Welcome Back
Cyrus pov's
Maaga akong nagising para samahan si kuya sa Airport, jusko sa sobrang excited niya 9 am pa ang landing ng airplane alas syete palang andito na kami
'Ang excited mo kasi masyado kainis!'
'Shut up sis, birthday mo?' irita din niyang sabi.
Nangangawit na ako nakatayo ng nag vibrate yung phone ko
Dylan
Sinet up na namin yung pang surprise sa kanya. Text mo ko pag pauwi na kayo.
Nag reply naman ako dito
: ok sige
Maya maya pa kumakaway na si kuya, sino naman kaya kinakawayan niya.
Nang malapit na ang babae saka ko lang namukhaan
'Omg ate Maxine!! I miss you ate' salubong ko dito.
'Anong ate ka diyan, dalawang buwan lang tanda ko sayo Cy-cy' ahhhh nakakamiss tawagin ng Cy Cy.
Maxine Montemayor one of my best cousin ever. Siya lagi ang kakampi ko at kasama sa mga kabaliwan. Para ko na siyang ate dahil mas matured siya mag isip sa akin.
'Ayoko nang tatawagin mo kong ate its Max, Cy' sabi pa nito sakin bago kumalas sa yakap ko.
'Ano na Maxine asaan na yun motor ko' agaw eksena ni kuya
'Epal lang Adri! Mamaya asa cargo pa nila yun' irap na sabi ni ate Max sa kanya
'Asa maleta pala yung sayo Cy, miss ko na kayo pero saglit lang din ako dito'
Sad naman minsan lang talaga umuuwi si ate Max, uuwi sa Pinas dadating ng umaga tapos aalis din ng hapon, medyo nagbago na nga itsura niya eh Blonde hair sama mo pa yung skin niyang parang di man lang naarawan sa puti. Kung hindi pa nga ako tinuruan ni Kuya mag fb hindi ko pa alam kung paano siya kakamustahin. Epal kasi si Kuya, kahit isa sa kamag anak namin wala siyang friend, ako nga sapilitan niya lang kinonfirm. Peymus check!
'Couz, baka naman share mo skin care mo' sabi ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa landing area.
Si kuya ayun nauuna na, masyadong excited!
'Wala naman akong skin care, sadyang ganun lang kasi ang weather sa ibang bansa compare dito' sabi niya
'Grabe ganda mo na, Ilang years ka na rin kasing hindi umuuwi dito' medyo naiilang din ako kasi parang di na kami ganun ka close
'Ano ka ba nasa lahi natin ang maganda'
Napatawa naman ako nag kwentuhan pa kami para naman hindi akward na naiilang ako sa kanya.
Pauwi na kami at si Ate Max ang nag drive dahil si kuya agad na pinaharurut yung Ducati niya.
Habang nasa biyahe ako tinext ko si Dylan na pauwi na kami.
Nang asa gate na kami maya maya lang din asa likod na namin si Kuya.
Siya ang pinagbuhat namin ni Ate Max ng mga gamit para mauna na kami sa loob.
Sa likod kami pumasok, naka harap naman sila Dylan sa may pinto sa sala habang may hawak na Party Poppers.
Ilang saglit lang bumukas yung pinto at sabay sabay kaming sumigaw, habang si Ate Max nag vivideo.
'Happy birthday!!!!' Tawang tawa naman ako sa reaction ni Kuya.
Pumunta naman silang tatlo sa kanya para itulak palabas. Naku isa isang angkasan na yan sa motor niya. Hindi man lang nila kami napansin.
Pumunta kami ni Ate Max sa kwarto para makapagpalit siya.
'Couz, kailan niyan balik mo for sure di ka naman magtatagal dito?' tanong ko sa kanya habang sinusukat yung mga sapatos na pinabili ko
'Tomorrow din ang flight ko 10 am' sagot niya palabas galing sa banyo.
'Don't worry dun ka naman na next year mag school diba?' sabi niya
'Ewan ko nga eh, di ko pa alam kukunin ko' natawa naman kami pareho, at dahil nabored kami nag makeup nalang ginawa namin sabay tiktok na rin at photoshoot.
Bumababa kami ng nagugutom na daw siya. Nadatnan naman namin si Manag Selia at iba pang kasambahay busy nag aayos ng gamit para siguro sa party na gaganapin.
Kumain lang kami ng Pesto dahil nag crave daw bigla si Ate Max.
Nang sumapit na ang hapon, nag uumpisa na silang mag decorate sa may Garden namin, apaka-oa kala mo naman debut niya.
Umalis si Ate Max, para icheck yung pinapagawa ng Dad niya sa kanya, habang yung apat ay wala pa rin hanggang ngayon mag Sisix na ng natapos yung pag decorate kaya umakyat na ako para maligo ulit.
Pababa ako sa hagdan wearing my white sando crop top pair with pencil cut mini skirt. Nakasabit sa leeg ko yung hasselblad cam at nag pipicture. Nag tungo naman ako sa garden at halos lahat ng sikat na player ay nandito,pati si Vien! kahit taga ibang school.
May kumalabit naman sa akin pag tingin ko si ate Max.
'Sexy naman Cy' tukso niya sa akin
'Ikaw kaya ang sexy' nagkantyawan lang kami hanggang sa umakyat isa isa yung mga barkada ni kuya sa mini stage.
Napahawak naman bigla sa akin si Ate Max at ng tignan ko ito ay parang nakakita ng multo, namumutla at nanlalamig din siya.
'Ate Max ok ka lang' sabi ko dito. Napagawi naman ang tingin ko sa stage ng naka titig si Dylan at Kris sa amin.
Naputol lang ang tinginan ng nag salita si Zed
'Happy Birthday Bro, Tanda mo na magiging ninong na ba kami?' Napatawa naman din ako dun,nag tawanan din naman lahat ng bisita
Lumapit sa amin si Kuya sabay taas niya ng baso na may alak habang nakatingin kay Zed.
'Salamat bro' sabi lang nito
Nagulat din ang tingin ni Zed nang mapansin niya yung katabi ko. Anong meron kay ate Max.
'Hey Max, Welcome back' sabi ni Zed, gulat akong napatingin kay ate Max paano sila nag kakilala.
Natapos mag greetings mga barkada niya ay nagsimula na mag patay sindi ang ilaw yung iba ay nag tatampisaw na sa pool, habang yung iba naglalaro na sa BeerPong. Nag take lang ako ng photos.
Papasok ko sa loob ng bahay nang nadatnan ko si Kris at Ate Max na naguusap,nagtago naman ako may pinto para pakinggan sila,chismosa lang eh!
'Bakit kailangan mo pang bumalik?' Narinig ko tanong ni Kris kay ate Max.
'I'm sorry Kris, I didn't meant to hurt you'
'Yes you did Max, why the hell you sudden change everything' nakita ko naman ang sakit at galit sa mata ni Kris.
'Kasi... kasi barkada ka ni Cyrene' hah? Ano kinalaman nun?
'Fuck!,dahil lang dun?' Ginulo ni Kris yung buhok niya
'Ano Max dahil lang dun?!' Sigaw ulit ni Kris sa kanya nakita ko naman na umiiyak na si ate Max. Pero bago ako makalapit sa kanya
'Oo dahil dun kasi ayaw kong masira ang pagkakaibigan niyo!, kasi diba sinabi mo sa akin na bawal sulutin ng tropa ang sino mang kamag anak,kapatid man yan o pinsan!!! Oo nag kamali akong minahal agad kita ng hindi ko man lang inalam ang mga tao sa paligid mo!' Hagulgul na sabi ni Ate Max
Gusto mo ba talagang mag kasiraan na kaming mag babarkada?
Naalala ko yung sinabi ni Kuya, eh bakit siya pumayag na ligawan ako ni Dylan?
Ewan naguguluhan na din ako, parang sasabog na yung utak ko kakaisip. Pota! Ano bang nangyayari.
Dali dali akong umakyat sa kwarto ko nang narinig ko pang tinawag ako ni Ate Max.
BINABASA MO ANG
Masyado Pang Maaga
Romance'I'll never get to attached with basketball player until I met him the certified MVP, Dylan Ezekiel Go' Maiinlove ba ako sa kanya o ipagpapatuloy ko ang pagiging Basketer hater. All story has a conflict, hindi natin sigurado ang lahat ng bagay. Masy...
