Amber's Pov
Dalawang araw na ng pamumuno ni Jaica Landede, wala naman akong napapansing masama maliban sa unti-unting pagiging busy ni Miko. Minsan nga ay hindi na siya umuuwi,katulad ngayon.
Binisita ko na naman si Ate Mikasa na busy sa kaka-walis ng bakuran nila. Close narin kami ng mga anak niya lalo na si Raiza.
Ako muna ang nag-bantay sa mga anak ni Ate Mikasa dahil maglalaba siya sa ilog.
"Ate Amby gumawa na ba kayo ng baby ni Tito Miko?" tanong sakin ni Madelynne yung pinakamatanda sa mga anak ni Ate Mikasa.
Ano ba namang klaseng tanong yan >_<
"Ah... ano h...hindi pa...at ...pa..pang.. a...ano basta hindi pa" nauutal kong sagot at tumingin sa malayo.
Hinayaan ko lang silang laruin ang buhok ko. Infernes magaling silang mag-tirintas ng buhok ha.
Pagkatapos nilang paglaruan ang buhok ko ay inaya nila akong maging aswang kuno para habulin sila. Ganun na ba ako ka scary para gawing aswang, pero k lang bata lang naman sila.
Nang mapagod na sila ay pinatigil ko narin sila sa paglalaro para makapag-pahinga sila ng konte dahil matutulog sila mamayang alas tres ng hapon para mas lalo daw silang tumangkad.
Tinanggal ko ang pagkaka-tirintas ng buhok ko and then ang resulta naging kulot ito. Whatever... maganda rin naman tignan...
"Sorry Amby ha kung naabala kita para lang mabantayan tong makukulit na'to" sabi ni Ate Mikasa habang nagsasampay ng mga damit.
"Nga pala magdidilim na baka hanapin ka ng kapatid ko..." sabi pa ni Ate Mikasa kaya umuwi na ako kaagad.
Naka-salubong ko si Miko pero... parang hangin lang ako sa kanya...
"Miko sabay na tayo umuwi!" sigaw ko pero hindi siya tumigil at dumiretso lang, ni sagutin ako ay hindi niya ginawa.
Anong nangyayari... wala naman akong ginagawang mali a...
Just keep calm... baka hindi ka lang niya narinig sabi ko sa sarili ko at patuloy siyang sinundan.
Nakarating ako sa bahay namin at laking gulat ko nang makita kong nasa labas ang lahat ng damit ko kaya dali-dali ko itong kinuha. Pagtingala ko ay nakita kong nakatayo sa harap ko si Jaica.
"Maari ka nang umalis sa pamamahay na ito" naka-ngisi niyang sabi at binato pa sakin yung isa kong damit na nasa paanan niya.
"Thanks for your permission... now I can leave this damn... place..."
"Pinalalayas lang kita sa pamamahay KO, hindi sa kampo nato"
"Okay ... I don't care! I don't fuckin care!" pagmumura ko bago dali-daling umalis sa lugar na iyon.
Magagabi na kasi kaya nagsisi-uwi na ang mga tao kaya... maraming nakakita sa pangyayaring iyon.
I don't really fuckin care! But the hell why still I care!
Napahigpit nalang ang pagkahawak ko sa mga dala-dala kong damit. Pakiramdam ko parang lalabas ang sungay ko... pero bakit nagbabadiyang pagpatak ng luha ang nararamdaman ko.
The hell I care with them...
Masanay kana dahil lahat ng nasa paligid mo ay nagbibigay lang ng panandaliang saya...
Napadpad ako sa harap ng bahay nila Ate Mikasa, Wala na akong maisip na lapitan...
Lahat naman di ba ng mga nangyayari ay may dahilan...
Isinubsob ko nalang ang ulo ko sa dala-dala kong damit at kumatok sa pinto nina ate Mikasa gamit ang ulo ko.
"Ay mahabaging diyos! Amby ginulat mo naman ako! Teka bakit dala-dala mo ang damit mo? Umiiyak ka ba ui..." sunod sunod niyang tanong sakin at iginayak ako papunta sa loob ng munting bahay nila.
"Buti nalang at natutulog na ang mga bata, Napano ka bakit dala dala mo yung mga damit mo?" tanong niya uli sakin.
Iniangat ko ang ulo ko at ibinaba sa mahabang banko ang mga damit ko.
"Di lang pala pinuno ang pinalitan pati narin pala asawa..., Nakakatuwa diba... " sabi ko habang pilit na nakangiti habang umiiyak.
"Hindi ito magagawa ng kapatid ko..."
"Paano mo nasabi?"
"Dahil sinabi niya sakin ang lahat bago maging ganito ang lahat..."
"And then? bakit hindi niya sinabi sakin? Bakit sayo lang niya sinabi? "
Nakita kong napailing si Ate Mikasa habang pinapahid ang mga luhang dumadaloy saking pisngi.
"Kung gusto mong malaman ang sinabi niya, tumahan ka muna..."utos niya sakin.
"Ate Mikasa naman eh ginawa niyo naman akong bata"
"Totoo naman ah, bata ka pa.." sabi pa niya.
Tama nga siya... bata pa ako... okay lang 'to at least naka-experience narin ako kung paano magmahal. At isa pa hindi lang naman siya ang nag-iisang lalake dito sa mundo.
Nang tumahan na ako ay sinabi na sakin lahat ni Ate Mikasa ang lahat.
" Maghintay ka lang ng dalawang linggo matitigil narin ang kahibangan niya dahil dadating ang ama niya" pagpapagaan pa ni ate Mikasa sa loob ko.
"Pero paano kung..."
"May tiwala ako sa kapatid ko walang mangyayari tulad ng iniisip mo"
He's avoiding me for my sake...
The hell... 2 weeks.... tangena...
"Dito ka nalang muna tumira pansamantala, nga pala kumain ka na kukuha lang ako ng mga gamit pantulog"
Miko's Pov
"Masaya ka na ba!? Masaya ka na ba ha Jaica!?" sigaw ko at pahampas na sinara ang pinto.
"Ano ba ang ikinagagalit mo!? Pakialam ko sa babae na yun kung masaktan siya o hindi!"
Nakakainis... bakit kailangan pang umabot sa ganito.
Di ko inaakalang mas mahirap palang hindi pansinin ang taong mahal mo...
Dumiretso kaagad ako sa kwarto at padabog na isinara ang pinto at kinandado ito.
"Oi Miko buksan mo ang pinto!"
Di ko siya pinansin kahit anong dada niya, Bahala siya. Ito naman ang gusto niyang mangyari ang makasama ako sa iisang bubong.
Hindi na kaibigan ang turing ko sa kanya mula nung araw na iyon dahil walang kaibigan na sarili lang ang iniisip...
Di naman niya malalaman na tatakas ako dahil dadaan ako sa bintana. Ang gusto ko lang ngayon ay maka-usap at makasama si Amby.
Pagbukas ko ng bintana ay siya agad ang bumungad sakin. Jaica ( ̄. ̄)
"Anak ng! Tangina!"
"Saan ka pupunta? Pupuntahan mo siya no!?"tanong niya sakin at papasok na sana sa bintana nang bigla ko itong isinara.
"Miko naman papasukin mo ako diyan, lalamukin ako dito... ui"
Inihanda ko na ang hihigaan ko at hindi pinansin ang pagkalampag niya sa bintana.
Bahala siyang lamukin... di ko naman kasalanan kung ano mangyari sa kanya, pilit niyang isinisiksik ang sarili niya sakin kahit hindi ko na siya gusto tsk.
Ang lakas niyang sabihin na kapatid lang ang turing niya sakin.... tapos ngayon... parang lang niyang binabalikan ang pinagsawaan niyang bagay.
🔫🔫🔫🔫🔫🔫🔫🔫🔫🔫🔫🔫
FierceyCrimson
YOU ARE READING
Accidentally Fall Inlove With A Bandit
AléatoireSa lahat ng taong pwede kong pagka-gustuhan ... bakit sa isang kalaban pa ng batas! Love is blind nga tangina!!!