Amber's Pov
Magdadalawang linggo rin kaming nagpapasakit este inaalagaan ang isa't-isa.
Salamat nalang sa betadine madali lang mag-hilom ang sugat ko sa pisngi at medyo nagagalaw ko na ng konti yung left arm ko na nagkaroon ng injury. No worries dahil left lang naman ang na-injury at least makakarecover na ito, Im right handed kasi.
Inistretch ko ng konti ang left arm ko dahil own therapy ko ito.
Mabababaw lang naman yung sugat ni Miko kaya ngayon... okay.. balik sa dating sitwasyon nag-iisa dahil walang kasama.
Dahil wala akong magawa, tinanggal ko na lang ang mga talukap ng mga maliit na sugat. Masakit minsan ,may dugo pa ngang lumalabas. Mga sugat nalang sa binti ko at mukha ang natitira isama mo pa yung may kalakihang hiwa sa pisngi ko. Buti nalang ay hindi magkakapeklat yung mukha ko dahil... ewan ko sa skin ko... basta sa tingin ko magiging gray muna yung part na yun tapos babalik rin sa dati nitong kulay after few months.
Bumukas narin yung pinto, senyales na umuwi na siya.
Lumingon ako para magtanong ng nonsense pero parang pinagsakluban siya ng langit at lupa dahil parang balisa siya.
"May problema ba Miko?"
"Wala... "
"Wala pala eh, bakit ganyan ang itsura mo para kang pinagsakluban ng langit at lupa?"
" Nanenelikado ang posisyon ko bilang kanang kamay ni pinuno"
Napa-tingin nalang ako sa baba.
"Hindi naman mahalaga yung posisyon na yun para sakin kaya wala kang dapat ipag-alala kung alisin man nila ako sa pwesto" dugtong pa niya para pagaanin ang loob ko.
"Pero pinaghirapan mo iyon..." sabi ko.
"Nga pala... mawawala si pinuno ng dalawang linggo" pag-iiba niya ng usapan.
"Eh?? Sino naman yung tatayong pinuno? ik..."
"Si Jaica... " sabi niya bago ko pa matapos ang aking pagsasalita.
Nakita kong nag-iba ang timpla ng mukha niya nang banggitin niya ang pangalan ni Jaica.
Hindi ko naman sinabi sa kanya ang totoong nangyari sakin sa gubat. Pero parang may something sa kanilang dalawa...
"Tinanggal mo na naman yung talukap ng mga sugat mo ano!? Ang tigas talaga ng ulo mo, paano gagaling yang sugat mo kung palagi mong aanuhin. Pasaway ka talaga" sermon niya sakin at pinitik ang noo ko.
"Aish! kahit gawin ko man iyon o hindi maghihilom rin ito no! Bakit? Pangit na ba ako ngayon?" tanong ko sa kanya.
"Kahit mabalutan pa ng peklat ang mukha mo, maganda ka parin sa paningin ko" sagot niya at ginulo ang buhok ko.
💢💢💢
"Alam ko naman na matangkad ka, pero wag mo naman akong tratuhin na parang maliit na bata" saad ko at tinignan siya ng masama pero nginitian niya lang ako at biglang hinalikan ang pisngi ko.
"Gutom lang yan... kain na tayo.." sabi nito at dumiretso na sa kusina.
Flashforward
Matutulog na sana kami nang may katanungang ang lumitaw saking isip.
"Nga pala paano ka nakasali sa samahan niyo?"tanong ko sa kanya.
"Dahil dito na ako pinanganak at lumaki" maikli niyang sagot.
"Anung konek kung ipinanganak at lumaki ka rito?"
"Tsk di pa ako tapos!pag-edad ko ng siyam na taong gulang ay tinuruan na ako ng ama kong humawak ng iba't-ibang klase ng baril, at pagkalipas ng ilang pagsasanay ay nakasali narin ako sa samahan" mahaba niyang letanya.
YOU ARE READING
Accidentally Fall Inlove With A Bandit
RandomSa lahat ng taong pwede kong pagka-gustuhan ... bakit sa isang kalaban pa ng batas! Love is blind nga tangina!!!