Amber's Pov
Nasa gitna kami ng walang tigil na paglalakad na ang tanging dala lang namin ay payong, scarf, dalawang litro ng tubig, baon at pera.
Matarik ang daan... tangina... lalaki ang mga binti ko nito... magkakaroon ako ng kalyo sa paa.
"Malayo pa ba Ate Mikasa? pahinga naman tayo oh..." sabi ko habang hinahabol ang aking hininga.
"Malayo-layo pa... ng konti"
Kanina payan na konti...
Napasandal nalang ako sa mga puno ng ilang beses para magpahinga ng konti.
Wala ba silang kapaguran? Kasi ako napapagod na...
"Magpahinga muna tayo..."
Hay salamat... naninigas na ang binti at hita ko.
Kung di ako nagkakamali alas 8 na ng umaga, dalawang oras mula sa pag-alis namin.
Pagkatapos ng ilang minuto ay pinagpatuloy na namin ang paglalakad.
Narating narin namin ang paanan ng bundok sa wakas...
Akala ko mamatay na ako sa paglalakad...
"Mga anim na kilometro pa bago natin maabot ang town proper ng Albuera tara na bilis" sabi ni Hilda at nauna na.
"H...hin...hintayin... niyo..a..ako oi!" nagkakanda-utal-utal kong sabi at pinilit na tumakbo para habulin sila.
Naka-abot narin kami sa bayan sa wakas...
Agad kaming namili ng lamas.
(a/n: In our language lamas means onion, ginger, garlic, tomatoe, asin and bitsin, IN SHORT Seasonings)
"Ate Mikasa magpahinga naman tayo ng konte..." sabi ko habang minamasahe ang binti ko. Nasa plaza kami ngayon ng Albuera.
"Kung puro pahinga nalang tayo, Mamayang gabi pa tayo dadating sa kampo"
May chance naman akong makatakas... tutal... may... sakto lang pala ang perang dala namin para sa pamimili.
Tinanggal ko ang scarf na nagtatakip sa mukha ko dahil sa init. Kung tatakas ako ngayon... san ako kukuha ng pera bilang pamasahe?
Nakita kong may taong naka-tingin sakin. Hindi man ako makatakas ngayon... at least may makakakita naman sakin.
Nakita ko kasing may mga poster sa mga poste kung saan nakalagay ang mukha ko at may naka-capslock pa na missing sa taas.
"Amby... di mo naman yan ginagawa ng walang rason diba?"
Agad kong ibinalot uli sa mukha ko ang scarf nang malaman kong nakahalata si Ate Mikasa.
Nagpatuloy narin kami sa paglalakad.
Pag-makauwi kami... matutulog kaagad ako...
Tangeeenaaaaaaaaaaaa!!!!!!!
Mikoto's Pov
Pinatawag ako ni pinuno ngayon at parang...
"Napaka walang isip mo Mikoto! Alam mong mainit pa ang balita tungkol sa pagkawala niya tapos hinayaan mo siyang lumabas ng kampo! " bulyaw sakin ni pinuno.
"Kasama naman niya sina Ate Mikasa pinuno..." pagdadahilan ko.
"Kasama nga siya nila, pero TANGINA MIKOTO NAG-IISIP KA BA!?"bulyaw ni pinuno ulit at sinapak ako.
Oo nga... maari siyang tumakas... o di kaya makita ng mga tao.
"Pagsasabihan ko nalang po siya pinuno..."
![](https://img.wattpad.com/cover/165904408-288-k55378.jpg)
YOU ARE READING
Accidentally Fall Inlove With A Bandit
DiversosSa lahat ng taong pwede kong pagka-gustuhan ... bakit sa isang kalaban pa ng batas! Love is blind nga tangina!!!