Chapter 27

89 3 0
                                    

Amber's Pov

Nagising ako sa init ng paligid na nagmumula sa pagtama ng araw sa glass window ng kwarto ko.

Kinuha ko yung cellphone ko na nahigaan ko para tignan ang oras.

Hmmm.... 1.... da heck!?

1:05 pm!?  seriously

Agad akong bumangon at lumabas sa kwarto ko dahil gutom na gutom na ako.

Kakaiba... dahil medyo tahimik ata...

"Akala ko habangbuhay ka nang matutulog" biro ni mama na kumakain ng fruit salad.

"Asan si papa?"

"Nag-overnight lang siya, bumalik rin siya sa kampo nila kaninang umaga?"

"Eh si Miko ma?" tanong ko uli kay mama habang kinakamot yung ulo ko.

Nakita kong nagdalawang isip pa si mama sa pagsagot sa tanong ko,kaya dumiretso ako sa ref para kunin yung spaghetti at kainin iyon. I don't care if it's cold as long as I can eat it.

"Umalis na siya nak"

"Huh?" tanong ko ulit kay mama dahil hindi ko narinig yung sinabi niya dahil busy ako sa kaka-nguya ng spaghetti.

"Umalis na siya"

"Huh? So Nagbabantay siya ngayon sa babuyan?"

Umiling lang si mama, kaya tumigil  ako sa pagkain.

"Anong ibig mo sabihin ma?"

"Umalis siya as in literal na umalis"

How? Papano?

As far as I remember hindi man lang nagkaroon ng misunderstanding si Miko or si mama or even na pagalitan siya para mag-udyok sa kanya na umalis.

Inilapag ko sa mesa yung tupperware kung saan naka-store yung spaghetti na kinakain ko.

"How? When? bakit hindi niyo man lang ako ginising? anong sinabi niya ma bago siya umalis? Ma?" sunod sunod kong tanong kay mama habang marahas na kinakamot yung ulo ko.

"Una, natutulog ka ng mahimbing, at ikalawa wala siyang sinabi basta nalang siyang nagboluntaryong umalis" sagot ni mama.

Hindi ko alam kung ano ang irereact ko...

"Ma... di ba wala naman rason para umalis siya?"

"Sinubukan kong pigilan siya, pero nakapagdecide na siya kaya binigyan ko nalang siya ng pocket money "

"Bakit hindi niya hinintay kahit New year lang..."

Hindi pa ako handa...  sa paglisan niya...

"Maybe he just want to be independent in his own way, so let him be..."

"Pero ma..."

"Kung talagang mahal ka niya, babalik siya, at nak napakabata mo pa, isipin mo nalang ang pag-eskwela"  payo ni mama sakin.

Tumalikod nalang ako para di ni mama makita ang pagtulo ng luha ko.

Pinagpatuloy ko ang pagkain ng spaghetti ko at bumalik rin sa kwarto ko at doon ko na binuhos lahat ng pag-iyak ko.

Di manlang siya nagpaalam sakin, kahit sana tulog ako ay sana ginising niya ako.

Days passed we celebrated the New Year...

And then the class resumes again ... and at the same time its my birthday... January 7, 2019

Tinatamad akong pumasok pero no choice kailangan kong pumasok. At tsaka ang dami ko ng absent baka ma-drop pa ako.

Accidentally Fall Inlove With A BanditWhere stories live. Discover now