'Wag ka lang niyang sasaktan' bulong neto sa akin. Grabe! Ang haba ng hair ko. Para akong zombie na naglalakad habang iniisip yung mga nangyayari.

Pauwi na ako sa bahay nang nakita ko sila kuya isang convinence store malapit sa village kasama niya mga barkada niya.

Dumeretso na ako sa bahay saka pumunta nagshower. Pagkatapos ko mag shower bumaba na ako sa sala.

'Lil sis suot mo na naman yang damit ko' sigaw sa akin ni kuya nang nasa hagdanan ako,habang may bitbit itong pitchel. Nandyan na pala sila. Inisnaban ko nalang siya saka dumeretso sa kusina

Masarap kasi mag suot ng malalaking damit. I wear his nike shirt saka drift shorts for girls. Nasa kusina ako nag luto ng fries habang hinihintay ko eto nag open ako ng Tiktok.

Bumungad sa akin yung vids ni Dylan, eta yan kagaling bumayo amp! Pinatay ko nalang yung phone ko. Nang matapos ko makaluto ng fries nagpunta ako sa sala para manuod! I connect my phone and open my netflix account.

Nanuod lang ako ng Kdrama, kilig na kilig na ako kay Lee Min Ho nang utusan ako ni kuya.

'Maganda ba yang The King? Tsk! Sis punta ka nga pala bili ng Panda'

'Don't use conyo words on me brotha! Di mo bagay'

Panda panda amp!

Masyado Pang MaagaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon