Amber's Pov
"Hoy babae gising..."
"Gising...na... "
"Di ka pala gigising ha.."
Napabalikwas ako ng gising nang pumitik ang strap ng bra ko.
"Taaangeeennnaaa!!!"
"Oi babae ipagluto mo nga ako ng agahan"
Napa-lingon ako sa lalakeng katabi ko ngayon.
"Sino ka!?"
"Hindi ako sinuka, ipinanganak ako"
"Pilosopo! ang ibig kong sabihin..."
"Daig mo pa ang matanda, Ang dali mong makalimot"
Huh... tinignan ko siya ng diretso...
Teka... May Kuto? Mikoto? eh?
Muntik na akong mahulog sa papag nang mapagtagpi-tagpi ko na lahat ng nangyari.
Ang nakamaskarang lalake kagabi ay ang gwapong lalaking ito..
May itim at magulong buhok at may... dark brown na mga mata...
"Ipagluto mo nga ako ng agahan tutal asawa naman kita" utos niya sakin.
"ASAWA!!?? Wala akong naalala na ikinasal ako at isa pa under-aged pa ako para ikasala duh!!"
Napa-facepalm nalang siya sa sinabi ko.
"Ah basta gutom na ako ipagluto mo ako ng agahan!"
-_-# Ano ako alila... hindi day asawa ka niya... asawa ka niya...
Bumangon nalang ako at nag-tungo sa teka asan ang kusina?
"Ayusin mo nga yang buhok mo! baka isipin nilang ginahasa kita!"
"Gagu!" mura ko at akmang kukunin ang tsinelas ko para itapon sa mukha niya nang tumunog ang tiyan ko.
Gutom na rin ako...
Inayos ko muna ang buhok ko at ... wala akong panali sa buhok...
"Hoy lalake asan yung kusina, asan yung lalagyan ng bigas, asan yung caldero at asan ang... "
"Gamitin mo ang mata mo hindi ang bunganga" sabi niya at umupo sa banko sa harap ng mesa.
"Wala ka bang balak na magdamit?"
"Pake mo?"
Kakasabi mo palang kanina na asawa mo ako!!! tapos ngayon tatratuhin mo ako na wag akong makialam sa gusto mo...
Kahit kailan mga lalake talaga sakit sa ulo.
Hinanap ko nalang ang kusina niya at hindi ko alam kung matutuwa ba ako na nahanap ko ito.
Walang tubig ang balde, walang sabon, nagkalat ang plato at...
"Hoy gagong lalake!! Mag-igib ka nga!!!" utos ko dun sa lalake na naka-tunganga lang sa hapag.
Nice I'm acting like a wife now...
"Ikaw nalang..."
"IKAW ITONG LALAKE IKAW DAPAT ANG MAG-IGIB! SAAN MO BA YANG NAKUHA YANG KATAMARAN MO! Humingi ka nga ng sabon nang mahugasan ko itong mga kalat mo! Tsk!" walang tigil kong sigaw.
Nagmana kaya ako kay mama na abot sa kabilang barangay ang boses at namana ko rin ang bilis niya sa pagsasalita.
"OO NA! OO NA! Ingay nito! Daig mo pa Ate ko" sabi niya at kinuha ang baldeng nasa baba ng pang-hugasan at umalis na.
YOU ARE READING
Accidentally Fall Inlove With A Bandit
RandomSa lahat ng taong pwede kong pagka-gustuhan ... bakit sa isang kalaban pa ng batas! Love is blind nga tangina!!!