Chapter Twenty-Three

0 0 0
                                    

Out of town

Cyrus pov's

Nakahiga ako sa kama walang gana bumaba. Shit lang binabalikan ko lahat ng ngyari sa akin,kung nasa code nila bakit pa pumayag si Kuya? Siya pa ang kasama ni Dylan nung sinurprise nila ako.

Kanina pa tunog ng tunog yung phone ko pero di ko yung pinapakealaman. Nakapatay lahat ng ilaw tanging hangin lang galing sa aircon ang maririnig mo.

Maya maya pa ay may kumakatok na sa pinto, hindi ako kumibo hanggang sa unti unti itong bumukas maririnig mo na ang tugtug na namamayani galing sa labas

'Cy' rinig kong tawag na familiar na boses sa akin

'Alam kong nandito ka, arats ah! May puntahan tayo' sabi ni Dylan, anino lang ang naaninag ko ng buksan niya ang ilaw.

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa lumapit ito. Kusang nag sara ang pinto pero di pa rin ako kumikibo.

'Hey ok ka lang?' Tanong niya bago tumabi sa akin at kinuha yung ulo ko para ipatong sa dibdib niya

'Halika may puntahan tayo' sabi niya at tinulungan akong tumayo, pinagpalit niya ako ng damit. I wear jacket pair with jogging pants saka ko sinabit yung belt bag ko pa side body.

Hanggang pagbaba namin puro tango lang ang ginawa ko kapag may sinasabi o tinatanong siya.

Ewan kung asaan lugar kami hanggang sa napansin kong patungo kami sa Carousel kung saan kami nagpunta nung kailan.

Gabi na kaya sobrang dami tao na talaga. Makikita mo yung mga magkasintahan na picture ng picture,magkakaibigan na tawa ng tawa.

Pinikit ko yung mata ko at nag inhale exhale. Hanggang medyo gumaan yung pakiramdam ko at pinilit ngumiti.

'Ano gagawin natin dito?' Tanong ko kay Dylan habang nakapamulsa at sinisipa ko yung buhangin.

'Usap lang, bakit nawala ka kanina dun?'

'Ay nawala lang yung mood ko' pagsisinungaling ko dito

'Yung kay Kris ba at kay Max?' Gulat akong napatingin sa kanya,paano niya alam?

Umupo kami sa may buhanginan malayo sa maraming tao. Humiga siya ganun din ako pero bago ko ibagsak yung ulo ko ay agad niyang sinalo sa kamay niya.

Hiniga ko yung ulo ko sa may balikat niya bago nagsalita

'Hmm, paano mo pala nalaman?'

'Kwinento ni Kris'

'Totoo naman kasi yun, nasa bro code namin na 'no to family members' siguro nagtataka ka kung bakit pinayagan ako ng kuya mo manligaw sayo, nung nalaman niyang ako yung bata nuon sa probinsya niyo na nakalaro niya ng basketball'

'Tapos dahil lang dun' singit na tanong ko

'Nope naging magkaibigan agad kami that time pero kahit pangalan diko nalaman, sinabi kasi niya sa akin na ipapakilala niya daw yung kapatid niyang maganda sa akin at dapat pakasalan ko. Maybe destiny na ang gumawa ng paraan para pagtagpuin tayo'

'Corny mo, eh paano mo nalaman si kuya yung bata na nakalaro mo?' Pag iiba ko kasi kinikilig ako

'May binigay kasi ako sa kanya na keychain na bola na may palayaw ko Kie lang kasi ang kasya pero Kiel dapat yun. Nakita ko siya sa kwarto ni Adri hanggang sa nagusap kami at napapayag siya na ligawan kita' hindi ako umiimik sa mga pinagsasabi niya tanging tibok lang ng puso ko ang naririnig ko

Nagstay kami for a while dun hanggang sa medyo lumalalim na ang gabi at napagpasyahan namin umuwi.

      Kinabukasan, maaga akong bumangon para maghanda. Pupunta ako mag church para naman mabawasan ang kasalanan ko.

Ilang oras din akong nakinig sa preaching ng Pastor namin, bago natapos ang mass. Palabas na ako CCF venue ng nag vibrate yung phone ko.

Stem12A

Adviser: Good am mga nakshie, wala kayong pasok sa monday and tuesday para sa gaganaping NAT ng grade 7 at grade 11. Enjoy ur long weekends.

Halos naman magtatalon ako sa tuwa ng nabasa ko ito. Agad akong umuwi sa bahay para sabihin kay Kuya na for sure tulog pa rin silang magbabarkada.

Nag text naman sa akin si Ate Max na nasa airport na siya at paalis na. I texted her back na ingats nalang sa biyahe.

Pagdating ko sa bahay dumeretso ako sa guest room kung saan sila natulog apat, naku pu naiwan pa nila ang tv nakaopen.

'Kuya, bumangon na kayo 10 am na' gising ko dito napabalikwas naman siya. Pero wala tulog mantika silang lahat. Isa pa kasing tong Dylan na 'to humabol pa makipagwalwalan kagabi pag uwi namin.

Bumaba ako para tulungan sila manang mag ayos ng kalat lalo na sa pool. Tinanggal namin yung tubig saka nilinisan yung gilid ng tile bago ulit lagyan ng tubig.

Nagpahinga ako saglit ng nakaramdam ako ng pagod.

Nag scroll scroll lang ako sa fb ng may dumaan sa feed ko na magandang puntahan.

Pumasok naman ako sa bahay para sabihan sila kuya nang nadatnan ko sila sa kusina habang nag tatawanan.

'Kuya! Wala daw tayo klase bukas hanggang tuesday tapos sa wednesday holiday. Out of town tayo' pag agaw ko ng pansin para tumahimik sila

'Saan ba?' tanong agad ni Zed

Pinakita ko naman yung mga picture sa kanila.

'Seriously Palawan?' sabi ni kuya

'Yep! And ako na bahala sa ticks and hotel' sabi ko sa kanya para wala siyang angal.

Nagsitanguan naman sila.

'And 3pm mamaya ang next flight papuntang Palawan so sino ba isasama niyo?' tanong ko sa kanila para alam ko kung ilang ticks ang bibilhin ko

Nagsiuwian naman agad sila para magpaalam na, for sure ay papayagan. Samantala kami ni kuya ay nag impake para sa mga isusuot namin.

Gamit ang Ducati niya pumunta kami nag Sm dahil ililibre daw niya ako,saka para sunduin si Ate Ianne

Bumili na rin ako ng ibang damit ko at sandals para sa pictorials. Halos 300 plus na photopaper ang kinuha ko para sa Intax Cam.

'Sis kay Dylan ka na umangkas mamaya at si Ianne ang angkas ko' Dylan pinagsasabi neto!

'Dylan nga!?' Takang tanong ko sa kanya

'Tinext ko na siya, Wag kang inosente diyan nakita ko kayo umalis kagabi ng bahay! Arte mo kala mo naman ganun ka kaganda' lah epal nag tanong lang dami na agad sinabi.

Nasa may parking na kami ng Sm kasama si ate Ianne habang hinihintay si Dylan. Para makauwi na din.

Nag cecellphone ako nang may huminto na motor sa harap ko, sabay abot ng helmet

'Angkas na babe' sabi niya sa akin kinaltukan ko nga bago isuot yung helmet ko, tinulungan niya naman ako nilagay yun at inalalayan umupo.

'Sana all may Yamaha R6' sabi ko dito bago niya pinaandar. At ang ate mo todo kapit kasi para silang tanga ni Kuya at naguunahan.

Tawa naman kami ng tawa ng nasa tapat na kami ng bahay, pumasok kami agad kasi napaso na yung balat ko sa init.

Nadatnan naman namin sila Zed At Kris with Grace Reavis. Ngumiti lang ako sa kanya before we leave the house. Pinark nila yung mga motor nila sa loob mismo ng bahay sa may sala. Ganun ka special ang mga motor! Gigil!

Nakarating kami sa Airport at dumeretso na kami sumakay sa Airplane. 30 mins before leave kaya nag cecellphone muna ako.

Maya maya lang pina airplane mode na yung mga cellphone 1 hour lang ata ang biyahe and we're here.

Masyado Pang MaagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon